Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabado, Setyembre 13, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,107 total views

Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan

1 Timoteo 1, 15-17
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Lucas 6, 43-49

Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 1, 15-17

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, narito ang isang katotohanang dapat tanggapi’t paniwalaan ng lahat: si Kristo Hesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa lahat. Ngunit kinahabagan ako ng Diyos upang sa nangyari sa akin ipakita ni Kristo Hesus kung gaano siya katiyaga, at maging halimbawa ito sa mga mananalig sa kanya at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan. Purihin at dakilain magpakailanman ang iisang Diyos, Haring walang hanggan, walang kamatayan, at di nakikita! Amen.

Ang Salitang Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

o kaya: Aleluya.

Dapat na magpuri ang mga alipin,
ang ngalan ng Poon ay dapat purihin.
Ang kanyang pangalan ay papurihan,
magmula ngayo’t magpakailanman.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Buhat sa silangan, hanggang sa kanluran,
ang ngalan ng Poon, pupurihing tunay.
Siya’y naghahari sa lahat ng bansa,
lampas pa sa langit ang pagkadakila.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Walang makatulad ang Panginoong Diyos,
na sa kalangitan doon naluluklok;
buhat sa itaas siya’y tumutunghay,
ang lupa at langit kanyang minamasdan.
Mula sa alabok ang mga mahirap,
sa pagkalugami ay itinataas.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 43-49

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag. Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib.

“Tinatawag ninyo akong ‘Panginoon, Panginoon,’ ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko. Ipakikilala ko sa inyo kung kanino natutulad ang bawat lumalapit sa akin, nakikinig ng aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito. Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at sa pundasyong bato nagtayo ng bahay. Bumaha, at ang tubig ay bumugso sa bahay na iyon, ngunit hindi natinag, sapagkat matatag ang pagkakatayo. Ngunit ang nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Bumaha, nadaanan ng tubig ang bahay na iyon at pagdaka’y bumagsak. Lubusang nawasak ang bahay na iyon!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Katig sa pananalig sa Ebanghelyo na nag-uutos sa ating magtayo ng bahay espiritwal sa bato, manalangin tayo sa Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
O Diyos, aming lakas, pakinggan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y palagiang makita bilang isang matatag at ligtas na tahanang itinindig sa matibay na pundasyong bato, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mga bansa nawa’y maglingkod sa kanilang mamamayan nang may katapatan at katotohanan sa nakalilitong mundong ito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang paghuhubog sa mga kabataan nawa’y maitatag ayon sa mga bagay na pinahahalagahan ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nagdurusa sa isip at pangangatawang paghihirap nawa’y manatiling matatag at mapayapa sa bato ng pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y makatagpo ng kapayapaan at kaligayahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa langit, bigyan mo kami ng biyayang maunawaan kung paano nakaugnay ang aming buhay sa kabutihan, kabaitan, at katapangan ng aming kapwa upang maging bukas kami sa kanilang pangangailangan at maging matapat sa aming mga tungkulin. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 68,653 total views

 68,653 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 81,193 total views

 81,193 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 103,575 total views

 103,575 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 123,170 total views

 123,170 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 45,329 total views

 45,329 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 45,560 total views

 45,560 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 46,070 total views

 46,070 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 33,603 total views

 33,603 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 33,712 total views

 33,712 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top