Traslacion 2017, all system go na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 383 total views

Ito ang tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa ginanap na ikalawang press briefing sa Quiapo church.

Ayon kay Bro. Nick Salimbagat, Parish Pastoral Council President, limang buwan ang inilaan nilang paghahanda para sa traslacion na gagawin ngayong taon.

Inihayag ni Salimbagat na inaasahan ng pamunuan ng Quiapo church 20-porsiyentong pagtaas ng mga debotong makikilahok sa traslacion na tinatayang aabot ng 12 hanggang 15-milyon.

Kaugnay nito, tiniyak ni Salimbagat na nakahanda na ang anim na grupo ng mga IJOS na may hawak ng kani-kanilang balangay o grupo ng mamasan.

Sinabi ng PPC president na maayos ang kanilang pakikipagpulong at pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na tutulong para maging matagumpay ang Traslacion 2017.

90-tauhan ng Bureau of Fire and Protection ang ikakalat sa dadaanan ng prusisyon.

Ang Philippine Coastguard naman ay mayroong 20- floating assets na nakaantabay sa Jones bridge para sa kaligtaasan ng mga deboto na dadaan sa tulay.

Magde-deploy naman ang Department of Public Works and Highways ng 40-tao sa Jones bridge na pipigil na mahatak ang andas sa McArthur bridge na under construction at under repair sa kasalukuyan.

Inihayag naman ni Department of Public Service chief Lillybelle Borromeo na magpapakalat ang kanilang tanggapan ng 200 street sweeper sa ruta ng prusisyon para matiyak ang kalinisan.

Tiniyak naman Malou Geralde ng Quiapo Medical Committee mayroon silang nakaantabay na 110 hanggang 175 mga ambulance, 75 firetrucks at 25 mga rescue assistance team.

Iniulat naman ni Salimbagat na 33-ministries at organization sa Quiapo church ang nagtutulungan para sa ikatatagumpay ng traslacion 2017 na may temang “pag–ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa”.

Samantala, ang “traslacion 2017” ay gagawin sa apat na lugar sa bansa.

Read: http://www.veritas846.ph/traslacion-gagawin-sa-apat-na-lugar-sa-bansa-sa-january-9-2017/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 28,742 total views

 28,742 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 34,871 total views

 34,871 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 65,013 total views

 65,013 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 85,138 total views

 85,138 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 105,173 total views

 105,173 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 68,172 total views

 68,172 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 45,745 total views

 45,745 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 84,168 total views

 84,168 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top