Adbokasiya ng NASSA-Caritas Philippines, paiigtingin pa ngayong 2017

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Tiniyak ng NASSA-Caritas Philippines na mas pa-iigtingin pa nila ang kanilang mga adbokasiya ngayong 2017.

Ayon kay NASSA-Caritas Philippines executive secretary Rev.Fr. Edu Gariguez, sa nakalipas na taon pilit nilang ipinatupad ang kalooban ng Panginoon gaya ng paglulunsad ng mga programa partikular na sa disaster rehabilitation ng mga Yolanda affected dioceses at livelihood program.

Sinabi ni Fr. Gariguez, ngayong 2017 lalo pa silang magsisikap na isulong ang pagpapahayag ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng mga makabuluhang gawain na tumutugon sa pangangailangan ng mahihirap.

Aminado din ang Pari na mas malaking hamon para sa organisasyon ang iba’t-ibang sitwasyon na mayroon ngayon ang bansa lalo na sa bahagi ng karapatang pangtao at usapin ng moralidad.

“Hindi po nagbabago ang hamon na ito sa taong 2017, mas malaking hamon ang atin hinaharap dahil sa bagong gobyerno na hindi natin maintindihan, meron mabuting nangyayari sa bahagi ng environment, sa bahagi ng agrarian reform, sa bahagi ng peace process pero naliligalig din tayo sa patuloy na nangyayaring karahasan o pagpatay sa mga taong tinuturing na kriminal dahil sa kanilang involvement sa droga. Nariyan din ang banta sa death penalty at iba pang mga batas na lumalabag sa dignidad ng tao kaya tayo ay nanawagan na higit na maging tagapagbantay sa ating demokrasya,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Hinikayat din ni Fr. Gariguez ang publiko na huwag usigin ang Simbahan dahil sa posisyon nito sa iba’t-ibang mga usapin sa bansa.

Aniya, bahagi ng tungkulin ng Simbahan na magpahayag ng Salita ng Diyos kung naapektuhan na ang moralidad at diginidad ng buhay.

“Ang Simbahan hindi basta nangingialam sa pulitika kundi nakikisangkot sa buhay ng lipunan at ito ay tungkulin na naka atang sa atin dahil ito ay hindi lang usapin pulitika kundi ito ay usapin ng moralidad kung may mga taong pinagkakaitan ng katarungan, may mga taong inaapi kung may taong pinapatay, kung talamak ang karahasan o katiwalian sa Pamahalaan, ang lahat ng ito ay hindi lang isyung politikal kundi moral kung saan ating dapat isabuhay ang tawag ng Panginoon sa atin na patuloy na paglilingkod,” ayon pa sa pari.

Sa datos ng Caritas Philippines, umabot na sa P4.6 billion ang pondo na kanilang ibinahagi para sa mga Yolanda affected dioceses.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,794 total reads

 75,794 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,092 total reads

 154,092 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,539 total reads

 187,539 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,836 total reads

 222,836 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,321 total reads

 446,321 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,928 total reads

 111,928 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top