Caritas-In-Action ng Radio Veritas; Naging daan sa kahilingan ni Nanay Epifania na makapagpatingin sa ‘ophthalmologist’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 660 total reads

Patuloy ang Radyo Veritas katuwang ang Caritas Manila sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan lalo na sa serbisyong medikal.

Tinulungan ng kapanalig na himpilan si Nanay Epifania Altares, 62-taong gulang at taga-San Jose del Monte, Bulacan na nanawagan sa Caritas in Action program noong June 9, 2022 upang humingi ng tulong para sa iniindang diabetes at problema sa kanyang mga mata.

Ayon kay Nanay Epifania, nahihirapan siyang kumilos at mas pinipili na lang niyang manatili sa loob ng tahanan upang hindi sumakit ang kanyang mga mata sanhi ng matinding sikat ng araw.

Tinugunan naman ng kapanalig na himpilan kasama ang social arm ng Archdiocese of Manila ang kahilingan ni Nanay Epifania at agad na sinuri ang kanyang mga mata sa pamamagitan ni Dr. Mario Reyes, isang ophthalmologist at partner ng CIA program.

Binigyan ni Dr. Reyes ng libreng konsultasyon at salamin sa mata si Nanay Epifania upang muling magkaroon ng malinaw na paningin at makatulong sa iba pang gawain.

“Ang problema ng mata niya (Nanay Epifania) is kailangan lang niya mag-eyeglasses as far as ‘yung history ng diabetes niya ay kontrolado naman. Hindi naman siya ‘yung grabeng-grabe. Ang grado niya is far-sighted plus walang cataract at retinopathy. Ibig sabihin ‘yung diabetes niya, hindi pa umeepekto sa mata niya at she could live a long life with good vision,” ayon kay Dr. Reyes.

Nagpapasalamat naman si Nanay Epifania sa mga tumulong upang maisakatuparan ang kanyang kahilingang magkaroon ng sariling salamin sa mata.

Aniya, malaking tulong ito sa kanyang mga gawain sa tahanan lalo’t isa rin sa pinagkakaabalahan at pinagkukunan niya ng pagkakakitaan ang pananahi.

“Hinihintay ko talaga ‘yung tawag ng Caritas in Action kasi gustong-gusto ko talagang mapacheck up ang aking mata. Sa awa naman ng Diyos, natupad ‘yung aking minimithi na sunduin nila ako para sa aking mata kasi nahihirapan ako sa paglalakad ko kapag malabo ‘yung mata ko. Tsaka doon naman po sa konsultasyon ng aking mata, naging success ‘yun at salamat kay Doc Mario. Mabibigyan na niya ako ng salamin na matagal ko nang hinahangad,” ayon kay Nanay Epifania.

Samantala, payo naman ni Dr. Reyes sa mga kapanalig na panatilihing malusog ang pangangatawan at mga mata sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansiyang prutas at gulay at iwasan ang masyadong matataba at matatamis na pagkain.

Ang Caritas in Action ay napapakinggan tuwing ala-una hanggang alas-dos ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Dito binibigyan ng pagkakataon ang mga mayroong medikal na pangangailangan na makapanawagan habang nagbibigay din ng impormasyong pangkalusugan, legal, at iba pang serbisyo publiko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,539 total reads

 82,539 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 116,859 total reads

 116,859 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,159 total reads

 152,159 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,429 total reads

 378,429 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,428 total reads

 267,428 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,271 total reads

 155,271 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top