104,208 total views
Sa Pilipinas, patuloy na nanaig ang “partisan politics”. Ito ang nagpapatakbo, nagtitimon, nagtatakda sa direksyon, mga polisiya, mga batas..sa kinabukasan ng bansa. Maihahalintulad ang “partisan politics” sa isang cartel..mafia.. yakuza…ang pinagkaiba lamang sa Pilipinas., ang bansa ay kontrolado ng mga pulitiko na kaanib sa political dynasty, mga maiimpluwensiyang tao, business tycoons.
Kapanalig, ang partisan politics ay mga taong matatag ang suporta sa isang indibidwal, paniniwala at partidong politikal. Ang masama, ang mali… ang mga taong ito ay madalas walang “balls” o sariling paninindigan, nagdi-desisyon ito ng walang konsiderasyon ng walang pagninilay, hindi pinag-iisipan, binubusisi, hindi masinsinang pinag-aaralan ang isang bagay o mga idolohiya. Mahalaga sa kanila ang pansariling interes at agenda. Lumilikha ito ng pagkakawatak-watak, hindi pagkakasundo ng mga Pilipino.
Sinasabi ni political ethicist Mahatma Gandhi na ang “politics” is an instrument for the uplift of mankind in social, economic, moral and spiritual spheres. “ Itinuturing din ni Gandhi na ang politics ay “coil of a snake”.
Kapanalig, sinasabi sa Romans 13:1-6- “Let every person be subject to the governing authorities. For there is no authority except from God, and those that exist have been instituted by God. Therefore whoever resists the authorities resists what God has appointed, and those who resist will incur judgment. For rulers are not a terror to good conduct, but to bad. Would you have no fear of the one who is in authority? Then do what is good, and you will receive his approval, for he is God’s servant for your good. But if you do wrong, be afraid, for he does not bear the sword in vain. For he is the servant of God, an avenger who carries out God’s wrath on the wrongdoer. Therefore one must be in subjection, not only to avoid God’s wrath but also for the sake of conscience. …
Dahil sa partisan politics, nabigo na naman ang hangarin ng maraming Pilipino na malaman ang katotohanan sa mga alegasyon laban kay VP Sara Duterte. Kapanalig, kasama ka ba sa napabuntong- hininga, nadismaya o ipinagkibit-balikat lamang ang desisyon ng “Partisan 18” sa Senado. Hindi nagtagumpay ang delaying tactics, mga pagtatangka na patayin o ibasura ang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo ng bansa. Pero, nakahanap pa rin ng paraan.. sa botong 18 na pabor at 5-ang di sang-ayon… ibinalik ng Senado na tumatayong impeachment court sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pinagtibay na verified impeachment complaint kay VP Duterte sa alegasyong “culpable violation of the constitution, betrayal of public trust, graft at corruption, at other high crimes”.
Katwiran ng 18-Senador (Senator judges”, hindi nila ibinasura, hindi nila dinidismis ang impeachment complaint… ipinababalik lamang ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso…Kapanalig, ang desisyon ng Senado na i-remand ang reklamo ay paglabag o unconstitutional sa Saligang Batas. Hindi binibigyan ng 1987 constitution ang Senado ng kapangyarihan na ibalik ang impeachment complaint sa halip ay litisin at pagdesisyunan kung walang sala o guilty ang inaakusahang bise-presidente ng Pilipinas.
Anong nangyari sa sinumpaan ng Senator judges? “I solemnly swear that in all things pertaining to the trial of the impeachment of VP Duterte, I will do impartial justice according to the Constitution and the law of the Philippines.” Ang desisyon ay pagpapakita ng pagiging iresponsable., pagtalikod ng mga Senador sa kanilang tungkulin, kawalan ng moral responsibility, accountability… pagsasawalang bahala sa kapakanan ng mga Pilipino… ika nga, walang konsensiya.
Nagbingi-bingihan din ang 18-Senador sa panawagan ng CBCP.,”The Church teaches that political authority exists to serve the common good (cf. Compendium of the Social Doctrine of the Church, 393–406). Public officials must transcend partisan interests and act in a spirit of justice and truth. The search for truth is not a political agenda; it is a moral imperative..
Sumainyo ang Katotohanan.