Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

100-araw na maternity leave, suportado ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 187 total views

Suportado ng CBCP – Epicopal Commission on Migrant and Itinerant People ang panukalang inihain ng House Committee on Women and Gender Equality na nagsusulong na habaan ang “maternity leave” at gawing 100 araw.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, dapat bigyang prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga inang nagdadalang – tao sa pagbibigay ng sapat na panahon sa pagliban sa trabaho upang maalagaan ang kanilang sanggol sa sinapupunan.

Nangangamba rin si Bishop Santos na maaaring dumami ang bilang ng mga ina na magkakaroon ng kumplikasyon kung hindi madagdagan ang araw ng pagliban sa trabaho.

Sa ilalim ng Republic Act 1161 o ang Social Security Act of 1997, ang mga buntis ay binibigyan lamang ng 60 – araw na leave sa kanilang normal na panganganak at 78 araw naman para sa mga cesarean section na kung susuriin ay mas mababa sa 98 araw na pamantayang batayan na ibinigay ng I-L-O o International Labor Organization.

“Sa kapakanan ng ina, sa kapakanan ng mga anak na isisilang ay napakaganda na ito ay isabatas. At ito ay malaki ang tulong sa mga nanay at malaki ang tulong sa sanggol. Alam naman natin na 45 days, two months ay kulang na alagaan, ingatan ang mga bata. Sa mga araw at buwan na iyon delikado ang kalagayan ng mga bata at bigyan ng panahon, habaan ang mga araw na sila ay makakapiling ng kanilang mga anak,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabatid batay sa inihaing panukala sa Kongreso at Senado ay mapagkakalooban ang mga manggagawa na buntis sa fully paid na leave habang sa mga pribadong sektor ay kailangang bigyan ng average na buwanang sahod ang mga inang buntis.

Nangangamba naman ang Sub – Committee on Labor and Management Association of the Philippines na sa naturang 100 araw na paid leave ay maaring ikapalya ng mga kumpanya lalo’t halos kalahati ng bilang ng mga manggagawang Pilipino ay kababaihan.

Nauna na ring gumawa ng isang komisyon ang kanyang Kabanalan Francisco upang mas lalong patatagin ang gampanin ng mga kababaihan sa Simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,551 total views

 34,551 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,681 total views

 45,681 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,042 total views

 71,042 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,426 total views

 81,426 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,277 total views

 102,277 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,047 total views

 6,047 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 60,733 total views

 60,733 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 86,548 total views

 86,548 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 127,700 total views

 127,700 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top