Walang pananagutan, hindi dapat ihalal opisyal ng bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,145 total views

Binigyang diin ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na walang maliit na pananagutan o responsibilidad ang dapat na ipagsawalang bahala ng mga opisyal ng bayan.

Ito ang binigyang diin ng Obispo kaugnay sa mga kalat at campaign materials na naiwan sa katatapos lamang na 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon sa Obispo, hindi karapat-dapat na ihalal ang mga opisyal na binabalewala ang kanilang pananagutan sa pagsasaayos at paglilinis sa komunidad mula sa mga kalat na dulot ng kanilang iba’t ibang campaign materials noong panahon ng halalan.

Paliwanag ni Bishop Uy, hindi maaaring asahan sa mas malalaking tungkulin sa pamahalaan ang mga opisyal na walang inisyatibo at sariling pananagutan maging sa maliliit na bagay.
“Leaders who fail to handle small responsibilities, such as the proper disposal of their campaign tarpaulins, cannot be expected to manage greater duties. They do not deserve our votes again.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Una na ngang binigyang diin ng Obispo na kaakibat ng patuloy na paninindigan ng Simbahan para sa pangangalaga sa kalikasan ang pagsusulong ng malinis at responsableng pamamahala sa bansa.
Kaugnay nito batay sa tala ng environment watchdog na Ecowaste Coalition, noong 2016 national elections umabot sa 206 na toneladang basura ang nakolekta, nasa 200 toneladang basura naman noong 2019 midterm elections habang noong 2022 national elections ay tumaas ito ng halos 20% na umabot sa 254 na toneladang basura.

Samantala sa pinakahuling tala ng Commission on Elections (COMELEC) sa Kalakhang Maynila batay sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umaabot na sa mahigit 64.5 metriko tonelada ng basura ang nakolekta sa National Capital Region pa lamang mula noong araw ng halalan na kinabibilangan ng iba’t ibang campaign materials na ginamit sa pangangampanya ng mga kandidato sa nakalipas na eleksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 197,296 total views

 197,296 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 219,406 total views

 219,406 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 290,550 total views

 290,550 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 278,714 total views

 278,714 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top