50,247 total views

Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon na ang nakalipas. Posible o imposible ba itong makamit, Kapanalig? Natural bago maibaba sa 20-pesos ang presyo ng bigas mula sa 60-pesos kada kilo, kailangan itong i-subsidies ng gobyerno. Ang gagamiting subsidy ay galing din sa taumbayan.

Sabihin nating totoo at dalisay ang hangarin… ang programa ni PBBM para sa mga Pilipino, ngunit hindi nakinabang ang maralitang Pilipino lalu na ang mga magsasaka sa 20-peso rice program. Bagkus hindi pa natutupad sa nakalipas na tatlong taon ang programa., naging “milking cow” na ang programa ng mga opisyal ng gobyerno, mga rice cartel., mga pulitiko.,mga negosyante., mga importer ng bigas., at mga rice smugglers.

Kapanalig, ginawa naman daw ng administrasyong Marcos ang lahat..una sa pamamagitan ng subsidy na hindi nagtagumpay., nasundan ito ng bago.. -ang pagdeklara ng ‘national rice emergency’ na naglalayong payagan ang National Food Authority (NFA) na ibenta sa mga pamilihan ang inaamag na tone-toneladang bigas sa kanilang mga bodega. Bigo na naman ang solusyon, hindi naman bumaba sa 35-pesos ang presyo ng bigas kada kilo. May nabibili namang tingi-tinging NFA rice sa halagang 35-pesos sa iilang KADIWA stores na subsidies ng pamahalaan.. Iilan lang ang nabibiyayaan nito? Kaya palpak na naman ang programa.

Kapag pera ang pag-uusapan Kapanalig, ang programa kahit palpak ay ipipilit pa rin, gagawa pa rin ng paraan… pera naman ng bayan ang gagastusin, walang problema basta may nakinabang.

Siempre Kapanalig, marubdob ang hangarin..dapat maibaba sa 20-pesos ang kilo ng bigas. Nilagdaan ng pangulong Marcos at ipinatupad noong June 2024 ang Executive Order (EO) 62, na nag-aatas ng “tariff cut” sa imported na bigas at iba pang piling agri-products. Mula sa 35-percent na singil sa import tariff sa bigas ay ibinaba ito sa 15-percent. Dahil sa EO 62, naging unlimited na ang importasyon ng bigas. Ang resulta Kapanalig, bigo na naman na maibaba sa 20-pesos ang presyo ng bigas sa mga pamilihan sa buong bansa. Sinasabing ang EO 62 ay pag-amin ng administrasyong Marcos na bigo at naging palpak ang deklarasyon ng national rice emergency. Sa simula pa lamang, palpak na ang ideya, kaya palpak din ang programa.. Bukod dito, isinabatas din ang Republic Act (RA) No. 12078, o ang kontrobersiyal na amended Rice Tariffication Act. Sa ilalim ng batas, 30-bilyong piso kada taon ang inilalaan para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). Nasaan napunta ang bilyong piso budget?

Tatlong taon, bago ang 2025 midterm elections nitong May 12, 2025., personal na ilunsad ni PBBM ang 20-peso rice program..Gagamitin sa bagong gimik ang 4.5-bilyong pisong contingency fund ng Office of the President sa programa, ang problema…short term lamang ito, kalahating taon? Ang target ay sa rehiyon ng Visayas at Mindanao..

Kapanalig, nagpapaliwanag na si PBBM… inamin niya mismo ang mga dahilan kung bakit nabigo ang kanyang 20-peso rice promise sa mga Pilipino.,Isinisi sa kabiguan ang tinagurian niyang “spoiled government officials na walang ginawa kundi mag-import nang mag-import ng bigas..Ilan sa importasyon ay legal at mayroon namang iligal.. kabilang din ang smuggling.

Kapanalig, ang kasamaan, ang kasakiman sa salapi ay mayroong hangganan.. Sinasabi ng “Galatians 6:8”.,because the person who sows to his own flesh will reap corruption from the flesh, but the one who sows to the Spirit will reap eternal life from the Spirit.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,916 total views

 12,916 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,560 total views

 27,560 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,862 total views

 41,862 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,566 total views

 58,566 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,465 total views

 104,465 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,917 total views

 12,917 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 27,561 total views

 27,561 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,863 total views

 41,863 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 58,567 total views

 58,567 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top