D.O. 168 ng DOLE, anti poor-TUCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total views

Mariing tinututulan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang Department Order 168 na nilagdaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magtatapos sa contractualization.

Ayon kay TUCP spokesperson Allan Tanjusay, salungat ang nilalaman ng kautusang ito na nilagdaan ni DOLE secretary Silvestre Bello III sa nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na mawala na ang contractualization.

“ Itong final draft na isinumiti ni Secretary Bello sa pangulong Duterte noong nakaraang linggo ay hindi po pabor, hindi po s’ya nagwawakas sa contractualization, subalit lalo pang lalawak ang uri ng contractualization dito sa ating bansa. Yung dating contractualization ay Endo at 555 po lamang ang ating pinag uusapan na ang mangagawa po ay nagtatrabaho nang apat hangang limang buwan po lamang at I re-renew ang kanyang kontrata. Ngayon po, bukod doon sa 555 at Endo na pinag uusapan po natin, madadagdagan po s’ya ng project at work arrangement kaya po lalo pong lumawak yung contractualization na puputulin na ni Duterte,” pahayag ni Tanjusay sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon kay Tanjusay, sa nasabing draft pinahihintulutan din ang pagkuha ng project based employees.

“Yung manggagawa po ay magiging regular sya doon sa labor kontraktor o sa man power service provider. Pero yung isa pang uri pinapahintulot nitong panibagong polisiya na ito ay yung mag direct hiring nang seasonal at project based employee kung saan maaring ito ay isang buwan, dalawang buwan depende po sa kagustuhan ng principal employer.”

Binanggit pa ng TUCP na anti-poor ang DO 168 dahil mas lalo pang lalaki ang agwat ng mahihirap at mayayaman bunsod na pabor na pabor ito sa mga employer.

“Ang implication po nito ay lalo pong lalawak ang division ng the rich and the poor, dito kasi sa ating bansa ang kasalukuyang umiiral kung ikaw ay mangagawa, hindi po umaasenso ang buhay mo. Hindi kagaya ng mga mangagawa sa ibang bansa na kapag nagtatrabaho, umaasenso ang buhay nila, dito nananatili tayong nasa ibaba, dahil ayaw pong i-share nang mga mayayaman at ng mga gahamang kapitalista yung mga profits sa kanilang mga mangagawai” Daing pa ni Tanjusay.

Sa ulat ng TUCP, nasa halos 35 milyon ang manggagawang kontraktwal mula sa mahigit 67.1 milyong kawani nitong 2016 sa bansa.

Una ng nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa world leaders na wakasan na ang umiiral na pang – aalipin sa mga maliliit na manggagawang kumikilos sa ikauunlad ng isang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 12,463 total views

 12,463 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 35,615 total views

 35,615 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 105,729 total views

 105,729 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 180,341 total views

 180,341 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 259,575 total views

 259,575 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 143,855 total views

 143,855 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 309,432 total views

 309,432 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top