Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, NOBYEMBRE 25, 2023

SHARE THE TRUTH

 8,292 total views

Sabado ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay Santa Catalina ng Alexandria, dalaga at martir
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

1 Macabeo 6, 1-13
Salmo 9, 2-3. 4 at 6. 16b at 19

Poon, pupurihin kita
sapagkat ako’y ligtas na.

Lucas 20, 27-40

Saturday of the Thirty-third Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Catherine of Alexandria, Virgin and Martyr (Red)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
1 Macabeo 6, 1-13

Pagbasa mula sa Unang aklat ng Macabeo

Noong mga araw na iyon, naglalakbay ang Haring Antioco sa mga lalawigan sa loob ng bansa. Nabalitaan niya na may lungsod na tinatawag na Elimain sa Persia. Bantog ito sa kayamanan sa pilak at ginto. Hindi lamang iyon, pati ang templo roon ay maraming kayamanan, tulad ng mga gintong helmet, baluti, at mga sandata. Ang mga ito ay iniwan doon ni Alejandrong anak ni Haring Felipe ng Macedonia, ang kauna-unahang hari sa Grecia. Sa paghahangad ni Antiocong matamo ang mga kayamanang ito, binalak niyang lusubin ang lungsod. Ang balak na ito ay umabot sa kaalaman ng mga tagaroon. Nabigo ang kanyang panukala, sapagkat nilabanan siya ng mga tagaroon. Malungkot siyang umurong at nagbalik sa Babilonia.

Nasa Persia ang Haring Antioco nang may magbalita sa kanya na napipilan at umurong ang mga hukbong pinasalakay sa Judea. Nabalitaan din niya na si Lisias at ang malaking hukbo nito ay napaurong din ng mga Israelita. Anupat ang mga Israelita’y bantog na sa lakas dahil sa nabihag nilang mga tauhan at kagamitan ng mga hukbong kanilang nalupig. Umabot din sa kaalaman niya na inalis na ang tinatawag niyang Kalapastanganang Walang Kapantay na inilagay niya sa altar sa Jerusalem at ang templo ay pinaligiran ng mataas na pader; pati ang kanyang lungsod ng Bet-sur ay iginawa ng kuta.

Sa mga balitang ito’y natakot ang hari at lubhang nabahala. Bunga ng kanyang mga kabiguan siya’y nagkasakit at naratay sa banig ng karamdaman. Maraming araw na nanaig sa kanya ang matinding kalungkutan, hanggang sa maramdaman niyang malapit sa siyang mamatay.

Dahil dito, tinawag niya ang lahat niyang mga kaibigan at ganito ang sinabi, “Matagal na akong di makatulog dahil sa pag-aalala. Naitatanong ko sa aking sarili kung bakit ko dinaranas ang ganitong kahirapan. Alam naman ninyong hindi ako mahigpit sa aking pamamahala. Ngunit naalaala ko ang aking masamang ginawa sa Jerusalem. Inalis kong lahat ang mga kagamitang pilak at ginto sa templo, at ipinapatay ko ang mga mamamayan ng Judea kahit walang dahilan. Alam kong ito ang dahilan ng aking mga kahirapan. Ngayon, ako’y mamamatay sa ibang lupain.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 9, 2-3. 4 at 6. 16b at 19

Poon, pupurihin kita
sapagkat ako’y ligtas na.

O Panginoon ko, buong puso kitang pasasalamatan,
ang kahanga-hangang ginawa mo, Poon, aking isasaysay;
dahilan sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan,
pupurihin kita, Panginoon naming Kataas-taasan.

Poon, pupurihin kita
sapagkat ako’y ligtas na.

Makita ka lamang ay nagsisiurong ang aking kaaway,
dahilan sa takot, sila’y nadarapa, hanggang sa mamatay.
Iyong hinatulan yaong mga Hentil at mga balakyot,
alaala nila balat ng lupa’y pinawi mong lubos.

Poon, pupurihin kita
sapagkat ako’y ligtas na.

Itong mga Hentil, nahulog sa hukay na ginawa nila,
sa kanilang bitag na umang sa akin, ang nahuli’y sila.
Di habang panahon na pababayaan ang nangaghihirap,
maging mga api, may bagong pag-asa na muling sisikat.

Poon, pupurihin kita
sapagkat ako’y ligtas na.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 20, 27-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo’y hindi naniniwala na muling bubuhayin ang mga patay. “Guro,” anila, “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay. Gayun din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito: isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay naman ang babae. Sa muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa niya yamang napangasawa niya silang lahat?”

Sumagot si Hesus, “Sa buhay na ito, ang lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang lalaki’t babaing karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay. Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang ‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay – sa kanya’y buhay ang lahat.” Sinabi ng ilan sa mga eskriba, “Magaling ang sagot ninyo, Guro!” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya ng anuman.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Napakamaluwalhati ng kapayapaan at pag-asa sa Muling Pagkabuhay! Manalangin tayo nang may pusong malaya mula sa hangal na pag-aalinlangan at pagdududa sapagkat nananalig tayo sa pangako ni Jesus na Muling Nabuhay para sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng buhay, dinggin Mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y magpatuloy na magpahayag ng Mabuting Balita ng Muling Pagkabuhay at ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating pang-araw-araw na buhay, nawa’y maihatid natin ang liwanag ng bagong pag-asa sa mga nabubuhay sa kadiliman at kawalang pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha, mga walang tahanan, at mga nangangailangan nawa’y madama ang Panginoon ng Buhay sa pamamagitan ng pag-ibig at kagandahang-loob ng mga mabubuti sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, at yaong mga nagdurusa nawa’y matagpuan ang mapagpagaling na presensya ni Kristo sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kaligayahan sa tiyak na pag-asa ng Muling Pagkabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng mga buhay, bigyan nawa kami ng Eukaristiyang ito ng paghangad sa walang hanggang Hapag, na iyong inihanda sa aming kung saan malulugod kami sa kaligayahan ng iyong presensya magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang kinse kilometro

 699 total views

 699 total views Mga Kapanalig, nagsampa ng kaso ang Mercidar Fishing Corporation noong 2023 sa Malabon Regional Trial Court (o RTC) para kuwestuyinin ang pagiging constitutional o sang-ayon sa ating Saligang Batas ang paglalaan ng municipal waters sa mga munisipal at artisanong mangingisda. Hiningi ng korporasyong pahintulutan ang mga commercial fishers na makapangisda sa municipal waters. 

Read More »

Kahalagahan ng fact-checking

 7,147 total views

 7,147 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 14,097 total views

 14,097 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 25,012 total views

 25,012 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 32,747 total views

 32,747 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Miyerkules, Enero 22, 2025

 564 total views

 564 total views Miyerkules ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Vicente, diyakono at martir Hebreo 7, 1-3. 15-17 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec. Marcos 3, 1-6 Wednesday of the Second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Vincent, Deacon and Martyr (Red) UNANG

Read More »

Martes, Enero 21, 2025

 848 total views

 848 total views Paggunita kay Santa Agnes, dalaga at martir Hebreo 6, 10-20 Salmo 110, 1-2. 4-5. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Marcos 2, 23-28 Memorial of St. Agnes, Virgin and Martyr (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 6, 10-20 Pagbasa mula

Read More »

Lunes, Enero 20, 2025

 1,350 total views

 1,350 total views Lunes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Fabian, papa at martir o kaya Paggunita kay San Sebastian, martir Hebreo 5, 1-10 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec. Marcos 2, 18-22 Monday of the Second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Linggo, Enero 19, 2025

 1,457 total views

 1,457 total views Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K) Isaias 9, 1-6 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Efeso 1, 3-6. 15-18 Lucas 2, 41-52 Feast of the Sto. Niño (Proper Feast in the Philippines) (White) Holy Childhood Day Week of Prayer for Christian Unity UNANG PAGBASA

Read More »

Sabado, Enero 18, 2025

 1,454 total views

 1,454 total views Sabado ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 4, 12-16 Salmo 18, 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Marcos 2, 13-17 Saturday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Enero 17, 2025

 1,325 total views

 1,325 total views Paggunita kay San Antonio, abad Hebreo 4, 1-5. 11 Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Marcos 2, 1-12 Memorial of St. Anthony, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 4, 1-5. 11 Pagbasa mula sa

Read More »

Huwebes, Enero 16, 2025

 1,280 total views

 1,280 total views Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 3, 7-14 Salmo 94, 6-7. 8-9. 10-11 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Marcos 1, 40-45 Thursday of the First Week of Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo Mga kapatid, gaya ng sabi ng Espiritu

Read More »

Miyerkules, Enero 15, 2025

 1,238 total views

 1,238 total views Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Arnold Jannsen, pari Hebreo 2, 14-18 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Marcos 1, 29-39 Wednesday of the First Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Arnold Janssen, Priest (White) UNANG PAGBASA Hebreo

Read More »

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 16,183 total views

 16,183 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 16,329 total views

 16,329 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 16,935 total views

 16,935 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 17,101 total views

 17,101 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 17,420 total views

 17,420 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 12,760 total views

 12,760 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 13,155 total views

 13,155 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »
Scroll to Top