Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, PEBRERO 8, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,347 total views

Miyerkules ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay Santa Josefina Bakhita, dalaga
o kaya Paggunuta kay San Jeronimo Emiliano

Genesis 2, 4b-9, 15-17
Salmo 103, 1-2a. 27-28. 29bk-30

Panginoo’y papurihin,
aba kong sariling buhay.

Marcos 7, 14-23

Wednesday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Josephine Bakhita, Virgin (White)
or Optional Memorial of St. Jerome Emiliani, Layman (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 2, 4b-9, 15-17

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Nang likhain ng Panginoon ang lupa at lahat ng bagay sa langit, wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat wala pang ulan noon at wala pa ring magsasaka. Ngunit mayroon nang bukal ng tubig na dumidilig sa lupa.

Nilikha ng Diyos ang tao mula sa alabok, hiningahan sa ilong, at nagkaroon ng buhay.

Naglagay ang Panginoon ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang. Pinasibol niya roon ang lahat ng uri ng kahoy na nakalulugod sa paningin at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan, naroon ang punong nagbibigay buhay, at ang punong nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama.

Inilagay ng Panginoon ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y pangalagaan at pagyamanin. Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakanin ang bungang iyon; mamamatay ka kapag kumain ka niyon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 103, 1-2a. 27-28. 29bk-30

Panginoo’y papurihin,
aba kong sariling buhay.

Pinupuri ka Poong Diyos, nitong aking kaluluwa,
O Panginoong aking Diyos, kay dakila mong talaga!
Ang taglay mong kasuuta’y dakila ri’t marangal pa.
Nababatbat ka, Poong Diyos, ng liwanag na maganda.

Panginoo’y papurihin,
aba kong sariling buhay.

Lahat sila’y umaasa, sa iyo ay nag-aabang,
umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.
Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap,
mayro’n silang kasiyahan pagkat bukas ang ‘yong palad.

Panginoo’y papurihin,
aba kong sariling buhay.

Natatakot mangamatay kung kitlin mo ang hininga;
mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila.
Taglay mo ang katangiang buhay nila ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

Panginoo’y papurihin,
aba kong sariling buhay.

ALELUYA
Juan 17, 17b. a

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 7, 14-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, muling pinalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat, at unawain ang aking sasabihin! Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang mga nagmumula sa kanya. Ang may pandinig ay makinig.”

Iniwan ni Hesus ang mga tao; at nang makapasok na sa bahay, siya’y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinghaga. “Kayo man ba’y wala ring pang-unawa?” tugon ni Hesus. “Hindi ba ninyo alam na hindi nakapagpaparumi sa tao ang kinakain niya, sapagkat hindi naman pumapasok iyon sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi.” Sa pagsasabi nito’y para nang ipinahayag ni Hesus na maaaring kanin ang lahat ng pagkain. Nagpatuloy siya sa pagsasalita: “Ang lumalabas mula sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos. Sapagkat sa loob – sa puso ng tao – nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya na makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, at gumawa ng lahat ng kabuktutan, tulad ng pagdaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, kapalaluan, at kahangalan. Ang lahat ng ito’y nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Para sa mga Kristiyano, wala nang iba pang batas maliban sa batas ng pag-ibig. Manalangin tayo para sa ating katapatan sa batas na ito at walang pag-aalinlangang pagsasabuhay ng ating relihiyon.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, dalisayin Mo ang aming mga puso.

Ang ating Simbahan nawa’y laging mapanibago at dalisayin ng salita ng Ebanghelyo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magdulot ng pag-asa sa mga nanghihina ang kalooban sa pamamagitan ng ating pagmamahal kaysa pawang mga pampalubog na loob na salita lamang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga puso nawa’y mapuno ng tapat na pagnanais na mabuhay para sa bawat isa upang sumamba tayong lahat sa espiritu at katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at naghihingalo nawa’y makatagpo ng kaginhawahan ng pag-ibig at habag ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong mahal sa buhay nawa’y makasama sa kalipunan ng tunay na pagsamba sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, gawin mong dalisay ang aming mga puso upang hindi kami mawalay sa aming mithiing mahalin ka nang higit sa lahat. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 20,425 total views

 20,425 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 43,447 total views

 43,447 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 82,941 total views

 82,941 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 96,521 total views

 96,521 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hunyo 26, 2026

 466 total views

 466 total views Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 25, 1-12 Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6 Kung ika’y aking limutin, wala

Read More »

Huwebes, Hunyo 25, 2026

 1,846 total views

 1,846 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 24, 8-17 Salmo 78, 1-2. 3-5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 24, 2026

 3,284 total views

 3,284 total views Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista Isaias 49, 1-6 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha

Read More »

Martes, Hunyo 23, 2026

 4,105 total views

 4,105 total views Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11 Lungsod ng D’yos

Read More »

Lunes, Hunyo 22, 2026

 3,441 total views

 3,441 total views Lunes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Paulino ng Nola, obispo o kaya Paggunita kay San Juan Fisher, obispo,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top