Karahasan Laban sa Kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,624 total reads

Ang karahasan sa kababaihan ay isang malaking isyu na tila ayaw mawala sa ating lipunan. Hanggang ngayon, kahit pa moderno na ang panahon, marami pa ring mga babae ang nakakaranas ng pananakit mula sa kanilang mga asawa o domestic partners. Mas dumadami din ang biktima ng rape.

Ang nakakalungkot kapanalig, ayon sa Philippine Commission on Women o PCW, ang babae pa ang kadalasang nasisi kung sila ay nabubugbog. Maraming babae ang binabansagang “naggers” ng kanilang sariling mga asawa o di kaya pabaya sa kanilang mga obligasyon bilang asawa. Ayon pa sa PCW, minsan pa nga, ang panggagahasa ay sa babae pa nasisisi, dahil sila ay  “flirtatious.”

Ayon sa datos ng Center for Women’s Resources (CWR), kada 53 minuto, isang babae o bata ang nagagahasa. Pito sa sampung biktima ng panggagahasa ay mga bata. Ayon pa sa CWR, tumaas ng 92% ang mga naitalang rape cases mula 5,132 noong 2010 tungo sa 9,875 nitong 2014.

Ayon naman sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), isa sa limang babaeng may edad 15-49 ay nakaranas na ng pisikal na karahasan simla pa ng edad 15. 14.4% naman ng mga babaeng may asawa ay nakaranas na ng pananakit mula sa kanilang asawa.

Ang pananakit sa kababaihan ay hindi lamang kaugnay ang katawan. Ang epekto nito ay malawig, kapanalig. Nakakapanliit ng pagkatao ng babae ang pananakit. Kadalasan, ang pananakit na ito ay sa karaniwang sinisisi pa sa babae. Wala ng dangal, binibigyan pa ng ibayong “shame” o binabalot ng kahihiyan ang babae sa tuwing sila ay sinasaktan. Ang nakakalungkot kapanalig, ang machong kultura na ito ay tila tumitingkad pa sa ngayon.

Kapanalig, ang karahasan ay walang puwang sa ating lipunan, lalo na sa loob ng ating mga tahanan. Sa ating modernong mundo kung saan parehong kinikilala na ang kakayahan ng babae at lalake, marami pa ring babae ang nakakaranas ng pangliliit at karahasan. Kailan ito titigil?

Ang babae ay dapat ginagalang. Ang babae ay dapat inaalagaan at minamahal. Ngunit tila nagiging “norm” o kasanayan na naman sa ating lipunan ang panlilibak sa babae. Dapat maisawata ito. Ang pamahalaan ay dapat manguna sa mga aksyon at programa na magbibigay galang at papuri sa mga Filipina.

Kahit ano pang kaunlaran ang ating maabot, ito ay mawawalang halaga kung hindi tayo marunong kumilala sa dignidad ng bawat isa. Nawa’y maging hamon sa ating ang mga kataga mula sa Mater et Magistra: Wherefore, whatever the progress in technology and economic life, there can be neither justice nor peace in the world, so long as men fail to realize how great is their dignity; for they have been created by God and are His children.  Kapanalig, ang karahasan sa kababaihan ay isang pagyurak ng dignidad hindi lamang ng babae, kundi ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,166 total reads

 86,166 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,807 total reads

 163,807 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,255 total reads

 197,255 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,553 total reads

 232,553 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,698 total reads

 455,698 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 86,167 total reads

 86,167 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,808 total reads

 163,808 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,256 total reads

 197,256 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,554 total reads

 232,554 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top