66,079 total views
Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel.
Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system ay intact na naman sa inaprubahang 2025 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng 6.326-trilyong piso. Para hindi mahalata, sa nilagdaang GAA 2025 ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,–194-bilyong piso dito ay nai-veto ng pangulo.
26.065-bilyong pisong cut sa budget ng DPWH;, 96-bilyong piso sa PHILHEALTH; P74.4 billion para Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at P10 billion para computerization program of the Department of Education (DepEd).
Inalis sa GAA 2025 ang 194-bilyong pisong budget para sa essentials program pero Kapanalig, idinagdag naman sa national budget ang unprograms items na nagkakahalaga ng 373-bilyong piso..Magaling diba?
Ang matindi pa sa isinabatas na GAA 2025, pinapayagan dito ang Deparment of Finance (DOF) na tumukoy… mag-identify ng sinasabing “idle funds” o excess funds na gamitin para pondohan ang mga unprogram items sa GAA.
Kapanalig, ang unprogrammed funds ay sinasabing budget insertions para sa mga Congressman at Senador…Nakasaad sa Article VI, Section 25 ng 1987 constitution: “Congress may not increase the appropriations recommended by the President for the operations of government as specified in the budget proposal.”
Tinawag ni dating Senate President Franklin Drilon na ang mga unprogrammed activities sa GAA 2025 ay cosmetic lamang.
Inalisan ng pangulong Marcos ng pondo ang health services, edukasyon at flood control projects sa halip ay binigyang prayoridad ang AKAP na isang doleout program na ginagamit ng mga pulitiko para bilhin ang suporta ng mga mahihirap na Pilipino.
Tinagurian ng mga kritiko ang GAA 2025 na “pro-politician,anti-people at misguided priorities ng pangulong Marcos at mga mambabatas.
Kapanalig, tiwala tayo na ang national budget ay malinis sa mga programa na nagsusulong ng patronage politics at pork barrel. Pero as usual… naisahan na naman tayo.
Ipinapaalala sa atin ng (Corinthians 5:10) “For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each of us may receive what is due for the things done while in the body, whether good or bad.”
Sumainyo ang Katotohanan.