MIYERKULES, MARSO 15, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,032 total reads

Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Deuteronomio 4, 1. 5-9
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Mateo 5, 17-19

Wednesday of the Third Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 4, 1. 5-9

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Nagsalita si Moises sa mga tao: “Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo nang matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo.

“Ngayon nga’y itinuturo ko sa inyo ang mga tuntuning ito upang sundin. Unawain ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayun makikita ng ibang bansa ang inyong karunungan at lawak ng pang-unawa. Sa gayun, hindi nila mapipigilang sabihin ang ganito: ‘Ang bansang ito’y matalino at may malawak na pagkaunawa.’

“Sinong diyos ng ibang bansa ang handang tumulong anumang oras liban sa Panginoon? Aling bansa ang may tuntuning kasing inam ng mga tuntuning ibinigay ko sa inyo ngayon? Ngunit kaiingat kayo. Ang mga bagay na inyong nasaksihan ay huwag ninyong kalilimutan o ipagwawalang-bahala habang kayo’y nabubuhay; ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon,
purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion.
Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,
ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,
bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo.
Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad,
dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Kay Jacob n’ya ibinigay ang balita at pabilin,
ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel.
Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 6, 63k. 68k

Salita mo, Kristong mahal,
Espiritung bumubuhay,
nagtuturo’t umaakay
sa nagnanais makamtan
ang langit na walang hanggan.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 17-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Miyerkules

Manalangin tayo sa Diyos na ating Ama, ang nagbibigay ng lahat ng mabubuting biyaya, upang lagi nating sundin ang kanyang mga batas nang may bukas na loob tulad ni Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, loobin Mong sumunod kami katulad ni Kristo.

Ang Simbahan nawa’y maghatid sa mga tao ng liwanag ni Kristo sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mambabatas nawa’y magsagawa ng mabubuting batas para sa kapakanan ng mga tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y magpatupad ng mga batas at maghatid ng kalayaan at katarungan sa kanilang mga nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y makilala ang Diyos at sundin ang kanyang mga batas na nakasulat sa kanilang mga puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga kapuspalad, at mga nangungulila nawa’y mabigyan ng nararapat na pangangalaga, atensyon, at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay kay Kristo nawa’y pagkalooban ng pag-ibig at habag sa Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pagkalooban mo kami ng biyayang makasunod sa iyong mga utos, at magtaguyod ng iyong batas at salita sa lahat ng mga nasa ilalim ng aming pangangalaga. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

BASBAS NI NANAY

 309 total reads

Homiliya para sa araw ng paggunita sa kapistahan ni Santa Monica, ina ni San Agustin, 27 ng Agosto 2026, 1 Cor 1,1-9; Mateo 24:42-51.

Parang pinili talaga ang mga pagbasa natin para sa araw na ito ng paggunita kay Santa Monica, nanay ni San Agustin. Pero bago ko sabihin kung bakit, gusto ko munang ibahagi sa inyo iyung panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko ang nanay ko.

Sa panaginip ko, binuksan ko daw ang gripo para maghilamos. Pero nagulat ako dahil ang lumabas na tubig sa gripo ay madumi. Hindi lang madumi, bulok at maitim na tubig at may kasama pang mga uod na—pagbagsak sa lababo, gumagapang kung saan-saan. Kaya napasigaw ako. Noon daw biglang dumating ang nanay ko at nagtanong, Bakit? Anong nangyari? Lumingon ako. Nakita ko siya, nakangiti. Inabot ko ang kamay niya at nagmano ako—“Mano po, ‘Nay.” Sabi niya, “Kaawaan ka ng Diyos.” Sabi ko, “Tingnan mo, Nay, grabe, ang dumi ng tubig na lumalabas sa gripo. May mga uod pa nga! Pero pagtingin kong muli sa gripo, ang dumadaloy na tubig ay malinis na! Wala na kahit tilamsik ng maduming tubig na una kong nakita, at wala na ring mga uod. Paglingon kong muli, wala na si nanay. Doon natapos ang panaginip.

Ewan ko kung ano kaya ang interpretasyon ng panaginip kong iyon. Pero siguro tinyempuhan ng nanay ko yung araw ng kapistahan ng isang nanay—si Santa Monica, na talagang gumawa ng lahat ng paraan upang mapalapit ang anak niyang si San Agustin sa Panginoong HesuKristo.

Kaya ang basa ko doon sa last paragraph ng ating first reading mula sa introduction ng unang sulat ni San Pablo sa mga taga-Korinto, parang mga salita na personal na ina-address ni Santa Monica sa anak niyang si San Agustin. Siyempre ang mga taga-Korinto ang kausap ni San Pablo kaya ina-address sila bilang KAYO (second person plural). Palitan natin ang second person plural ni St. Paul, gawin nating second person singular. At pakinggan natin na parang ang nagsasabi ay si Santa Monica kay San Agustin:

“Alam mo, lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa iyo sa pamamagitan ng iyong pakikipagkaisa kay Kristo Hesus. Dahil sa iyong pakikipagkaisa sa kanya, pinaunlad ka ng Diyos sa lahat ng bagay, sa pananalita at karunungan. Dahil dito, napatunayan sa iyo na ang mga itinuro ko tungkol kay HesuKristo ay totoo. Kaya hindi ka kinukulang sa anumang kaloob na espiritwal habang hinihintay mo ang pagbabalik ng ating Panginoong HesuKristo. Sana’y panatilihin ka niyang matatag sa pananampalataya hanggang sa katapusan, upang ikaw ay maging walang kapintasan sa araw ng kanyang pagdating. Tapat ang Diyos na tumawag sa iyo na makipagkaisa sa kanyang Anak na si HesuKristo na ating Panginoon.”

Ang ganda, di ba? Parang akmang-akma sa kapistahan ni Santa Monica, at sa lahat ng hinangad niya para sa anak niyang si Agustin, na sa kalaunan—dahil sa marubdob na panalangin niya ay dumanas ng conversion experience. Hindi lang siya na-convert dahil sa paggabay sa kanya ni San Ambrosio ng Milan at nabinyagan. Naordinahan siya sa pagkapari at naging obispo siya ng bayan ng Hippo.
Ewan ko kung anong pinagdasal ng nanay ko para sa akin. Ang alam ko lang, noong seminarista pa ako, proud na proud siya na magkaroon ng anak noon na nagpapari—na kung minsan kina-iirita ko naman. Kasi kapag bakasyon at nasa bahay ako, gusto niya pag magsimba siya, sasabayan ko pa siya ng lakad papunta sa simbahan. Pero nagkaroon ng punto na dahil sa pagka-irita, ayaw ko nang siyang sabayan.

I remember, minsan ginigising niya ako para magsimba. Sabi ko, “Inaantok pa ako, Nay. Ikaw na lang.”. Hinayaan naman niya ako at hindi nangulit. Di niya alam, habang nagbibihis siya, tumayo ako at nagbihis nang mabilis. Tumakbo ako at inunahan ko pa siya sa simbahan. Dumiretso ako sa sacristy at nagserve pa ako sa Misa. Pagdating niya sa simbahan at pagtingin sa altar, nagulat na lang siya at napangiti. Nakuha niya yung punto. Parang ang message ko sa kanya ay, “Nay, hindi naman ako magsisimba dahil sa’yo. Magsisimba ako kasi gusto ko rin talagang magsimba. So hindi mo ko kailangang kulitin.” Palagay ko naintindihan ‘yun ng nanay ko, dahil mula noon hindi na niya ako kinulit.

Sa tingin ko, parang ganyan din ang naging relasyon ni San Agustin sa nanay niya. Medyo may kakulitan din kasi si Santa Monica. Nagpursigi siya talaga para mailapit ang anak niya sa Panginoong HesuKristo, at hindi naman siya nabigo. Pero alam din ni Santa Monica kung kailan pwede na siyang tumabi. Kasi ang Panginoon na mismo ang kumikilos para dumaloy talaga ang kanyang grasya sa anak niya, na noong una’y nasasanay na sa maduming klase ng pamumuhay.

Ayun. Yun siguro ang interpretasyon ng aking panaginip. Noong una, maduming tubig ang dumadaloy. Sa kalaunan, luminis ito. Lumingon kasi ako at nagmano, humingi ng basbas sa kanya. At dumaloy nga ang grasya mula nang maipakilala niya sa akin si HesuKristo, ang bukal ng buhay na walang hangan.

BE PREPARED

 397 total reads

Gospel Reading for August 28, 2026 – Matthew 25: 1-13

BE PREPARED

Jesus told his disciples this parable: “The Kingdom of heaven will be like ten virgins who took their lamps and went out to meet the bridegroom. Five of them were foolish and five were wise. The foolish ones, when taking their lamps, brought no oil with them, but the wise brought flasks of oil with their lamps. Since the bridegroom was long delayed, they all became drowsy and fell asleep.

At midnight, there was a cry, ‘Behold, the bridegroom! Come out to meet him!’ Then all those virgins got up and trimmed their lamps. The foolish ones said to the wise, ‘Give us some of your oil, for our lamps are going out.’ But the wise ones replied, ‘No, for there may not be enough for us and you. Go instead to the merchants and buy some for yourselves.’

While they went off to buy it, the bridegroom came and those who were ready went into the wedding feast with him. Then the door was locked. Afterwards the other virgins came and said, ‘Lord, Lord, open the door for us!’ But he said in reply, ‘Amen, I say to you, I do not know you.’ Therefore, stay awake, for you know neither the day nor the hour.”

————

Those who were Boy Scouts or Girl Scouts during their school days will probably remember how they were taught practical life skills to become strong, responsible, and productive members of their communities. Through camping, first aid, and nature exploration, they learned self-reliance, teamwork, and even survival skills.

More importantly, they were trained to live for others—to help people every day and contribute positively to society. They were also taught timeless moral values: honesty, integrity, responsibility, and respect for others. And they learned to think ahead, preparing for possible situations or emergencies so they would know the right thing to do when the time came.
That is why the official Scout motto is simple yet profound: “BE PREPARED.”

One might jokingly think that Jesus must have been a Boy Scout in his younger years because he spoke so often about being prepared. In reality, it was Jesus who inspired the Scouting movement founded by Lord Baden-Powell. Raised in a Christian family headed by a Church of England clergyman, Baden-Powell believed that Scouting had no separate “religious side.” Rather, the entire movement was rooted in faith, the service of God, and service to others.

And yes, in the Kingdom of Heaven, one of the most important things we must remember is this: BE PREPARED.

To BE PREPARED is to live each day according to the teachings of Jesus. It means nurturing a heart that is always ready to meet him, whenever he comes. We would be foolish to rely on someone else for our own preparedness, because at the final judgment, it will be just God and each one of us.

Lord Jesus, may we always be prepared for your coming, whenever that day or hour may be. Amen.

Wise to be a fool for Christ

 1,285 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Twenty-first Week in Ordinary Time, Year II, 28 August 2026
Memorial of St. Augustine, Bishop & Doctor of the Church
1 Corinthians 1:1-9     <*((((><  +  ><))))*>     Matthew 24:42-51
Photo by author, view from Antipolo City of the Ortigas Center, August 2022.
Lord Jesus Christ,
help me to be wise like
St. Augustine whose feast
we celebrate today:
like him through your grace
O Lord, help me overcome
my worldly desires by 
lovingly embracing your Cross;
keep my heart aflame 
and restless with your love, Jesus,
lit with your truth and wisdom
ready to welcome you when you
return any moment.

Jesus said to his disciples: Stay awake! For you do not know on which day your Lord will come (Matthew 24:42).

Photo by author, view from Antipolo City of the Ortigas Center, August 2022.
Make me wise enough,
Jesus to be foolish in following you,
in embracing your Cross;
keep me sensible like
the wise virgins lit with
your love and presence in my heart
sustained with that deep,
personal relationship rooted
in prayer like an oil
keeping the fire burning
in every lamp;
at the same time,
make me a fool like St. Paul,
a fool for you, O Christ,
believing and relying
in the power of your Cross.
Amen.
Photo by author, view from Antipolo City of the Ortigas Center, August 2022.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 69,388 total reads

 69,388 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 106,762 total reads

 106,762 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 138,023 total reads

 138,023 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 210,799 total reads

 210,799 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 301,623 total reads

 301,623 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Agosto 30, 2026

 815 total reads

 815 total reads Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Jeremias 20, 7-9 Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 8-9 Aking kinasasabikan, Panginoon, Ikaw lamang. Roma 12, 1-2

Read More »

Sabado, Agosto 29, 2026

 2,203 total reads

 2,203 total reads Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir Jeremias 1, 17-19 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay

Read More »

Biyernes, Agosto 28, 2026

 3,564 total reads

 3,564 total reads Paggunita kay San Agustin, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 1, 17-25 Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11 Awa’t pag-ibig ng Diyos sa

Read More »

Huwebes, Agosto 27, 2026

 4,865 total reads

 4,865 total reads Paggunita kay Santa Monica 1 Corinto 1, 1-9 Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7 Pupurihin ko ang ngalan ng Poon magpakailanman. Mateo 24, 42-51

Read More »

Miyerkules, Agosto 26, 2026

 5,725 total reads

 5,725 total reads Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Tesalonica 3, 6-10. 16-18 Salmo 127, 1-2. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top