1,500 scholars ng Caritas Manila, naka-graduate sa kolehiyo ngayong taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 788 total reads

Mahigit sa 1,500 mga mag-aaral ang natulungan ng Caritas Manila na mapagtapos sa kolehiyo ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Ms. Maribel Palmitos, Officer in Charge ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP ng Caritas Manila.

Ayon kay Palmitos, napagtagumpayan ng mga scholar ng Caritas Manila ang pagsubok na kanilang pinagdaanan sa kabila ng pandemya at nagawa pa ding makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Sinabi ni Palmitos na pananampalataya ang naging sandigan ng marami sa mga scholars na dulot din ng kanilang mga formation na ipinagkakaloob sa pamamagitan ng YSL program.

“Isa sa mga kwento na hindi namin malilumutan ay ang kanilang katatagan sa pananampalataya, sabi nila kung hindi sa kanilang pananampalataya hindi nila makikita ang mga sarili nila ngayon na nag-graduate sa kanilang mga kurso, pangalawa, Marami din silang natutunan sa ating programa lalo na sa pagtulong sa kapwa kahit pala sila ay mahihirap kaya din nila tumulong sa kanilang kapwa” pahayag ni Palmitos sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radio Veritas.

Inaasahang mahigit sa isang libong mag-aaral ang susuportahan ng Caritas Manila sa pagpasok ng school year 2022 to 2023 kung saan malaking bilang nito ay magmumula sa Archdioocese of Manila habang ang iba ay mula sa iba’t- ibang mga lalawigan.

“Sa taong 2022- 2023 kasalukuyan na po nag-screen ang ating mga program officer sa Luzon, Visayas, Mindanao at sa NCR. Ang ating scholar na parating ay more than 1,000 po at may 500 plus sa Archdiocese of Manila.”

Umaasa ang Caritas Manila na patuloy na susuportahan ng mga mananampalataya ang kanilang schoalrship program lalo na’t ito ang maaring maging susi upang maka-ahon sa kahirapan ang marami.

“Napakalaking tulong po ito sa atin kasi karamihan po sa kababayan natin ay hirap na maipadala sa eskwelahan ang ating mga kabataan. Kahit yung maliit na tulong ang ipapadala natin pwede nating pagsama-samahin ang ating pinansiyal na tulong at makakatulong naman po ito para mapag-aral ang isang bata at maalis sa kahirapan.” Dagdag pa ni Ms. Palmitos.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority noong taong 2017 aabot sa 39.2 milyong kabataang Pilipino edad 6 hanggang 24 ang maituturing na out of school youth at isa sa mga lumalabas na pangunahing dahilan nito ay kawalan ng sapat na pangtustos sa pag-aaral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34,544 total reads

 34,544 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,816 total reads

 65,816 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 143,593 total reads

 143,593 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,821 total reads

 237,821 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 297,015 total reads

 297,015 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,100 total reads

 100,100 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top