Mga lider ng simbahan sa buong mundo, magpupulong sa October 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total reads

Inanunsyo ng Kanyang Kabanalan Leon XIV na magpupulong sa October 2026 ang mga lider ng Simbahang Katoliko mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang higit pang pagtibayin ang pagpapahayag ng Ebanghelyo sa mga pamilya.

Ito ang pahayag ng Santo Papa kasabay ng paggunita sa ika-sampung anibersaryo ng Apostolic Exhortation na Amoris Laetitia, kung saan binigyang-diin ang pangangailangan ng sama-samang pagninilay at pakikinig sa gitna ng nagbabagong kalagayan ng pamilya sa lipunan.

“I have decided to convene the presidents of the Episcopal Conferences from around the world in October 2026… to proceed… to a synodal discernment on the steps to be taken in order to proclaim the Gospel to families today,” ayon kay Pope Leo XIV.

Paliwanag ng Santo Papa, layunin ng nasabing pagtitipon na tukuyin ang mga konkretong hakbang upang mas mapalalim ang paglilingkod ng Simbahan sa mga pamilya, lalo na sa harap ng mabilis na pagbabagong panlipunan.
Binigyang-diin ni Pope Leo ang mahalagang papel ng pamilya sa misyon ng Simbahan, na hindi lamang tumatanggap ng katuruan kundi aktibong katuwang sa pagpapalaganap ng pananampalataya.

“There are… circumstances in which the Church can become the salt of the earth only through the lay faithful and, in particular, through families,” saad pa ng santo papa.

Iginiit ni Pope Leo XIV ang pangangailangang palakasin pa ang pastoral na pagtugon ng Simbahan para sa sektor ng pamilya.

“The Church’s commitment in this area must be renewed and deepened,” giit ng Santo Papa.

Muling nanindigan ang punong pastol ng Simbahang Katolika sa kahalagahan ng pakikinig sa mismong karanasan ng mga pamilya bilang bahagi ng synodal na paglalakbay ng Simbahan.

“It is not possible to speak about the family without engaging families themselves, listening to their joys… sorrows… and anguish,” aniya.

Kasabay nito, kinilala rin ng Santo Papa ang mga hamon na kinahaharap ng mga pamilya sa kasalukuyang panahon, kabilang na ang kahirapan at karahasan.

Binigyang-diin nito na kinakailangang higit na samahan at suportahan ang mga pamilyang dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok.

Sa kabila ng mga hamon, pinuri ni Pope Leo XIV ang mga pamilyang patuloy na nagsasabuhay ng pananampalataya sa pamamagitan ng simpleng araw-araw na pagmamahalan.

“The spirituality of family love… made up of thousands of small but real gestures,” ayon kay Pope Leo.

Muling pinagtibay ng Santo Papa ang turo ng Simbahan na ang pamilya ay nananatiling pundasyon ng lipunan at isang “domestic church” na may mahalagang papel sa pagpapasa ng pananampalataya sa susunod na henerasyon.
Sa pamamagitan ng nalalapit na pandaigdigang pagtitipon ng mga obispo, inaasahan ang mas pinaigting na hakbang ng Simbahan upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilya at patuloy na maipahayag ang Ebanghelyo sa makabagong panahon.

Matatandaang March 19, 2016 nang ilathala ni Pope Francis ang Apostolic Exhortation Amoris Laetitia na bunga ng tatlong taong pagninilay na pinagyaman ng Jubilee Year of Mercy na layong paigtingin ang pagpapastol sa mga pamilya.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,448 total reads

 8,448 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,966 total reads

 9,966 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 21,951 total reads

 21,951 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 59,329 total reads

 59,329 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 90,599 total reads

 90,599 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 166,556 total reads

 166,556 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 259,716 total reads

 259,716 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,449 total reads

 8,449 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top