Diocese of Parañaque, suportado ang Penitential Walk for Life 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 335 total views

Hinimok ni Parañaque Bishop Jesse Mercado ang mga tagapakinig ng Radyo Veritas at ang lahat ng layko sa Diocese of Parañaque na makiisa sa gaganaping Penitential Walk for Life 2026.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang pakikibahagi ng mananampalataya sa gawaing espiritwal na pinangungunahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa ika-20 ng Marso 2026, mula alas-3 ng hapon hanggang alas-8:30 ng gabi sa Intramuros, Manila.

“I strongly encourage the listeners of Radio Veritas and all the lay people in the Diocese of Parañaque to participate in the Penitential Walk for Life 2026 led by Sangguniang Laiko ng Pilipinas this March 20, 2026 from 3pm to 8:30pm,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Mercado sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ni Bishop Mercado na ang nakatakdang Penitential Walk for Life 2026 ay maituturing na isang biyaya at makabuluhang paghahanda para sa paggunita ng Semana Santa.

“This is an excellent grace filled spiritual exercise that prepares us for a meaningful Holy Week. See you there and God bless,”
Dagdag pa ni Bishop Mercado.

Kaugnay nito umaasa ang Obispo sa pakikiisa ng mga mananampalataya sa nakatakdang gawain bilang bahagi ng sama-samang paglalakbay ng Simbahan tungo sa mas malalim na pananampalataya at pagsisisi ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ang Penitential Walk for Life ay taunang gawain na pinangangasiwaan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na naglalayong palalimin ang pananalangin at pagsisisi ng mga mananampalataya bilang paghahanda sa paggunita ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,288 total views

 49,287 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 173,699 total views

 173,698 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 215,975 total views

 215,975 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 293,821 total views

 293,821 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 2,885 total views

 2,885 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top