Imbestigasyon sa Extra Judicial Killings, pinangangambahang mauuwi sa wala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 455 total reads

Nangangamba ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity na mauuwi na naman sa wala at technicalities ang imbestigasyon ng Department of Justice, Philippine National Police at Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs at Senate Justice Committee sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.,na isa sa mga extra-judicial killing cases sa war on drugs ng pamahalaan.

Kaugnay nito, hinimok ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng kumisyon ang taumbayan na maging mapagmatyag, magsalita at huwag manahimik upang matigil na ang tumataas na bilang ng EJK sa bansa at pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga otoridad.

Umaasa din ang Obispo na tunay na mabibigyang kasagutan ng mga isinasagawang imbestigasyon ang dahilan ng pagkamatay ni Espinosa sa kamay ng mga operatiba ng PNP-CIDG Region 8.

“Ewan ko lang kung gaano kabilis ang imbestigasyon at kung sinong mananagot diyan. Nakakatakot baka yan ay mauwi lang naman sa mga technicalities. Masama yung tayong mga Filipino parang akala nila sa atin walang alam, na kahit na ano ay puwedeng patunayan na gawin. So ganun na ba sila kamanhid sa mga tao? Kaya dapat ang mga tao ay magsalita na rin at hindi dapat manahimik kasi nakita natin kung anong nangyari sa isang Mayor na may kapangyarihan, paano yung ibang mga taong maliliit?” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Unang binigyang diin ng Commission on Human Rights na maaring ituring na kabilang sa mga kaso ng Extra Judicial Killings ang pagkamatay ng sumukong alkalde na namatay mismo sa loob ng kanyang selda sa Baybay City Provincial Jail.

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng Philippine National Police, tinatayang umaabot na sa higit 4 na libo ang napatay sa ilalim ng patuloy na War on Drugs ng pamahalaan mula noong buwan ng Hulyo kabilang na ang ilang mga kusang sumuko sa ilalim ng programa ng PNP na Oplan Tokhang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,294 total reads

 86,294 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,922 total reads

 163,922 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,370 total reads

 197,370 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,668 total reads

 232,668 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,803 total reads

 455,803 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top