Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, DISYEMBRE 31, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,824 total views

Ika-7 Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

1 Juan 2, 18-21
Salmo 95, 1-2. 11-12. 13

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Juan 1, 1-18

The Seventh Day in the Octave of Christmas (White)
or Optional of St. Sylvester I, Pope (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 18-21

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga anak, malapit na ang wakas! Tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-Kristo. Ngayon nga’y marami nang lumitaw na mga anti-Kristo, kaya’t alam natin na malapit na ang wakas. Bagamat sila’y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon. Sapagkat kung sila’y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya’t maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.

Ngunit ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu, at dahil dito, kayong lahat ay may pagkaunawa. Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa di ninyo alam ang katotohanan. Alam ninyo ito, at alam din ninyo na walang kasinungalingang nagmumula sa katotohanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2. 11-12. 13

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!
Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;
araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,
pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Panginoo’y pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paparito sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

ALELUYA
Juan 1, 14a. 12a

Aleluya! Aleluya!
Naging anak ng D’yos tayo
sa Salitang naging tao
na nanirahan sa mundo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 1-18

Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya. Hindi siya ang ilaw kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.

Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.

Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. At ganito ang kanyang sigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko’y higit sa akin, sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak.’”

Dahil sa siya’y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Sapagkat ibinibigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesukristo. Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siya ng bugtong na Anak – siya’y Diyos – na lubos na minamahal ng Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Disyembre 31

Sa pagtatapos ng taon, purihin at pasalamatan natin ang Diyos para sa maraming biyayang ibinuhos niya sa atin lalo na ang handog niyang Anak na si Jesus.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain at ipagsanggalang mo kami.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na iparangal ang kagalakang hatid ng pagdating ni Jesus na aming Tagapagligtas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno at nanunungkulan sa pamahalaan nawa’y ituring ang Salita ng Diyos bilang bantayan at adhikain ng kanilang mga pagsisikap, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating banal at huwarang pamumuhay, maihatid natin ang liwanag ni Jesus sa mga taong ang buhay ay pinadilim ng kasalanan at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita ang pag-asa ng panunumbalik ng kanilang kalusugan at ganap na paggaling sa pagdating ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalatayang namayapa na ay makabahagi nawa sa liwanag ng kaluwalhatian sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming mapagmahal, nagpapasalamat kami sa iyo sa pagbabahagi mo sa amin ng iyong buhay. Nawa ay matalikuran namin ang kasalanan at sa pagsalubong namin sa isa pang taon, puspusin mo kami ng liwanag, pag-asa at pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 15,595 total views

 15,595 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 77,625 total views

 77,625 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 97,862 total views

 97,862 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 112,146 total views

 112,146 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 134,979 total views

 134,979 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 36,394 total views

 36,394 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 36,625 total views

 36,625 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 37,123 total views

 37,123 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 27,159 total views

 27,159 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 27,268 total views

 27,268 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top