Matibay na ugnayan ng simbahan at estado, kinilala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,611 total reads

Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang matibay na ugnayan ng Simbahan at estado sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng Holy See at Pilipinas.

Ayon sa obispo, ang mahigit pitong dekadang ugnayan ay nagpapatunay sa mas malalim na pagtutulungan para sa kapakanan ng mga Pilipino.

“This milestone stands as a beautiful testament to the enduring bond of faith, communion, and collaboration between the Church and our beloved nation,” ayon kay Bishop Santos.

Pinasalamatan din ni Bishop Santos ang patuloy na misyon ng Holy See sa bansa na nakatutulong na mapalapit ang presensya ng Santo Papa sa halos 80 milyong Pilipinong Katoliko.

“We give thanks for the presence and mission of the Holy See in the Philippines, which continues to strengthen our people in faith, guide us in truth, and unite us ever more closely to the universal Church under the Holy Father,” ani Bishop Santos.

Iginiit ng obispo na ang pagdiriwang ay paalala ng biyaya at katapatan ng Panginoon sa kanyang sambayanan, kasabay ng pananalangin para sa higit na paglago ng mga gawaing pagmimisyon ng Holy See sa bansa tungo sa isang matatag na ugnayan at malawak na ebanghelisasyon ng simbahan.

Tiniyak din ng pastol ang pakikiisa sa pamamagitan ng panalangin at banal na misa para sa selebrasyon.

Bagama’t noong 1902 may delegasyon ang Holy See sa Pilipinas, pormal na naitatag ang Apostolic Nunciature noong April 8, 1951, sa pangunguna ni noo’y Pope Pius XII at dating Pangulong Elpidio Quirino.
Isa sa mga tampok sa pitong dekadang misyon ang pagdalaw ng mga punong pastol ng simbahan kabilang sina Pope Paul VI noong 1970, St. John Paul II noong 1981 at 1995, at Pope Francis naman noong 2015.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,763 total reads

 231,763 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,494 total reads

 263,494 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,318 total reads

 365,318 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,881 total reads

 405,881 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,988 total reads

 416,988 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top