MARTES, ENERO 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,541 total views

Paggunita kay San Francisco de Sales,
obispo at pantas ng Simbahan

Hebreo 10, 1-10
Salmo 39, 2 at 4ab. 7-8a. 10. 11

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Marcos 3, 31-35

Memorial of St. Francis de Sales, Bishop and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Hebreo 10, 1-10

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, ang Kautusan ay malabong anino lamang at hindi ganap na larawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga haing inihahandog taun-taon. Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganitong mga handog, wala na sana silang aalalahanin pa tungkol sa kanilang mga kasalanan, at hindi na kailangang maghandog pa. Subalit ang mga haing ito pa nga ang taun-tao’y nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasanalan, sapagkat ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan.

Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos,
“Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig,
Kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain.
Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan.
Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’
ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.”

Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin ay mga handog dahil sa kasalanan” bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat na.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 2 at 4ab. 7-8a. 10. 11

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ako ay naghintay sa ‘king Panginoon.
At dininig niya ang aking pagtaghoy;
tinuruan niya ako pagkatapos
ng bagong awiting pampuri sa Diyos.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang mga panghandog, pati mga hain,
at mga hayop na handang sunugin
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y aking inihayag
saanman magtipon ang ‘yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y ipinagsasabi,
di ko inilihim sa aking sarili;
pati pagtulong mo’t pag-ibig na tapat,
sa mga lingkod mo’y isinisiwalat.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 3, 31-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus. Sila’y nasa labas ng bahay at ipinatawag siya. Noon nama’y maraming taong nakaupo sa palibot ni Hesus, at may nagsabi sa kanya, “Nariyan po sa labas ang inyong ina at mga kapatid; ipinatatawag kayo.” “Sino ang aking ina at mga kapatid?” ani Hesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot niya at nagwika: “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos; ay siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Ang mensahe ng kaligtasan ni Jesus at ng kanyang buhay ay ating pamantayan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo sa ating Diyos Ama upang tumalima at mamuhay tayo sa kanyang mga aral.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin Mo kaming mga lingkod ng Iyong kalooban.

Ang Simbahan nawa’y mamuhay sa diwa ng Ebanghelyo at laging hanapin ang kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating pananampalataya nawa’y mapalalim natin sa pamamagitan ng ating paglilingkod sa mga dukha, may kapansanan, at mga mahihina, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y maging mga tunay na miyembro ng pamilya ng Diyos sa pagiging tapat sa kalooban ng Amang nasa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos nawa’y gawin nating buhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito sa lahat ng pagkakataon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makatanggap ng walang hanggang liwanag at walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, gawin mo kaming karapat-dapat na maging bahagi ng iyong pamilya sa pamamagitan ng aming buhay pananampalataya na ipinahayag ng aming mabubuting gawain. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

QUALITY OF THE PRAYER

 6,607 total views

Gospel Reading for August 05, 2026 – Matthew 15: 21-28

QUALITY OF THE PRAYER

At that time Jesus withdrew to the region of Tyre and Sidon. And behold, a Canaanite woman of that district came and called out, “Have pity on me, Lord, Son of David! My daughter is tormented by a demon.” But he did not say a word in answer to her. His disciples came and asked him, “Send her away, for she keeps calling out after us.” He said in reply, “I was sent only to the lost sheep of the house of Israel.” But the woman came and did him homage, saying, “Lord, help me.” He said in reply, “It is not right to take the food of the children and throw it to the dogs.” She said, “Please, Lord, for even the dogs eat the scraps that fall from the table of their masters.” Then Jesus said to her in reply, “O woman, great is your faith! Let it be done for you as you wish.” And her daughter was healed from that hour.

————

The exchange between Jesus and the Canaanite woman is almost like a hearing in a court of law. The woman presents her petition before the Judge—in this case, Jesus—but she has no legal counsel and must plead her own case. Jesus raises objections, yet she responds with reasoned arguments. Her final plea is so compelling that Jesus grants her request.
When we reflect on Jesus’ words, “I was sent only to the lost sheep of the house of Israel” and “It is not right to take the food of the children and throw it to the dogs,” we may wonder: Why, then, did Jesus enter Gentile territory—a region inhabited by non-Israelites? Why was Jesus in what he himself referred to as the “dogs” territory? Could it be that he wanted to hear a Gentile herself express her faith in him and her desperate need for his mercy? Was he testing her response to the way the Israelites referred to Gentiles as “dogs”? Even the disciples were urging Jesus to send her away. Whatever his purpose, the woman succeeds in persuading him because her plea springs from profound faith and deep humility. Above all, what surely touched the heart of Jesus was her immense love for her daughter.

It is common to hear people say, “Please pray for me. Malakas ka kay Lord.” Yet, since we are all children of God, there is no such thing as “palakasan” with him. God does not play favorites. What matters is not that someone is supposedly malakas kay Lord, but the QUALITY OF THE PRAYER—a prayer offered with sincere faith, genuine humility, and complete trust in God’s love and mercy.

Lord Jesus, teach us to pray with profound faith and humility. Amen.

God’s boundless love and mercy

 6,871 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday in the Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II, 05 August 2026
Jeremiah 31:1-7     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Matthew 15:21-28
Photo by a friend in Washington, 28 July 2026.
Glory and praise 
to you O God our loving Father
with your boundless love
and mercy; your words today
are a beautiful reminder
of how wide is your love and
mercy: in the first reading,
Jeremiah continues to rally our
hopes of your coming redemption
and restoration of Israel
after its fall and conquest by
Assyrians due to their own sinfulness;
in the gospel, a Canaanite woman
who was both a foreigner 
and pagan considered like a "house-dog" 
among Jews persisted
in asking Jesus for the healing
of her daughter;
two stories about central
characters widely different
and divergent yet converged
in the mercy and love of God.

What a beautiful reminder
how our smallest cry in faith
is always heard by God
while our biggest sin
against him can still be forgiven
for as long as we are willing
to change our ways
and most of all,
be contented with scraps
in life.
Amen.
Photo by author, Carmel of the Holy Family Monastery, Guiguinto, Bulacan, January 2026.

Karapatan sa disenteng tahanan

 72,277 total views

Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa pag-unlad. Pero madalas, itinuturing ang bahay bilang produkto o instrumento ng pagpapayaman, kaya para sa libu-libong pamilya, ito ay nananatiling pangarap na mahirap abutin.

Noong ilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ang 4PH o ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program noong 2022, nilayon nitong solusyunan ang 6.5 milyong housing backlog ng bansa at magkaroon ng “zero informal settler families” sa pamamagitan ng pagtatayô ng anim na milyong housing units. Noong 2024, ibinabâ sa 1.3 milyong units ang target ng 4PH. Sa ngayon, nasa 580,000 na units pa lang ang naitayo o napondohan ng gobyerno. Dalawang taon na lang ang natitira sa termino ng administrasyon ni PBBM, pero hindi pa ito nangangalahati sa panibagong housing target nito. Alang-alang sa ating mga kababayan, sana nga ay matupad ng administrasyon ang pangako nito.

Sa usapin naman ng homelessness o kawalan ng tirahan, inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (o DSWD) ang Pag-Abot Program para tulungan ang mga pamilyang namumuhay sa mga lansangan. Layunin nitong tugunan ang mga batayang pangangailangan nila gaya ng pagkain, kalusugan, kabuhayan, edukasyon, at pansamantalang matutuluyan. Ayon sa Office of the President, nasa 20,000 na indibidwal ang naabot ng programa.

Ang usapin ng homelessness o kawalan ng tirahan ay isa sa pinakalantad na problema sa ating mga siyudad. Nakikita natin ito sa mga nakatira sa lansangan o pampublikong espasyo. Nakikita natin sila na may mga kariton at nakalatag na karton, sa mga bangketa at sa ilalim ng tulay. Pero sa kakulangan ng mga pag-uulat, pag-aaral, at pambansang plano upang tugunan ang isyu, hindi ito binibigyan ng sapat na atensyon. Hindi nga ito nabanggit sa SONA.

Ayon sa ating Simbahan, ang pagpapatuloy ng homelessless ay dapat bumabagabag sa konsensya ng pandaigdigang komunidad. Kailangang tugunan ang kawalan ng tirahan para makapagtaguyod ng tinatawag na sustainable cities kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang bawat tao na umunlad at mag-ambag sa kabutihang panlahat o common good. Deserve ng bawat tao na magkaroon ng lugar na matatawag niyang tahanan kung saan maaari siyang magtaguyod ng pamilya, magkaroon ng mga kaibigan, at maging bahagi ng kanyang komunidad. Ang pabahay ay hindi lang dapat tinitingnan bilang commodity o financial asset na pwedeng pagkakitaan; pundasyon ito ng lipunang naglilingkod para sa common good.

Ang disenteng pabahay ay isang karapatang pantao, at tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang karapatang ito. Hindi sapat ang pagtatayo ng pisikal na istruktura at pagbibigay ng panandaliang tulong sa mga nangangailangan. Kailangang putulin ng pamahalaan ang ugat ng kawalan ng tirahan at ng kasiguruhan sa paninirahan. Dapat na ring matapos ang malalim at malawakang katiwalian sa pamahalaan kung saan bilyun-bilyong piso ang ninanakaw ng magkakasabwat na mga pulitiko, opisyal ng gobyerno, at negosyante. Ang kawalan ng disenteng pabahay ng libu-libong pamilya ay nakaugat din sa sistema ng ekonomiya at pag-unlad kung saan nasa kamay at bulsa ng iilan ang yamang dapat pinagsasaluhan ng lahat. Ito ang nangyayari kapag mga patakarang inuuna ang interes ng mga makapangyarihan at mayayaman ang umiiral.

Mga Kapanalig, ang pangangalaga sa karapatan sa disenteng tahanan ay responsabilidad ng pamahalaan. Pero bilang mga Katoliko, tungkulin din natin ang magbigay ng malasakit at pagkalinga sa ating kapwa, gaya ng paalala sa Isaias 58:7: “Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin. Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit.” Kaya naman, huwag tayong tumigil sa paniningil sa mga iniluklok natin sa pamahalaan para itaguyod ang napakahalagang karapatan sa disenteng tahanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa disenteng tahanan

 72,278 total views

 72,278 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 103,988 total views

 103,988 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 136,007 total views

 136,007 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 288,064 total views

 288,064 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 309,225 total views

 309,225 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Agosto 9, 2026

 575 total views

 575 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 1,848 total views

 1,848 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

Biyernes, Agosto 7, 2026

 3,106 total views

 3,106 total views Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sixto II, papa, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay

Read More »

Huwebes, Agosto 6, 2026

 4,999 total views

 4,999 total views Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (A) Daniel 7, 9-10. 13-14 Salmo 96, 1-2. 5-6. 9 Panginoo’y maghahari, lakas n’ya’y mananatili.

Read More »

Miyerkules, Agosto 5, 2026

 5,411 total views

 5,411 total views Miyerkules ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Mahal na Birheng Maria sa Roma Jeremias

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top