Debosyon sa Our Lady of Manaoag, tugon sa lumalalang kultura ng kasinungalingan at manipulasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,001 total reads

Iginiit ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Manaoag ay mahalagang tugon sa lumalalang kultura ng kasinungalingan at manipulasyon sa lipunan.

Ito ang pahayag ng arsobispo sa ginanap na press conference sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, nitong April 7 kaugnay sa paghahanda sa 100th canonical coronation anniversary ng Birhen ng Manaoag.

Babala ni Archbishop Villegas ang paglaganap ng fake news at magkakasalungat na paniniwala na humihingi ng tiwala ng publiko.

“There is only one voice that is necessary, and that is the voice of God, that is the voice of truth,” ayon kay Archbishop Villegas.

Binigyang-diin ni Archbishop Villegas na ang Manaoag ay nagsisilbing tinig na nag-aanyaya na pakinggan ang tinig ng katotohanan na nagmumula sa Diyos.

“Manaoag and the devotion to Our Lady of Manaoag are among our antidotes to the culture of fake news, to the culture of manipulating public beliefs and public perception,” ani ng arsobispo.

Iginiit ng arsobispo na sa gitna ng digmaan at karahasan sa mundo, ang mensahe ng isang ina, ang lambing, habag at awa, ang tunay na lunas.

“We should not be afraid to be merciful… because mercy, compassion, and tenderness are qualities of strong people,” ani Archbishop Villegas.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na palalimin ang buhay-pananalangin at iginiit na ang kapayapaan ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng Diyos.

“If there is to be peace, it will come from God through the hands of Our Lady,” dagdag pa ng arsobispo.

Sa paggunita sa ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng Birhen ng Manaoag sa April 22, 2026, binigyang-diin ni Archbishop Villegas na ang panawagan ng Manaoag ay para sa katotohanan, habag at kapayapaan—hindi lamang para sa Pilipinas kundi para sa buong mundo.

Ilan sa mga nakatakdang gawain para sa pagdiriwang ang muling pagtatalaga ng dambana sa April 21 sa alas 4 ng hapon na pangungunahan ni Archbishop Villegas, habang sa April 22 ng alas 9 ng umaga isasagawa ang reenactment ng pagpuputong ng korona sa Birhen na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, at sa alas 4 ng hapon naman ang pontifical mass na susundan ng prosesyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,904 total reads

 9,904 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,257 total reads

 238,257 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,723 total reads

 131,723 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,752 total reads

 225,752 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,600 total reads

 269,600 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top