Pagwasak sa buhay ng mamamayan, paglabag sa international law at dignidad ng bawat tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,076 total reads

Mariing iginiit ni Cebu Archbishop Alberto Uy na walang anumang sigalot ang maaaring magbigay-katwiran sa pagwasak ng buhay ng mamamayan at lipunan.

Ito ang mensahe ng arsobispo bilang suporta sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa kapayapaan sa gitna ng lumalalang tensyon sa Middle East.

Ayon sa arsobispo, malinaw na paglabag sa international law at sa dignidad ng bawat tao ang mga karahasan.

“No conflict, regardless of its complexity, can ever justify the destruction of civilian life or the targeting of communities and infrastructure,” ayon kay Archbishop Uy.

Muling binigyang-diin ng arsobispo ang buong suporta sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa kapayapaan, pagpipigil, at paggalang sa buhay ng tao, lalo na sa harap ng banta ng malawakang pagkawasak.

Iginiit ng arsobispo na ang digmaan ay hindi solusyon sa krisis, subalit nagpapalala lamang ito ng pagkakahati-hati at pagkawasak.

“War does not heal wounds; it deepens them. It does not unite humanity; it divides us further,” ani Archbishop Uy.

Panawagan ni Archbishop Uy sa mga lider ng mundo na piliin ang landas ng dayalogo sa halip na komprontasyon at diplomasya kaysa karahasan.

Hinimok din ng arsobispo ang lahat ng mamamayan na makiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan at ipagtanggol ang mga inosente lalo na ang mga bata, matatanda, at maysakit na lubhang naaapektuhan ng digmaan.

“As a Church, we stand in solidarity with all victims of violence, especially our Christian brothers and sisters in regions of conflict who continue to endure fear, displacement, and injustice. In their suffering, we see the suffering of Christ Himself,” giit ni Archbishop Uy.

Sa huli, hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya na patuloy na manalangin para sa kapayapaan, na nananatiling posible sa tulong ni Hesus na muling nabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 100,914 total reads

 100,914 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 151,279 total reads

 151,279 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 279,832 total reads

 279,832 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 365,218 total reads

 365,218 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 423,607 total reads

 423,607 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top