Taumbayan, walang napala sa inquiry ng Kongreso sa droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,663 total reads

Ikinadismaya ng pari ang patuloy na imbestigasyon ng Kongreso sa talamak na operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, hindi makakamtan ng taumbayan ang malinaw na paglalahad ng katotohanan sa isinasagawang House at Senate inquiry sa malalang problema sa ilegal na droga sa bansa.

“Kung ang nais ng taumbayan ay ang malinaw na paglalahad ng katotohanan sa lumalalang problema ng droga sa bansa, hindi nila ito makakamtan sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado at Kongreso,”pahayag ng pari.

Inihayag ni Father Secillano na lalong pinagulo ng Senado at Kamara ang sitwasyon tulad ng pagkakaiba ng salaysay ni Ronnie Dayan dating driver at sinasabing bagman ni Senator Leila de Lima at Kerwin Espinosa na sinasabing Eastern Visayas druglord.

“Lalo pang gumulo ang sitwasyon dahil sa magkakaiba at hindi nagtutugma ang salaysay ng mga testigo,” paglilinaw ng pari sa Radio Veritas.

Sinabi ni Father Secillano na ang tunay na damdamin ng taumbayan ay kahalintulad ng nararamdaman ni PNP Chief General Bato de la Rosa na hindi na niya alam kung sino sa hanay ng pulis ang kanyang pagkakatiwalaan dahil maraming PNP personnel ang sangkot sa ilegal na droga.

“Ang damdamin ng nakararami ay naipahayag na ni Gen. Bato de la Rosa na umamin mismong nahihirapan at naguguluhan na kung sino ba ang dapat niyang paniwalaan sa kanyang mga tauhan dahil karamihan sa mga ito ay isinasangkot sa kalakaran ng droga,”giit pa ng pari.

Iginiit ng pari na hinihintay na lamang ng taumbayan ang mga babalangkasing batas ng Kongreso upang matugunan ang malubhang problema ng illegal na droga sa bansa.

“Hintayin na lang natin ang mga batas na maaari mabalangkas ng mga senador base sa mga imbestigasyon na kanilang isinagawa.”

Samnatala Sa inisyal na tala ng PNP- Crime Laboratory, umaabot na sa 174 na mga pulis ang nagpositibo sa isinagawang ‘Internal Cleansing’ na mandatory drug testing sa 159,000 – PNP Personnel na karamihan ay lumitaw na gumagamit ng shabu, marijuana at maging ecstasy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 13,228 total reads

 13,228 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 94,433 total reads

 94,433 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 188,658 total reads

 188,658 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,148 total reads

 249,148 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 262,382 total reads

 262,382 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 85,252 total reads

 85,252 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 62,807 total reads

 62,807 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 101,232 total reads

 101,232 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top