Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 571 total views

Mga Kapanalig, nagtapos kahapon ang 2016 Summer Olympics na ginanap sa lungsod ng Rio de Janeiro sa bansang Brazil. Mahigit 11,000 atleta mula sa iba’t ibang bansa ang nakibahagi sa ika-31 Olympic Games, hindi lamang upang magpakitang gilas sa larangan ng palakasan kundi upang ipagdiwang ang kapayapaan at pagkakaibigan ng iba’t ibang lahi.

Makasaysayan ang Rio Olympics dahil sa kauna-unahang pagkakataon, bukod sa 206 na mga bansang nagsilahok, may binuo ang International Olympic Committee o IOC na isang grupo ng 10 manlalarong refugees, mga atletang lumikas sa kanila-kanilang magulong bayan. Kabilang sa Refugee Olympic Team ang mga atletang mula sa South Sudan, Syria, Congo, at Ethiopia. Sila ngayon ay kinukupkop sa iba’t ibang bansa gaya ng Belgium, Luxembourg, Kenya, Germany, at Brazil. Dalawa sa kanila ang sumali sa judo, dalawa sa swimming, at anim sa athletics.
Ayon sa IOC, ang Refugee Olympic Team ang simbolo ng pag-asa para sa mga refugees sa buong mundo. Sa pagsali nila sa Olympics, mabibigyan daw ng pandaigdigang atensyon ang lumalalang isyu ng mga refugees sa iba’t ibang bansa. Paalala rin ito sa lahat na ang mga refugees ay kapwa-tao natin, at sila ay bahagi sa pagpapayabong ng ating lipunan.

Simula’t sapul, ganito rin ang turo ng Simbahang Katolika tungkol sa mga refugees: sila ay kabahagi ng pamilya ng sankatauhan, at hindi dapat ituring na pabigat, gaya ng sinasabi ng ilang pinuno ng mga bansang isinara ang kanilang pinto sa mga refugees. Bilang mga taong may kakayanang magmahal at magmalasakit, tayo ay may pananagutang tugunan ang kanilang mga pangangailangang ipinagkait sa kanila sa sarili nilang bayan.

Isa sa mga pinaka-popular na miyembro ng Refugee Olympic Team ay si Yusra Mardini. Isa siyang Syrian na lumangoy sa dagat kasama ang kanyang kapatid at isa pang kababayan nang halos tatlong oras upang makarating sa Greece. Tumaob kasi ang kanilang sinasakyang maliit na bangkang lulan ang isang dosenang Syrians, kaya’t kahit mapanganib ang karagatan, itinulak nila ito papalapit sa pampang. Kasama siya sa mga libu-libong kinupkop ng pamahalaang Germany, at doon ay nagsanay si Mardini nang ilang buwan upang maging manlalangoy. Hindi man nakaabot si Mardini sa finals ng 100-meter butterfly sa Rio Olympics, nanguna naman siya sa kanyang heat o grupo ng manlalaro. Tunay ngang world class ang taong ito, hindi lamang bilang isang atleta kundi bilang isang kapwa-refugee na handang tulungan ang kanyang mga kasamahan.

Bago pa magsimula ang Rio Olympics, nagpadala na ng personal na mensahe sa mga atleta ng Refugee Olympic Team ang ating Santo Papa Francisco. Pinasalamatan ng Santo Papa ang mga miyembro ng Refugee Olympic Team dahil sa kanilang ipinapakitang tapang at lakas na magsisilbing panawagan para sa pandaigdigang kapayapaan at pagkakaisa laban sa karahasan at kawalan ng pakialam at kamalayan sa kapakanan ng mga refugees na tulad nila. Inaasahan ni Papa Francisco na sa kanilang pagsali sa Rio Olympics, mauunawaan ng ng lahat na walang nagwawagi sa karahasan.

Nakalulungkot lamang na habang nakikilahok ang koponan ng mga refugees sa Rio Olympics, patuloy pa rin ang digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo, partikular na sa Syria. Sa katunayan, nitong isang linggo lang, muli na naman nating nasilayan ang mukha ng mga refugees sa katauhan ni Omran, isang limang-taong gulang na Syrian. Nailigtas siya at ang ang kanyang mga kapatid mula sa kanilang bahay matapos itong pasabugin sa gitna ng digmaan. Tulalâ ang bata, hindi alam ang karahasan at kaguluhang nasaksihan sa napakamurang edad.
Ilang tao pa kaya ang kailangang mag-alay ng kanilang buhay upang tuluyan nang matapos ang kahirapan at digmaan sa buong mundo? Mga Kapanalig, sa ating mga panalangin, alalahanin natin ang mga kapatid nating refugees.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 68,448 total views

 68,448 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 76,223 total views

 76,223 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 84,403 total views

 84,403 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 100,025 total views

 100,025 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 103,968 total views

 103,968 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 68,449 total views

 68,449 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 76,224 total views

 76,224 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 84,404 total views

 84,404 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 100,026 total views

 100,026 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 103,969 total views

 103,969 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,342 total views

 59,342 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,513 total views

 73,513 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,302 total views

 77,302 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,191 total views

 84,191 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,607 total views

 88,607 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,606 total views

 98,606 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,543 total views

 105,543 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 114,783 total views

 114,783 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,231 total views

 148,231 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,102 total views

 99,102 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top