Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, MARSO 18, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,931 total views

Sabado sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Oseas 6, 1-6
Salmo 50, 3-4. 18-19. 20-21ab

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Lucas 18, 9-14

Saturday of the Third Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Oseas 6, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Halikayo at tayo’y manumbalik sa Panginoon pagkat ang nanakit ay siya ring magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya siya rin ang gagamot. Sa loob ng dalawang araw ay mapalalakas niya tayo uli. At sa ikatlong araw, tayo’y kanyang ibabangon, upang mamuhay sa kanyang pagtangkilik. Halikayo, sikapin nating makilala ang Panginoon; tiyak na tutugunin tayo sa ating panawagan. Sintiyak ng pagdating ng bukang-liwayway, darating siyang walang pagsala, tulad ng patak ng ulan na dumidilig sa kaparangan.

Ano ang gagawin ko sa iyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa iyo, Juda? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay tulad ng ulap sa umaga, gaya ng hamog na dagling napapawi. Kaya nga, ipahahampas ko kayo sa aking mga propeta, lilipulin ko kayo sa pamamagitan ng aking mga salita, at simbilis ng kidlat ang pagkatupad ng aking hatol. Sapagkat katapatan ang nais ko at hindi hain, at pagkakilala sa Diyos sa halip ng handog na susunugin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 18-19. 20-21ab

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan!

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Hindi mo na nais ang mga panghandog;
sa haing sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Iyong kahabagan, O Diyos, ang Sion;
yaong Jerusalem ay muling ibangon.
At kung magkagayon, ang handog na haing
dala sa dambana, torong susunugin,
malugod na ito’y iyong tatanggapin.

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Salmo 94, 8ab

Kapag ngayo’y napakinggan
ang tinig ng Poong mahal,
huwag na ninyong hadlangan
ang pagsasakatuparan
ng mithi n’ya’t kalooban.

MABUTING BALITA
Lucas 18, 9-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili’y matuwid at humahamak naman sa iba. “May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa’y Pariseo at ang isa nama’y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita.’ Samantala, ang publikano’y nakatayo sa malayo, hindi man lamang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito’y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Sabado

Taglay ang mga pusong nagsisisi at nagpapakumbaba, humaharap tayo ngayon sa Diyos. Tumugon tayo ng tapat at nagpapakaabang panalangin sa mga kahilingang ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Padaluyin Mo sa amin ang iyong habag, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging isang tiyak na kanlungan para sa mga makasalanan at mga itinatakwil ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y magbigay ng higit na malasakit sa mga kababaihan, mga bata, mga ulila, mga matatanda, at mga walang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalataya nawa’y magkaroon ng higit na malalim na pananalangin at pagsisisi lalo na sa panahong ito ng Kuwaresma, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maranasan ang nakapagpapagaling na kapangyarihan ni Kristo upang mabigyan sila ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng liwanag, kaligayahan, at kapayapaan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tinutunghayan mo ang aming mga puso at nakikita mo ang aming mga pangangailangan. Ipagkaloob mo, dahil sa iyong habag, ang hinihiling namin sa aming panalangin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 163,890 total views

 163,890 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 185,666 total views

 185,666 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 209,567 total views

 209,567 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 316,465 total views

 316,465 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 340,148 total views

 340,148 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 85,895 total views

 85,895 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 86,126 total views

 86,126 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 86,703 total views

 86,703 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 66,119 total views

 66,119 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 66,228 total views

 66,228 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top