BIYERNES, MARSO 17, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,893 total views

Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Oseas 14, 2-10
Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17

Tinig koโ€™y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

Marcos 12, 28b-34

Friday of the Third Week of Lentย (Violet)

UNANG PAGBASA
Oseas 14, 2-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Ito ang sabi ng Panginoon: โ€œIsrael, manumbalik ka na sa Panginoon na iyong Diyos. Ang pagbagsak mo ay bunga ng iyong kasamaan.โ€ Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo sa Panginoon at sabihin ninyo, โ€œPatawarin mo na kami. Kamiโ€™y iyong kahabagan at tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri. Hindi kami mailigtas ng Asiria, hindi kami sasakay sa mga kabayo. Hindi na namin tatawaging diyos ang mga larawang ginawa lamang ng aming mga kamay. Sa iyo lamang makatatagpo ng awa ang mga ulila.โ€

Sabi ng Panginoon, โ€œPatatawarin ko na ang aking bayan.
Mamahalin ko sila nang walang katapusan,
sapagkat mapapawi na ang aking galit.
Akoโ€™y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel,
at mamumulaklak siyang gaya ng liryo,
mag-uugat na tulad ng matibay na punongkahoy;
dadami ang kanyang mga sanga,
gaganda siyang tulad ng puno ng olibo,
at hahalimuyak gaya ng Libano.
Magbabalik sila at tatahan sa ilalim ng aking kalinga.
Silaโ€™y yayabong na gaya ng isang halamanan,
mamumulaklak na parang punong ubas,
at ang bangoโ€™y katulad ng alak mula sa Libano.
Efraim, lumayo ka na sa mga diyus-diyosan!
Ako lamang ang tumutugon at nagbabantay sa iyo.
Akoโ€™y katulad ng sipres na laging luntian,
at mula sa akin ang iyong bunga.โ€

Ang mga bagay na itoโ€™y dapat unawain ng matalino, at dapat mabatid ng marunong. Matuwid ang mga daan ng Panginoon, at doon tumatahak ang mabubuti, ngunit madarapa ang mangangahas na sumuway.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17

Tinig koโ€™y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

Sa paglabas namin sa bansang mabagsik,
ganito ang wika na aking narinig:
โ€œMabigat mong dalaโ€™y aking iniibis,
ipinababa ko ang pasaning basket.
Iniligtas kita sa gitna ng hirap,
iniligtas kita nang ikaโ€™y tumawag.

Tinig koโ€™y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

Tinugon din kita sa gitna ng kidlat,
at sinubok kita sa Batis Meriba.
Kapag nangungusap, akoโ€™y inyong dinggin,
sanaโ€™y makinig ka, O bansang Israel.

Tinig koโ€™y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

Ang diyus-diyosaโ€™y huwag mong paglingkuran,
diyos ng ibang bansaโ€™y di dapat luhuran.
Akoโ€™y Panginoon, ako ang Diyos mo,
Ako ang tumubos sa โ€˜yo sa Egipto.

Tinig koโ€™y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

Ang tangi kong hangad, sana akoโ€™y sundin,
sundin ang utos ko ng bayang Israel;
ang lalong mabuting bunga nitong trigo,
ang siyang sa inyoโ€™y ipapakain ko;
at ang gusto ninyong masarap na pulot,
ang siya sa inyoโ€™y aking idudulot.

Tinig koโ€™y iyong pakinggan,
ang sabi ng Poong mahal.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 17

Sinabi ng Poong mahal:
โ€œKasalanan ay talikdan,
pagsuway ay pagsisihan;
maghahari nang lubusan
ang Poong Dโ€™yos na Maykapal.โ€

MABUTING BALITA
Marcos 12, 28b-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, lumapit ang isa sa mga eskriba kay Hesus at tinanong siya, โ€œAlin pong utos ang pinakamahalaga?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œIto ang pinakamahalagang utos, โ€˜Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos โ€“ siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.โ€™ Ito naman ang pangalawa, โ€˜Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.โ€™ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.โ€ โ€œTama po, Guro!โ€ wika ng eskriba. โ€œTotoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.โ€ Nakita ni Hesus na matalino ang kanyang sagot, kayaโ€™t sinabi niya, โ€œMalapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.โ€ At wala nang nangahas magtanong kay Hesus mula noon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Manalangin tayo sa Diyos Ama na pukawin ng kanyang pag-ibig ang lahat at ang kanyang pag-ibig ay matatak sa ating pakikitungo sa bawat tao.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoong Diyos, palaguin Mo kami sa Iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawaโ€™y hindi kailanman tumigil sa pagpapahayag ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa bilang puso ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang huwag kaligtaan kailanman ang magpadama ng habag sa mga kapuspalad, sa mga walang nagmamahal at mga nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang pakitunguhan ang bawat tao nang may kabutihang-loob at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit at matatanda nawaโ€™y magkaroon tayo ng higit na habag sa pamamagitan ng banayad na pagpukaw ng Espiritu Santo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating yumaong mga mahal sa buhay, nawaโ€™y ihatid ni Kristo sa kanyang walang hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, tulungan mo kaming ibigin ka at ang aming kapwa nang walang hangganan katulad ng ginagawa mo. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 19,011 total views

 19,011 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More ยป

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 32,588 total views

 32,588 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More ยป

Papalayรด sa tunay na demokrasya

 61,152 total views

 61,152 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.ย  Noong

Read More ยป

BAKIT BIGO ANG K-12?

 110,773 total views

 110,773 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More ยป

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 105,063 total views

 105,063 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipinoโ€ฆ Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More ยป

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hunyo 12, 2026

 1,255 total views

 1,255 total views Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus (A) Deuteronomio 7, 6-11 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8 at 10 Pag-ibig moโ€™y walang hanggan

Read More ยป

Huwebes, Hunyo 11, 2026

 2,323 total views

 2,323 total views Paggunita kay San Bernabe, apostol Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansaโ€™y nahayag.

Read More ยป

Miyerkules, Hunyo 10, 2026

 2,323 total views

 2,323 total views Miyerkules ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 18, 20-39 Salmo 15, 1-2a. 4. 5 at 8. 11 Dโ€™yos ko, ang

Read More ยป

Martes, Hunyo 9, 2026

 5,513 total views

 5,513 total views Martes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 17, 7-16 Salmo 4, 2-3. 4-5. 7-8 Poon, sa โ€˜miโ€™y pasikatin, liwanag sa

Read More ยป

Lunes, Hunyo 8, 2026

 5,009 total views

 5,009 total views Lunes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 17, 1-6 Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Sa pangalan ng Maykapal, tayo

Read More ยป

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top