Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception, naglabas ng public apology

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,686 total reads

Naglabas na ng public apology ang Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception sa Malabon kaugnay ng insidente ng paggamit ng kalapati na ikinabit sa mga lobo sa ginanap na Salubong noong Linggo ng Pagkabuhay.

Sa pahayag ni Fr. Mariano “Jun” Bartolome, kura paroko at rektor ng dambana, inamin nito ang pagkukulang sa naturang gawain at humingi ng paumanhin sa mga mananampalataya at kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na dumalo sa pagdiriwang.

Ipinaliwanag ng parokya na ilang dekada nang isinasagawa ang paggamit ng buhay na kalapati sa tradisyon, na nagsimula pa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang alternatibo sa batang ginagawang ‘anghel.’

“We likewise apologize to our Bishop, Cardinal Pablo Virgilio David, who was indeed present at the event but witnessed only the unveiling from below the pagoda. He was not aware of what took place afterward,” ayon kay Fr. Bartolome.

Gayunman, inamin ng parokya na hindi nila inaasahan na ang ibon ay itatali sa kumpol ng mga lobo at paliliparin nang hindi agad pinakakawalan matapos ang ritwal.

Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya si Cardinal David sa nangyari, at binigyang-diin na ang naturang gawain ay maituturing na kalupitan sa hayop at may masamang epekto rin sa kapaligiran, lalo na sa mga yamang-dagat na maaaring malason o makalunok ng mga lobo.

Binigyang-diin ng parokya na ang insidente ay nagsisilbing paalala na ang mga tradisyong panrelihiyon ay dapat isinasagawa nang may paggalang sa lahat ng nilikha.

Iginiit nito na ang tunay na diwa ng pananampalataya ay nakaugat sa malasakit, habag, at pananagutan—hindi lamang sa kapwa tao kundi maging sa kalikasan at iba pang nilalang.

“As a community of faith, we are reminded that our devotion must always be guided by compassion and responsibility. In caring for God’s creation, we honor the Risen Lord who calls us to protect and cherish every form of life,” saad ni Fr. Bartolome.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,771 total reads

 231,771 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,502 total reads

 263,502 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,326 total reads

 365,326 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,889 total reads

 405,889 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,996 total reads

 416,996 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,385 total reads

 143,385 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top