71,337 total views
Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo Papa? Ipupursige ba ng bagong Santo Papa ang pagiging “reformist” ng yumaong Pope Francis? o kaya’y magiging conservative ito kung saan pananatilihin ang orihinal na doktrina at katuruan ng simbahang katolika?
Matapos ang halos 24-oras, lumabas ang putting usok sa Chimney ng Sistine Chapel na indikasyon na mayroon ng napiling ika-267 Pope o Supreme Pontiff ang 133-miyembro ng College of Cardinals na kinabibilangan ni Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle, Jose Cardinal Advincula, at Pablo Virgilio Cardinal David. Wala sa inaasahan ng marami, lumabas sa balcony ng St.Peters Basilica ang bagong Santo Papa sa katauhan ni Cardinal Robert Francis Prevost, dating Cardinal ng Peru at Prior General ng Order of St.Agustine.
Kapanalig, si Pope Leo XIV ba ay conservative o liberal? Ang bagong Santo Papa ay nahaharap sa maraming hamon bilang lider ng mahigit sa 1.4-bilyong Katoliko.
Marami sa ating mga katoliko, mga lider ng bansa, maging hindi mga katoliko ay nag-aabang, binabantayan ang mga hakbang ni Pope Leo XIV., ito ay sa kontrobersiyal na usapin sa role o papel ng mga kababaihan sa simbahang katolika, hindi pa natugugunang problema sa pinansiyal ng Vatican, hindi pa nareresolbang clerical child abuse scandal., ituloy ba o ihinto na ang “synod on synodality”?
Kapanalig, in Pope Leo XIV views: Inamin nito na marami pang gagawin sa Simbahang Katolika (there was still much to do).
Sa kanyang pahayag sa mga Cardinal matapos ang tanggapin ang katungkulan na maging Santo Papa, nanumpa si Pope Leo XIV ng “complete commitment” sa turo ng Second Vatican Council, na gathering ng mga Obispo noong 1962 at 1965 na bumuo ng “blueprint” para sa simbahang katolika.
Ibig sabihin Kapanalig, paiigtingin ni Pope Leo XIV ang pangakong “loving care for the least and the rejected, courageous and trusting dialogue sa secular world kabilang na ang pagtutok sa mga banta at hamon sa human dignity ng Artificial Intelligence.
Binibigyang halaga ng Second Vatican Council ang pagiging”prophetic voice” ng simbahan ng mga marginalized o mga nasa laylayan, mga napabayaan, mga hindi napapansin.
Kung ang yumaong Pope Francis ay para sa “inclusive church”, Ang puso ni Pope Leo XIV ay pagtugon sa social issues at marginalized.. naka-focused ang bagong Santo Papa sa community building.
Sa usapin ng same sex blessings, ordination ng mga babae… ang sagot ni Pope Leo XIV., “In the sense of the need for the Church to open and to be welcoming”.
Kapanalig, tulad ni Pope Francis.. Hindi rin tatangkain ni Pope Leo XIV ang “church doctrine”, ngunit maninindigan ito ng matatag sa usapin ng migration, peace at environment.
Pag-isahin ang “divided church” sa pamamagitan ng pakikipagbati sa mga conservative at liberals ng simbahang Katolika, ang magiging malaking hamon sa bagong Santo Papa, Kapanalig. Kailangan niya ang ating suporta… ang mga dasal.
Sumainyo ang Katotohanan.