Ibat-ibang samahan ng simbahan,hinimok ng SLP na makiisa sa prayer vigil for peace ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,913 total reads

Hinimok ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mga layko at iba’t ibang samahan ng Simbahan na makiisa sa isasagawang Prayer Vigil for World Peace sa Abril 11, 2026.

Sa pahayag ni LAIKO President Bro. Albert Loteyro, binigyang-diin ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity ang pangangailangang magkaisa sa panalangin sa gitna ng umiiral na mga digmaan, kawalang-katarungan, at pagdurusa na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Loteyro, ang sama-samang pananalangin ay mahalagang hakbang upang maisamo sa Diyos ang kapayapaan, pagkakasundo, at pagbabago ng puso ng bawat isa.

“We, the Sangguniang Laiko ng Pilipinas, conscious of the many conflicts, injustices, and sufferings that afflict our world today, earnestly desire to unite our hearts in fervent supplication for peace, reconciliation, and the conversion of hearts. In gathering for prayer, we join the universal Church in entrusting all peoples and nations to the boundless mercy of God.” Bahagi ng pahayag ni Loteyro sa Radyo Veritas.

Ang panawagan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay bilang tugon at pakikiisa sa apela ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera, at sa panawagan ng Pope Leo XIV para sa isang pandaigdigang araw ng panalangin para sa kapayapaan.

Bilang pakikibahagi, inaanyayahan ni Loteyro ang lahat ng mga lay organizations, movements, at lay ministries sa bawat arkidiyosesis at diyosesis na makibahagi sa nakatakdang prayer vigil sa kanilang lugar sa nasabing petsa.

“In this spirit, we heed the call of His Excellency, Most Rev. Gilbert A. Garcera, D.D., President of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP). In communion with the Holy Father, Pope Leo XIV, we encourage all lay organizations, movements, devotions, and ministries in every archdiocese and diocese to join any organized Prayer Vigil for World Peace on April 11, at any suitable time of the day.” Dagdag pa ni Loteyro.

Hiniling din ni Loteyro ang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Kapayapaan, kasama ang mga anghel at mga santo, upang ipagkaloob ang kapayapaan sa buong mundo.

Ang panawagan ng CBCP para sa pagsasagawa ng special prayer vigil para sa kapayapaan sa darating na Abril 11, 2026 ay bilang tugon sa nauna sa panawagan ni Pope Leo XIV sa kanyang nakalipas na Easter Urbi et Orbi message.

Samantala, una na ring itinakda ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Abril 12, 2026 ang muling pagtatalaga sa Divine Mercy ng buong bansa bilang tugon sa kasalukuyang mga hamon at kawalang-katiyakan sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,775 total reads

 231,775 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,506 total reads

 263,506 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,330 total reads

 365,330 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,893 total reads

 405,893 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,999 total reads

 416,999 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top