Turismo sa Palawan, apektado sa pamumutol ng puno sa Brooke’s Point

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total views

Naniniwala si Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona na makakaapekto sa turismo
ng Palawan ang pagputol ng Ipilan Nickel Mining Company sa mga century old trees sa bayan ng Brooke’s Point.

Ayon sa Obispo, bagamat malayo sa mga panguhaning tourist destinations sa probinsya ang Brooke’s Point ay hindi pa rin makatarungan ang ginawang pagputol sa 15,000 mga puno sa lugar na mahigit 100 taon nang nagbibigay silong sa mga hayop at sariwang hangin sa tao.

“Ang Brooke’s Point ay nasa South pero most of the tourists are in the North baka hindi sila aware sa mga pangayayaring ito but nakakalungkot kasi kung hahayaan ko ito, it may also affect the tourism in the place,”
ang pahayag ni Bishop Mesiona.

Iginiit pa ni Bishop Mesiona na sa halip na abusuhin at sirain ay kailangang matutunan ng bawat isa na pahalagahan ang likas na yaman sa probinsya ng Palawan na itinuturing na ‘last frontier’ at hiyas ng Pilipinas.

Pinuri naman ng Simbahan ang tapang at pagkakaisa na ipinamalas ng mga tao sa lugar na nanguna sa pagtutol sa pag-abuso sa kalikasan ng nasabing kompanya.

Sa tala, umabot sa 1.1 milyon ang bilang ng turista na bumisita sa Palawan noong taong 2016 at tinanghal bilang ‘Best Island in the World’ ng Travel and Leisure Magazine sa dalawang magkasunod na taon.

Una nang binigyang-diin ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si na tungkulin ng bawat tao na pangalagaan ang kalikasan nang sa gayon ay maabutan pa ito ng mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 187,527 total views

 187,527 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 209,637 total views

 209,637 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 281,198 total views

 281,198 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 270,159 total views

 270,159 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 211,931 total views

 211,931 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top