Matatag na ugnayan ng Holy See at Pilipinas, binigyan-diin ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,745 total views

Umapela ng kapayapaan at makabuluhang diplomasya si Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng Holy See at Pilipinas.

Sa kanyang homiliya sa misang ginanap sa Manila Cathedral, binigyang-diin ng nuncio ang panawagan ni Pope Leo XIV na sa gitna ng umiiral na sigalot sa mundo, kinakailangan ang isang diplomasya na nakatuon sa diyalogo at pagkakasundo.

“Let those who have weapons lay them down. Let those who have the power to unleash wars choose peace… not a peace imposed by force, but through dialogue.”

Ayon pa sa kinatawan ng Santo Papa, ang tunay na diwa ng diplomasya ay nakaugat sa pagbuo ng ugnayan at pagkakaunawaan ng mga bansa.

“Diplomacy… is truly the grace of encounter, creating and sustaining relationships.”

Ipinagpasalamat din ni Archbishop Brown ang matatag na samahan ng Pilipinas at ng Holy See sa loob ng pitong dekada na isang bunga ng pagkakaibigan at pagtutulungan.

“These 75 years [are] marked by deep friendship, sincere closeness, and effective collaboration.”

Samantala, sa mensahe naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, binigyang-halaga nito ang papel ng Simbahan sa patuloy na paggabay sa sambayanang Pilipino.

Ayon sa kardinal, ang ugnayan ng bansa at ng Apostolic See ay patunay ng malasakit ng Simbahan at ng Santo Papa sa Pilipinas.

“This friendship… is a testament to the maternal solicitude of the Church and the paternal care of the successor of Peter for our nation.”

Iginiit din ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng presensya ng Santo Papa bilang tanda ng pagkakaisa ng Simbahan.

“Where Peter is, there is the Church… and… where Peter is, there is Christ.”

Ang ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng Holy See at Pilipinas ay patuloy na nagsisilbing paalala sa matibay na ugnayan ng pananampalataya, pagkakaibigan at pakikipag-ugnayan ng Simbahan at ng bansa.

Bagama’t nagsimula ang presensya ng Holy See sa Pilipinas noong 1902 sa pagpapadala ng mga apostolic delegates, pormal na naitatag ang ugnayan noong 1951 ni noo’y Pope Pius XII at dating Pangulong Elpidio Quirino, kung saan unang naging nuncio sa bansa si Archbishop Egidio Vagnozzi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 174,103 total views

 174,103 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 151,736 total views

 151,736 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 215,872 total views

 215,872 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 235,606 total views

 235,606 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 155,416 total views

 155,416 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top