Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, NOBYEMBRE 19, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,234 total views

Sabado ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Pahayag 11, 4-12
Salmo 143, 1. 2. 9-10

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

Lucas 20, 27-40

Saturday of the Thirty-third Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Pahayag 11, 4-12

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Sinabi sa akin, “Juan: Narito ang dalawa kong saksi. Ito’y ang dalawang punong olibo at dalawang ilawan sa harapan ng Panginoon ng lupa. Kapag may nagtangkang manakit sa kanila, lalabas sa bibig nila ang apoy na tutupok sa kanilang mga kaaway. May kapangyarihan silang ipinid ang langit upang hindi umulan sa panahon ng pagpapahayag nila ng salita ng Diyos. May kapangyarihan din silang gawing dugo ang tubig, at magpadala ng anumang salot sa lupa tuwing maibigan nila.

Pagkatapos nilang magpatotoo, aahon ang halimaw na nasa bangin at makikipaglaban sa kanila. Matatalo sila at mapapatay ng halimaw, at ang kanilang bangkay ay mahahandusay sa lansangan ng dakilang lungsod, na ang mahiwagang pangalan ay Sodoma o Egipto. Dito rin ipinako sa krus ang kanilang Panginoon. Sa loob ng tatlong araw at kalahati, ang kanilang mga bangkay ay panonoorin ng mga tao mula sa iba’t ibang lahi, lipi, wika, at bansa, at hindi sila papayag na ilibing ang mga bangkay. Magagalak ang lahat ng tao sa sanlibutan dahil sa pagkamatay ng dalawang ito. Magdiriwang sila at magbibigayan ng mga regalo, sapagkat ang dalawang propetang iyon ay nagdulot ng labis na kahirapan sa kanila. Pagkalipas ng tatlong araw at kalahati, ibinalik ng Diyos ang kanilang buhay, at sila’y tumindig. Nasindak nang gayun na lamang ang mga nakakita. Pagkatapos ay narinig nila ang isang malakas na tinig mula sa langit na ang wika: ‘Umakyat kayo rito!’ At habang nakatingin ang kanilang mga kaaway, napasalangit sila sa isang ulap.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 143, 1. 2. 9-10

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

Purihin ang Poon, na aking sanggalang,
sa pakikibaka, ako ay sinanay;
inihanda ako, upang makilaban.

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

Matibay kong muog at Tagapagligtas,
at aking tahanang hindi matitinag;
Tagapagligtas kong pinagtitiwalaan,
nilulupig niya ang sakop kong bayan.

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

O Diyos, may awitin akong bagung-bago,
alpa’y tutugtugin at aawit ako.
Tagumpay ng hari ay iyong kaloob,
at iniligtas mo si David mong lingkod.

Ang Poon ay papurihan,
siya ang aking sanggalang.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 20, 27-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo’y hindi naniniwala na muling bubuhayin ang mga patay. “Guro,” anila, “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay. Gayun din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito: isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay naman ang babae. Sa muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa niya yamang napangasawa niya silang lahat?”

Sumagot si Hesus, “Sa buhay na ito, ang lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang lalaki’t babaing karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay. Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang ‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay – sa kanya’y buhay ang lahat.” Sinabi ng ilan sa mga eskriba, “Magaling ang sagot ninyo, Guro!” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya ng anuman.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Napakamaluwalhati ng kapayapaan at pag-asa sa Muling Pagkabuhay! Manalangin tayo nang may pusong malaya mula sa hangal na pag-aalinlangan at pagdududa sapagkat nananalig tayo sa pangako ni Jesus na Muling Nabuhay para sa atin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng buhay, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y magpatuloy na magpahayag ng Mabuting Balita ng Muling Pagkabuhay at ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating pang-araw-araw na buhay, nawa’y maihatid natin ang liwanag ng bagong pag-asa sa mga nabubuhay sa kadiliman at kawalang pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha, mga walang tahanan, at mga nangangailangan nawa’y madama ang Panginoon ng Buhay sa pamamagitan ng pag-ibig at kagandahang-loob ng mga mabubuti sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, at yaong mga nagdurusa nawa’y matagpuan ang mapagpagaling na presensya ni Kristo sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kaligayahan sa tiyak na pag-asa ng Muling Pagkabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng mga buhay, bigyan nawa kami ng Eukaristiyang ito ng paghangad sa walang hanggang Hapag, na iyong inihanda sa aming kung saan malulugod kami sa kaligayahan ng iyong presensya magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,698 total views

 8,698 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 20,181 total views

 20,181 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 35,870 total views

 35,870 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 36,651 total views

 36,651 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 46,367 total views

 46,367 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Martes, Hunyo 3, 2025

 205 total views

 205 total views Paggunita kay San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 10-11. 20-21 Tanang mga kaharian, ang Poong

Read More »

Lunes, Hunyo 2, 2025

 716 total views

 716 total views Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir Mga Gawa 19, 1-8 Salmo

Read More »

Linggo, Hunyo 1, 2025

 1,190 total views

 1,190 total views Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon (K) Mga Gawa 1, 1-11 Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9 Habang umaakyat ang D’yos, ang tambuli’y tumutunog.

Read More »

Sabado, Mayo 31, 2025

 1,765 total views

 1,765 total views Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria Sofonias 3, 14-18 o kaya Roma 12, 9-16b Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6 Kapiling n’yo ang

Read More »

Biyernes, Mayo 30, 2025

 2,210 total views

 2,210 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na

Read More »

LATEST NEWS

Scroll to Top