BIYERNES, MARSO 10, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,602 total views

Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28
Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Mateo 21, 33-43. 45-46

Friday of the Second Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak, sapagkat matanda na siya nang ito’y isinilang. Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas. Dinamdam ito ng kanyang mga kapatid at ayaw nilang pakisamahang mabuti si Jose.

Nasa Siquem ang mga kapatid ni Jose at doon inaalagaan ang kawan ng kanilang ama. Sinabi ni Israel, “Gumayak ka at sumunod sa iyong mga kapatid.” Sumunod si Jose at natagpuan ang mga kapatid sa Dotan. Malayo pa siya’y natanaw na ng mga ito. Nagkaisa silang patayin siya. Sinabi nila, “Ayan na ang mapanaginipin! Patayin natin at ihulog sa balon, at sabihing sinila ng mabangis na hayop. Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kanyang mga panaginip.”

Narinig ito ni Ruben at binalak na iligtas si Jose. Sabi niya, “Huwag, huwag nating patayin. Huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; ihulog na lamang natin sa balon.” Sinabi niya ito, sapagkat ang balak niya ay iligtas ang kapatid. Paglapit ni Jose, hinubdan nila ito, at inihulog sa isang tuyong balon.

Habang sila’y kumakain, may natanaw silang pangkat ng mga Ismaelitang mula sa Galaad. Ang kanilang mga kamelyo ay may kargang mga gagawing pabango na dadalhin sa Egipto. Sinabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Wala tayong mapapala kung patayin natin ang ating kapatid. Mabuti pa’y ipagbili na lamang natin siya sa mga Israelita kaysa ating saktan! Siya’y kapatid din natin: laman ng ating laman at dugo ng ating dugo.” At sila’y nagkasundo. Nang malapit na ang mga mangangalakal, iniahon nila si Jose at ipinagbili sa halagang dalawampung pirasong pilak. At si Jose’y dinala ng mga Israelita sa Egipto.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Sa lupain nila’y mayroong taggutom na ipinarating
itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain.
Subalit ang Diyos sa unahan nila’y may sugong lalaki
tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Mga paa nito’y nagdanas ng hirap nang ito’y ipangaw,
pati leeg niya’y pinapagk’wintas ng kolyar na bakal;
hanggang sa dumating ang isang sandali na siya’y subukin
nitong Panginoon, na siyang nangakong siya’y tutubusin.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Ang kinasangkapan niya’y isang hari, siyang nagpalaya,
pinalaya siya nitong haring ito na namamahala.
Doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala,
sa buong lupain, si Jose’y ginawa niyang katiwala.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 3, 16

Pag-ibig sa sanlibutan
ng D’yos ay gayun na lamang,
kanyang Anak ibinigay
upang mabuhay kailanman
ang nananalig na tunay.

MABUTING BALITA
Mateo 21, 33-43. 45-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang parte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayon din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nag-usap-usap: ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin. Kaya’t siya’y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.

“Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamahang iyon?” Sumagot sila, “Lilipunin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.” Tinanong sila ni Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?

‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
Ang siya naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
At ito’y kahanga-hanga!’

Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat.

Narinig ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga talinghaga ni Hesus, at naunawaan nilang sila ang pinatatamaan niya. Dadakpin sana nila siya, ngunit natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na propeta si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Habang pinagninilayan ang babala sa Ebanghelyo tungkol sa pangangailangang mamunga, ihain natin ang ating mga kahilingan sa Diyos Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng ubasan, pagpalain Mo ang aming mga buhay.

Ang Santo Papa nawa’y makatanggap ng liwanag, lakas, at tulong sa kanyang pag-akay sa Simbahan sa mga panahong ito ng kahirapan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga isipan nawa’y mapuspos ng kapayapaan ng Diyos na naghahatid ng walang hanggang kagalakan at walang katapusang kaligayahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga sariling buhay nawa’y makapagbigay tayo ng bunga ng pag-ibig, pagpapatawad, katarungan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y hindi panghinaan ng loob sa gitna ng kanilang dinaranas na mga pagsubok at sa halip ay palakasin ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng kanilang walang hanggang kapahingahan sa iyong Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nagpapasalamat kami sa iyo para sa iyong tapat na pag-ibig. Tulungan mo kaming mapaglingkuran ka nang buong-puso at mamuhay nang karapat-dapat sa iyong pagtawag sa amin. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Trabaho sa kabila ng init

 9,434 total views

 9,434 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 17,658 total views

 17,658 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 23,504 total views

 23,504 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Resilient Education

 36,905 total views

 36,905 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »

Financial Inclusion

 40,017 total views

 40,017 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Watch Live

Related Story

MARTES, ABRIL 30, 2024

 1,624 total views

 1,624 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 1,844 total views

 1,844 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 2,117 total views

 2,117 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 2,414 total views

 2,414 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 3,090 total views

 3,090 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »

HUWEBES, ABRIL 25, 2024

 3,031 total views

 3,031 total views Kapistahan ni San Marcos, Manunulat ng Mabuting Balita 1 Pedro 5, 5b-14 Salmo 88, 2-3. 6-7. 16-17 Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin. Marcos 16, 15-20 Feast of Saint Mark, evangelist (Red) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 5b-14 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, magpakababa kayong lahat

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 24, 2024

 2,611 total views

 2,611 total views Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8 Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao. Juan 12, 44-50 Wednesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional

Read More »

MARTES, ABRIL 23, 2024

 2,527 total views

 2,527 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Adalberto, obispo at martir o kaya Paggunita kay San Jorge, martir Mga Gawa 11, 19-26 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Purihin ng tanang bansa ang Panginoong Dakila. Juan 10, 22-30 Tuesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St.

Read More »

LUNES, ABRIL 22, 2024

 5,079 total views

 5,079 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Juan 10, 1-10 Monday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 11, 1-18 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga

Read More »

LINGGO, ABRIL 21, 2024

 4,419 total views

 4,419 total views Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 4, 8-12 Salmo 117, 1 at 8-9. 21-23. 26 at 28kd at 29 Batong dating tinanggiha’y siya pang naging saligan. 1 Juan 3, 1-2 Juan 10, 11-18 Fourth Sunday of Easter (White) Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations UNANG PAGBASA

Read More »

SABADO, ABRIL 20, 2024

 5,850 total views

 5,850 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 31-42 Salmo 115, 12-13. 14-15. 16-17 Sa lahat ng ‘yong kaloob ano’ng aking ihahandog? Juan 6, 60-69 Saturday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 31-42 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, ABRIL 19, 2024

 6,801 total views

 6,801 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 6, 52-59 Friday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 1-20 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, masidhi

Read More »

HUWEBES, ABRIL 18, 2024

 7,489 total views

 7,489 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 44-51 Thursday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 26-40 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, si

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 17, 2024

 6,644 total views

 6,644 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 35-40 Wednesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 1b-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Nagsimula nang araw na iyon ang

Read More »

MARTES, ABRIL 16, 2024

 6,968 total views

 6,968 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a. 17 at 21ab Poon, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko. Juan 6, 30-35 Tuesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 7, 51 –

Read More »
Scroll to Top