SABADO, ENERO 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,334 total reads

Paggunita kay Santa Agnes, dalaga at martir

Hebreo 9, 2-3. 11-14
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Marcos 3, 20-21

Memorial of St. Agnes, Virgin and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Hebreo 9, 2-3. 11-14

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, itinayo ang isang tolda na may dalawang bahagi; ang una’y tinatawag na Dakong Banal. Naroon ang ilawan, ang hapag at ang mga tinapay na handog sa Diyos. Ang ikalawa’y nasa kabila ng pangalawang tabing at tinatawag na Dakong Kabanal-banalan.

Ngunit dumating na si Kristo, ang Dakilang Saserdote ng bagong tipan. Siya’y naglilingkod doon sa sambahang lalong dakila at walang katulad, hindi ginawa ng tao, alalaong baga’y wala sa sanlibutang ito. Minsan lamang pumasok si Kristo sa Dakong Kabanal-banalan, at ito’y sapat na. Hindi dugo ng mga kambing at bisirong baka ang kanyang dalang handog, kundi ang sariling dugo, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin. Ang dugo ng mga kambing at mga toro at ang abo ng dumalagang baka ay iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi. Sa gayon, sila’y nagiging malinis ayon sa Kautusan. Ngunit higit na di-hamak ang magagawa ng dugo ni Kristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating puso’t isip upang talikdan na natin ang mga gawang walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buhay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,
pumalakpak kayong may awit at tuwa,
bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na Poon, Kataas-taasan,
ay dakilang haring dapat katakutan,
siya’y naghahari sa sangkatauhan.

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Umakyat sa trono ang Panginoong Diyos,
hatid ng tambuling malakas ang tunog;
masayang sigawan ang ipinansuob.
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
awitan ang hari, siya’y papurihan!

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa,
awita’t purihin ng mga nilikha!
Maghahari siya sa lahat ng bansa,
magmula sa tronong banal at dakila.

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

ALELUYA
Mga Gawa 16, 14b

Aleluya! Aleluya!
Kami’y iyong pangaralan
upang aming matutuhan
ang Salitang bumubuhay!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 3, 20-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, pag-uwi ni Hesus, muling nagkatipon ang napakaraming tao, anupat hindi man lamang makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kasambahay, sila’y pumaroon upang kunin siya, sapagkat ang sabi ng mga tao, “Nasisiraan siya ng bait!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa Ama sa Langit upang matutunan natin sa kanyang Anak na si Jesu-Kristo ang kahulugan ng paglilingkod.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, turuan Mo kami sa pamamaraan ni Jesus.

Bilang isang Simbahan nawa’y lumabas tayo sa lungga ng ating sariling daigdig at maglingkod sa tao nang may pagpapakumbaba, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga taong naglilingkod sa bayan nawa’y ibigay nila ang pinakamabuti at pinakamagaling na pagsisilbi sa mga tao at hindi paglingkuran ang kanilang pansariling kapakanan at interes, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga naglilingkod sa atin sa iba’t ibang pamamaraan nawa’y maipakita nating lahat ang ating pasasalamat, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Maria, tayong lahat nawa’y nakatuon at mulat sa pangangailangan ng kapwa at hindi sa ating makasariling kaginhawahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at matatanda nawa’y makatagpo ng kalinga at paggalang mula sa kanilang mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon naming Diyos, hindi madali sa amin ang tumulong sa iba lalo na kung magdudulot ito sa amin ng hindi kaginhawahan. Matuto nawa kami mula kay Jesus na laging handang tumulong sa nangangailangan at bigyan mo kami ng lakas na gawin ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

THE POPE WHO NEVER CAME HOME

 12,136 total reads

As I follow Pope Leo XIV’s apostolic journey through Argentina, I cannot help thinking of Jorge Mario Bergoglio, the man who left Buenos Aires on February 26, 2013, to participate in the conclave following the resignation of Pope Benedict XVI.

I wonder what was going through his mind as he boarded that flight to Rome. He was already 76 years old, and probably expected to return to Buenos Aires after helping elect the next Pope.
But on March 13, he himself was elected. And that was it. He never managed to return to his beloved homeland during the twelve years of his pontificate.

I have heard many beautiful stories about the kind of archbishop Bergoglio was. He lived simply, took public transportation, visited the poor neighborhoods of Buenos Aires, and made himself available to ordinary people.

My journalist friends Gerry O’Connell and Elisabetta Piqué, who became close family friends of Bergoglio, have shared touching memories of his warmth and friendship. He baptized their children, shared meals with them, and maintained his friendship with them even after becoming Pope.

Gerry recalls that on February 28, 2013, they had dinner together in Rome and watched on television the historic departure of Benedict XVI from the papacy. Little did they know that their friend Jorge would be elected Pope less than two weeks later.

And now, thirteen years later, another Pope is visiting Argentina. But this Pope has a special connection with Francis.

It was Francis who reached out to the relatively little-known Augustinian Robert Francis Prevost after he had completed his term as Prior General of the Augustinians. In 2014, he appointed him to Chiclayo in Peru, where he was ordained bishop. He became Bishop of Chiclayo in 2015, just a month before I myself received my appointment as Bishop of Kalookan.

I often wonder what conversations the two of them might have had, and what Francis saw in this quiet, unassuming missionary bishop that eventually led him to entrust him with the Dicastery for Bishops in 2023.

Gerry O’Connell has described Prevost as one of Francis’s final surprises. Indeed, he was hardly a household name among the cardinals. Although American by birth, he had spent so much of his life in Peru that he identified deeply with the Peruvian people.

And now this same Robert Francis Prevost, as Pope Leo XIV, is walking the streets of Buenos Aires, visiting the places and meeting the people so dear to Pope Francis.

I find something deeply moving about this. It is almost as though Francis is accompanying Leo in spirit, returning at last to the homeland he loved but never managed to revisit as Pope.

Perhaps this is one of the beautiful mysteries of providence. Sometimes the things we are unable to accomplish in our lifetime are entrusted to others who come after us.

And this makes me wonder about Pope Leo himself. Born in Chicago, formed as a missionary in Peru, and now Bishop of Rome, will he someday be given the opportunity to visit his own homeland as Pope?

I can only imagine what a papal visit to the United States of America would be like, especially at a time when that country is struggling with so many divisions.

For now, as I watch Pope Leo being welcomed by the Argentine people, I cannot help thinking of that elderly Jesuit archbishop who boarded a plane in Buenos Aires thirteen years ago, expecting to come home.

He never did. But perhaps, in a way that only God could have arranged, a part of him has finally come home through his successor.

DEEP SENSE OF GRATITUDE

 14,729 total reads

Gospel Reading for November 11, 2026 – Luke 17: 11-19

DEEP SENSE OF GRATITUDE

As Jesus continued his journey to Jerusalem, he traveled through Samaria and Galilee. As he was entering a village, ten lepers met him. They stood at a distance from him and raised their voice, saying, “Jesus, Master! Have pity on us!” And when he saw them, he said, “Go show yourselves to the priests.” As they were going they were cleansed. And one of them, realizing he had been healed, returned, glorifying God in a loud voice; and he fell at the feet of Jesus and thanked him. He was a Samaritan. Jesus said in reply, “Ten were cleansed, were they not? Where are the other nine? Has none but this foreigner returned to give thanks to God?”Then he said to him, “Stand up and go; your faith has saved you.”

————

There was a Samaritan among the lepers, and Samaritans and Jews were enemies. But Jesus did not discriminate against anyone when it came to healing them.

Of the ten lepers, only the Samaritan came back to thank Jesus. The others, who were Jews, perhaps took their healing for granted or simply failed to recognize the need to express their gratitude. After all, the healer was also a Jew. Perhaps the Samaritan’s feeling of unworthiness made him especially grateful to Jesus for healing him despite being an outsider.

We Christians should never take for granted the blessings we receive from God each day. We need to develop a DEEP SENSE OF GRATITUDE, recognizing that although we do not deserve God’s love, he never fails to shower us with his blessings every day.

When we develop this sense of gratitude, we will also feel compelled to share our blessings with others, especially those in need. In doing so, we fulfill one of the basic teachings of Jesus: to love our neighbors as ourselves.

Lord God, thank you for all the blessings you give us each day. May we learn to share them with others, especially those in need. Amen.

Aral ng kapa ni San Martin ng Tours

 14,505 total reads

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-11 ng Nobyembre 2026
Ang aming Patron sa Bukawe, Bulacan.
Mula pa sa aming pagkabata
doon sa bayan ng Bukawe sa Bulacan
palaging nilalarawan 
kabutihan ng aming Patron mahal 
San Martin ng Tours sa France 
kung paano niyang hinati 
kanyang kapa upang damitan
ang giniginaw na dukhang matanda
nakasalubong niya sa daan.

Kinagabihan kanyang napanaginipan
Panginoong Jesus sa kanyang paanan
tangan-tangan kapang ibinigay sa 
matandang tinulungan,
katunayan ng kanyang turo
ano mang kabutihan
ang inyong gawin sa maliliit  
ay siya rin ninyong ginagawa 
sa Kristo na sa atin nakipanahan.

Nguni't hindi lamang iyon ang hiwaga
ng kapa ng ating Patrong mahal 
na dating kawal, 
sanay sa mga digmaan:
nang siya ay mabinyagan, 
hinasa niya kanyang isipan  
sa mga aral ng pananampalataya
dinalisay sa pananalangin
upang lubos mapaangkin sa Panginoon natin.

Upang maging mataimtim 
sa kanyang pananalangin, 
nagtutungo si San Martin sa kagubatan
at hinuhubad suot niyang kapa 
tanda ng kababaang-loob sa Panginoon,
sinasampay, sinasabit sa mga halaman
upang sakali man siya ay hanapin
madali siyang tuntunin 
sa kapa niyang nakabitin.

"Chapele" sa wikang Pranses
ang salitang salin ng "kapa" 
na siyang pinagmulan ng "kapilya"
na isang munting pook-dalanginan
tulad ng tinutunguhan ni San Martin
noon upang Diyos ay makapisan;
pagnilayan at tularan kaugalian
nitong si San Martin ng Tours
hinubad kanyang "kapa" sagisag ng
kapangyarihan at katanyagan
upang maramtan ng kabanalan
ni Kristo-Jesus na "hinubad kanyang 
pagiging katulad ng Diyos upang mamuhay 
bilang alipin tulad natin" (Fil.2:7)!

San Martin ng Tours,
ipanalangin mo kami!
Mula sa flickr.com.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 117,820 total reads

 117,820 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 179,511 total reads

 179,511 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 225,219 total reads

 225,219 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 326,486 total reads

 326,486 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 390,246 total reads

 390,246 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 20,031 total reads

 20,031 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 22,553 total reads

 22,553 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 24,636 total reads

 24,636 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 23,155 total reads

 23,155 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 24,256 total reads

 24,256 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top