SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 986 total reads

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na!

Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga Pilipino sa matinding epekto ng mataas na inflation rate na pumalo sa 2.4-percent. Tumaas na ang bilang ng mga Pilipino na dumaranas ng kahirapan, lumiliit na ang purchasing power ng mga low income earners dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng pagkain, pangunahing pangangailangan, housing at ulitities.

Kapanalig, lalo pang bibigat ang pasanin o lalo pang dadanas ng kahirapan ang low-income families sa paglaganap ng sigalot sa Gitnang Silangan dahil sa ginawang pag-atake ng US sa Iran at paghiganti naman ng Iran sa US interest sa Middle East.

Ang resulta ng sigalot ng US at Iran, tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo. Ang pinaka-apektado., ang Pilipinas dahil, 98-porsiyento ng ini-import na krudo ay mula sa Middle East. 75-percent ay refined petroleum products at 25-percent ay crude oil.

Ang nakakalungkot Kapanalig, kahit mayroon pang maraming buffer stock o supply ang mga kumpanya ng langis sa Pilipinas na nabili pa sa mababang halaga. Ang nakakagalit Kapanalig, mismong ang pamahalaan, ang Department of Energy pa mismo ang nag-announce kung magkano ang posibleng ipatupad na oil price hike ng mga kumpanya ng langis.

Dahil sa Middle East war, nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng “big time oil price hike”. Ang presyo ng diesel, tumaas ng 24.25 pesos kada litro., ang gasoline tumaas ng 14-pesos kada litro., ang kerosene ay magiging 86.67 na kada litro ang presyo.

Kawawang Juan dela Cruz, natural sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo., ang halaga ng transportasyon,elektrisidad, pagkain,serbisyo. Tinataya ng pamahalaan, aabot ang inflation rate ng bansa ngayong Marso sa 6 to 7-percent.

Paano na mabubuhay ang isang manggagawang Pilipino na sumasahod lamang ng 504-pesos minimum wage gayong sinsabi ng IBON foundation na ang average na family living wage ay 1,258-pesos kada araw.

Kapanalig, kung noong January 2026 ay naitala ng Philippine Statistic Authority ang pinakamataas na unemployment sa 2.9-milyong Pilipino na walang trabaho? Dahil sa epekto ng oil price hike, lolobo na naman ang bilang ng unemployment lalu’t milyun-milyong na naman ang magsisitapos sa kolehiyo?

Nagkukumahog sa kasalukuyan ang pamahalaan, kung paano matugunan ang matinding impak ng oil price hike? Babaan ang sinisingil na excise tax sa mga produktong petrolyo. Ang makikinabang sa hakbang ay mga kumpanya ng langis na naman?May panukala din na ipawalang bisa na ang oil deregulation law., ideya din na bigyan ng fuel subsidy ang transport sector.

Kailan kaya pahahalagahan ng estado at mga negosyante ang kapakanan ng mamamayan bago ang kita tulad ng isinasaad sa Catechism of the Catholic Church “2432 Those responsible for business enterprises are responsible to society for the economic and ecological effects of their operations.217 They have an obligation to consider the good of persons and not only the increase of profits. Profits are necessary, however. They make possible the investments that ensure the future of a business and they guarantee employment’.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,185 total reads

 54,185 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,623 total reads

 133,623 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,068 total reads

 167,068 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,366 total reads

 202,366 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,727 total reads

 426,727 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 54,186 total reads

 54,186 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,624 total reads

 133,624 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,069 total reads

 167,069 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,367 total reads

 202,367 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top