National Conference of Youth Ministers 2026, itinakda ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 828 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) ang pagsusulong ng mas pinalalim na diwa ng synodality at aktibong pakikilakbay sa kabataang Pilipino sa gaganaping National Conference of Youth Ministers (NCYM) 2026.

Ayon sa komisyon, isasagawa ang NCYM mula August 18 hanggang 22, 2026 sa Diocese of Kidapawan sa Mindanao.
“NCYM 2026 aims to promote and foster the Spirit of Synodality among youth ministers, equipping them to walk alongside Filipino youth,” ayon sa pahayag ng CBCP-ECY.

Iginiit ng komisyon na higit pa sa isang pagtitipon ang NCYM 2026 sapagkat layunin nitong pagtibayin ang ugnayan ng mga diyosesis at palakasin ang kakayahan ng mga youth ministers sa pagtugon sa pangangailangan ng kabataan.
“More than a meeting, NCYM strengthens relationships among dioceses and equips youth ministers to respond more compassionately and effectively to the real needs and hopes of the young people they serve,” dagdag pa ng komisyon.
Ipinaliwanag din ng CBCP-ECY na magsisilbing mahalagang espasyo ang pagpupulong para sa sama-samang paghubog at pakikipagtulungan ng mga lingkod-kabataan mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

“It serves as a shared space where diocesan youth directors and official delegates come together not only as coordinators of programs, but as fellow pastoral workers committed to the care and formation of the young,” saad ng komisyon.

Nakaugat ang pagpupulong sa pananaw ng Simbahan para sa kabataan, partikular sa Apostolic Exhortation na Christus Vivit, kung saan layon nitong magbigay ng makabuluhang kapaligiran para sa formation, fellowship, at collaboration.

Sa pamamagitan ng capacity-building sessions, issue-based lectures, at practical workshops, inaasahang mas mapalalalim ang kakayahan at malinaw na direksyon ng mga youth ministers sa kanilang misyon.
Bahagi rin ng inspirasyon ng pagtitipon ang tema ng Jubilee Year 2025 na “Pilgrims of Hope,” na inaasahang maghuhubog sa mga kabataang lingkod bilang mga tagapaghatid ng pag-asa at instrumento ng pagbabago sa lipunan.

Kabilang sa mga layunin ng NCYM 2026 ang pagpapalalim ng pagkakakilanlan ng mga youth ministers bilang mga alagad ni Kristo, paghuhubog sa kanila bilang mga magigiting na saksi ng pananampalataya sa kasalukuyang panahon, at pagpapalakas upang maging mga tagapaghatid ng pag-asa at pagbabago.

Tema ng NCYM 2026 ang “Chosen as Witness! Bearers of Hope” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan (Jn 15:27).
Inaanyayahan ng CBCP-ECY ang mga arkidiyosesis, diyosesis, prelatura, bikaryato, at mga kasapi ng Federation of National Youth Organizations (FNYO) na magpadala ng tig-tatlong kinatawan sa pagtitipon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa ECY Secretariat sa 0917-8536792 o sa email na [[email protected]] (mailto:[email protected]). Maaari ring makipag-ugnayan sa Commission on Youth ng Diocese of Kidapawan sa 0947-7633411 o 0960-6460697, o sa email na [[email protected]] (mailto:[email protected]).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,236 total reads

 78,236 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,924 total reads

 172,924 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,192 total reads

 217,192 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,301 total reads

 240,301 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,915 total reads

 311,915 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top