Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 114,509 total reads

Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News consultant ng Radio Veritas, Duterte is lucky, he was once in power! Now truth is fast catching up with Duterte.

Kapanalig, 30-libong kaluluwa…30-libong “ghost souls” ang nananangis at humihingi ng hustisya.. Sa tala ng Human Rights Watch (HRW), umaabot sa 30,000 mga Pilipino ang napatay sa madugong “war on drugs” ng dating pangulong Duterte. Nakaka-pangilabot Kapanalig, sa loob lamang ng anim na taong panunungkulan, 30-libong katao ang napatay… tinalo nito ang dalawang dekadang rehimen ng dating pangulong Marcos Sr., kung saan sa datos ng Amnesty International, 70,000-katao ang nakulong, 34-libo dito ay biktima ng “torture”, 3,200 ang nasawi habang libu naman ang nawawala.

Ang malagim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ay patuloy na ipinagyayabang ng dating pangulo, walang nakikitang pagsisi (remorse) sa kanya.

Pero Kapanalig, wala nang kapangyarihan ang dating pangulong Duterte, hindi na ito nakaligtas sa sinasabing “long arm of the law”. Hindi na siya, naipagtanggol ng kanyang mga kaalyado sa Senado at Kamara, maging ng kanyang mga abogado. Hindi pa nakababa sa eroplanong sinakyan ay dinakip ang dating pangulong Duterte ng mga ahente ng “INTERPOL” o International Criminal Police Organization. Sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ng International Criminal Court (ICC) na siyang may hawak sa kasong “crime against humanity” laban sa dating pangulo dahil sa madugo nitong war on drugs. Si dating Pangulong Duterte ay dinala na sa The Hague, Netherlands kung saan lilitisin ng ICC ang kanyang kasong crime against humanity..Mananahimik na kaya ang mga kaluluwa na nasawi sa kampanya kontra iligal na droga? Makakamit na kaya nila ang katarungan sa pagkaka-aresto kay Digong? Sikat na naman tayo sa buong mundo Kapanalig, tayong mga Pilipino ang pinag-uusapan.

Kapanalig, ipinagdiriwang ng buong Santa Iglesia ang kuwaresma… ito ang tamang panahon para kay dating pangulong Duterte na isabuhay ang tunay na diwa ng kuwaresma sa kulungan ng ICC sa The Hague Netherland… Ito ay manalangin…mag-ayuno… at humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa at magbalik-loob sa panginoon. Sa pamamagitan nito, maaalis ang tinik at gumagambala sa kanyang budhi na 30-libong kaluluwa na nasawi sa kanyang war on drugs. Kapanalig, nadakip at lilitisin na sa ICC ang dating pangulong Duterte, paano naman ang “chief implementor” ng war on drugs na kapwa nasa Senado? Mahuhulog din kaya sila sa kamay ng batas? O kaya, muli naman sila mahalal sa pagka-senador sa darating midterm election sa Mayo?

Kapanalig bilang Katolikong-Kristiyano, itinuturo at ipinasasabuhay sa atin ang katuruan ng panginoon na pahalagahan ang buhay na kanyang alay sa sanlibutan. Inihahayag sa “Genesis 1:27”: So God created man in His own image; in the image of God He created him; male and female He created them.” Sa Psalm 139:13-16, “For You formed my inmost being; You knit me together in my mother’s womb. I praise You, for I am fearfully and wonderfully made.” At sa 10-commandments, tayo ay pinaalalahan na “huwag kang papatay”..You shall not murder”!

Sumainyo ang Katotohanan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 21,991 total reads

 21,991 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 42,537 total reads

 42,537 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 115,319 total reads

 115,319 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 200,688 total reads

 200,688 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 247,424 total reads

 247,424 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 295,295 total reads

 295,295 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 393,316 total reads

 393,316 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 115,320 total reads

 115,320 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 200,689 total reads

 200,689 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 247,425 total reads

 247,425 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 295,296 total reads

 295,296 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top