200 total views
Umaapela ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo church ng panalangin para sa “safe and casualty free” Traslacion 2017 sa ika-9 ng Enero.
Hinimok ni Monsignor Hernando Ding Coronel, Rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene ang mamamayan nang taimtim na panalangin para sa ikatatagumpay ng “replica procession sa ika-7 ng Enero at ang makasaysaysang traslacion sa ika-9 ng Enero.
“Dear friends, may I ask for your fervent prayers for our Traslacion celebration as well as our replica procession and liturgical celebrations at Quiapo Church. We pray for a safe, casualty-free, orderly and meaningful traslacion,” pahayag ni Msgr.Coronel.
Umaasa ang pari at nanalangin na maging mapayapa at ligtas sa anumang kapahamakan ang lahat ng deboto na mikikiisa sa traslacion.
“Hinihiling po natin na magdasal kasi alam naman natin yung kasalukuyang sitwasyon ngayon, so ang ating lakas ay nasa ating panalangin. Hiniling po ni Cardinal Tagle na yung ating mga monastery, mga contemplative sisters at tsaka mga kabigan natin at lahat ng ating mga kamadrehan sa buong Pilipinas ang kanilang panalangin upang maligtas tayo sa anumang banta o panganib,” panawagan ni Msgr.Coronel sa Radio Veritas.
Inihayag ng pari na kanyang isasama sa panalangin ang pagdiriwang ng banal na misa o midnight mass sa Quirino grandstand na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at ang lahat ng intention ng mga mananamplataya lalu na para sa pagdedebosyon sa Poong Hesus Nazareno.
“I will include all of you in the intentions of the January 9 midnight mass. I will be main celebrant and Cardinal Chito Tagle will be the homilist. May the Nazareno continue to love all of us!”pahayag ni Msgr.Coronel.
Tiniyak din ng pari ang kanilang close coordination sa AFP, PNP at local government units sa seguridad upang masiguro ang kaligtasan ng milyon-milyong deboto na makikiisa sa traslacion 2017.
Read: http://www.veritas846.ph/traslacion-2017-system-go-na/
Ang makasaysayang Traslacion ay live na mapapakinggan sa Radio Veritas 846.
Read: http://www.veritas846.ph/traslacion-2017-radio-veritas-special-coverage/