LIVE: HEALING MASS SA VERITAS May 26, 2023 | 6:00 AM

SHARE THE TRUTH

 472 total views

Paggunita kay San Felipe Neri, pari

MASS PRESIDER: Fr. Edward “JC” Gallora,DS

[fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/1116962209006400]

[give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]

Hindi nakatutuwang biro

 1,219 total views

Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas. 

Sa isang privilege speech na binasa ni Senadora Camille Villar sa pagdiriwang ng ika-70 taon ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan, sinabihan niya ang ambassador na “Always remember that wherever you may go, you will always have a home here in the Philippines.” Biro ni Senador Juan Miguel Zubiri, bibigyan daw ng bahay ng senadora ang ambassador ng Japan. Ginatungan pa ito ni Senate President Win Gatchalian at sinabing sa katunayan maraming pagpipiliang bahay ang dayuhang opisyal. 

Nagkatawanan man ang mga senador, hindi naman ito nagustuhan ng ilan. 

Kilalá ang pamilya Villar sa kanilang real estate business at iba’t ibang mga negosyo katulad ng malls at patubig sa halos lahat ng sulok ng bansa. Hindi tuloy maiwasang itanong kung naihihiwalay ba talaga ng senadora—at ng isa pa niyang kapatid na senador din ngayon—ang kanilang personal interes sa trabaho at tungkulin nila bilang mambabatas. Ito ang nakikitang dahilan kung bakit hindi maipasá-pasá ang isang panukalang batas na layong isaayos ang paggamit ng lupa o land use.

Ang tinutukoy natin ay ang National Land Use Act (o NLUA). Sa ilalim ng NLUA, itatakda ang mga lupa batay sa makatwiran at makatarungang gamit. Halimbawa, magiging protected lands ang mga tinatawag na prime agricultural lands o ang mga lupang akma sa produksyon ng mga produktong pang-agrikultura. Tutukuyin din ang mga lupa para sa pabahay, imprastraktura, komersyo, at maging mga kagubutan at lupang-ninuno o ancestral lands

Sa matagal na panahon, nakabinbin ang panukalang NLUA sa Kongreso, lalo na sa Senado. Nitong mga nagdaang Kongreso, hindi ito nabibigyan ng pagkakataong mapag-usapan sa Senate Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change na laging pinamumunuan ng mga Villar kapag sila ay nasa Senado. Ngayong si Senador Raffy Tulfo na ang chairperson ng nasabing komite, may pag-asa na kaya ang NLUA? 

Dahil sa kawalan ng NLUA, hindi maayos at makatarungan ang paggamit natin ng lupa. Maraming lupang sakahan ang nagiging subdivision, pero sa kabila ng mga ito, milyun-milyong Pilipinong wala pa rin ang walang matirhan. Mula 2003 hanngang 2019, tinatayang nasa 31% ng mga lupang kino-convert sa ibang gamit ay matatagpuan sa tinatawag na Network of Protected Areas for Agriculture and Agro-Industrial Development. Itinuturing na prime agricultural lands ang mga ito, pero iyon nga, nagiging pabahay. Nariyan din ang mga dalampasigan na sana ay natatayuan ng pabahay sa mga mangingisda pero ginagawang private resorts. Ang mga lupang-ninuno naman sa mga kabundukan ay pinapayagang gawing minahan. Makatutulong sana ang NLUA na maiwasan ang mga isyung ito. 

Binibigyang-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahan na ang pagtataguyod sa kabutihang panlahat o common good ay ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan. Partikular nitong responsabilidad na pagtugmain ang iba-iba at maging ang mga nagbabanggaang interes. Ang ating mga mambabatas ay iniluklok natin para katawanin tayo sa gobyerno. Bitbit dapat nila ang ating kapakanan. Ang pagsusulong ng kabutihang ng lahat, hindi lang ng nakakarami o ng iilang pamilya, ang isa sa pinakamalahalagang papel ng pamahalaan at gampanin ng bawat opisyal nito. 

Mga Kapanalig, ipaalala natin sa ating mga public servants, kabilang ang mga mambabatas, ang nasusulat sa Filipos 2:3-4, “Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin … ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.” Malinaw na salungat dito ang ginagawa ng mga mayayamang negosyanteng ginagamit ang gobyerno para protektahan ang kanilang interes. Ang kasaganahan ng iilan sa gitna ng kasalatan ng marami ay isang iskandalo at hindi nakakatuwang biro. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Kayo ang Magpakain

 3,291 total views

Hindi hadlang ang lungkot para tumigil sa pagmamahal. Minsan, kailangan lang nating lumayo sandali—hindi para tumakas, kundi para muling mapalapit sa Diyos. Sapagkat ang pusong pinapalakas ng panalangin ay nagiging kamay na handang magbahagi, kahit kaunti lamang ang hawak. At kapag inialay natin ang ating kakayanan kay Kristo, ang kakulangan ay nagiging kasapatan, at ang pag-ibig ay umaabot sa mas marami.

SINO?

 3,953 total views

Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21

Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan sa atin ni San Mateo sa Ebanghelyo, ang eksena ng pagluluksa ni Jesus sa balitang patay na ang kaibigan niyang si Juan Bautista.

Alam natin kung gaano kalapit si Juan Bautista kay Hesus dahil magpinsan ang kanilang mga nanay at mismong si Mama Mary, ayon sa kuwento ni San Lukas, ang umalalay kay Elizabeth nang ipanganak nito si Juan Bautista.

Ayon kay San Lucas, taon-taon lumuluwas patungong Jerusalem ang pamilya ni Jesus, Maria at Jose, para makipamiyesta sila sa Jerusalem para sa Paskwa. Eh saan pa sila makikituloy doon sa Judea kundi sa bahay nina Elizabeth na pinsan ni Maria? Palagay ko taon-taon na nilu-look forward (kinasasabikan) ni Hesus ang muling pagkikita nilang magpinsan.

Marami na akong nakitang mga paintings sa mga simbahan na naglalarawan kina Juan at Jesus bilang magkalaro nang mga bata pa sila. Na lumaki silang magkaibigang matalik o mistulang magkapatid.
Kaya sa libro kong Yeshua talagang umandar ang malikit kong imahinasyon. Doon sa eksena ng pagkawala ni Hesus at pagkakatagpo sa kanya sa templo, may kutob akong kasama niya di Juan. Mukhang bata pa si Jesus nangungulit na siya na magpaiwan muna sa Jerusalem. Siguro mabigat ang loob niya tuwing matapos na ang bakasyon nila at magkakahiwalay sila ng kanyang kuya Juan. May kutob akong ibig din niyang mag-aral sa mga eskwelahan na pinapasukan ni Juan sa Jerusalem kaya minsan nagpaiwan. Malakas kasi ang dating sa puso ni Hesus ng salita ng Diyos. Dahilan kung bakit napalapit siya nang husto sa pinsan niyang si Juan—na imbes na maging saserdoteng tulad ng tatay niyang si Zakarias ay naging aktibistang propeta—na nakabangga ng mgq nasa otoridad tulad ni Herodes Antipas.

Kaya nga siya napadpad sa Capernaum. Hindi ko ikagugulat kung si Mama Mary mismo ang nagpayo sa kanya na lumayo muna at magpalamig nang lumabas ang balita tungkol sa pagkakaaresto ni Juan. Lalo na’t kilala siya bilang kasamahan ni Juan, at bininyagan pa nga siya nito sa ilog Jordan. At di ba’t si Juan din ang nagpakilala sa kanya bilang Kordero ng Diyos sa dalawang alagad niya?
Kaya napakasakit siguro ng huling palitan nila ng salita habang nakabilango si Juan Bautista at nagpasugo ito ng alagad. At ang tanong daw ay, “Ikaw na ba talaga ang hinintay naming dumating o hahanap kami ng iba?” In short, “Nagkamali ba kami?” May palagay akong nasaktan si Hesus sa tanong na yun na parang intriga dahil maugong ang tsismis na naging mabisyo si Jesus, nakikikain at nakikipag-inuman sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan.

Palagay ko hindi si Juan ang pinatatamaan ni Hesus noong isagot niya, “Sabihin niyo kay Juan Bautista ang totoong naririnig ninyo at nasasaksihan: nakakikita ang mga bulag, nakaririnig ang mga bingi, nakalalakad ang mga paralitiko, napagagaling ang mga ketongin, nabubuhay ang mga patay, at nakakarinig ang mga dukha ng mabuting balita.” Parinig yun ni Hesus hindi kay Juan Bautista kundi sa mga intrigerong mga alagad na sugo. Pero dahil sa mga biglaang pagkakabitay niya, hindi na sila nakapag-usap na muli.

Kaya nagdulot ng matinding pagkalungkot kay Hesus ang balita tungkol sa pagkamatay ng kanyang pinsan, ng kaibigan niyang si Juan Bautista. Binitay siya ni Haring Herodes. Pinapugutan ng ulo. Kaya kusang lumayo si Hesus upang makapag-isa, makapagdili-dili sa pagluluksa. Pero sinundan siya ng mga tao. Kaya sa bandang huli, hinarap na rin niya sila.

Parang Pinoy na Pinoy ang dating nito. Hindi ba sa mga burol sa patay dito sa atin sa Pilipinas, hindi ka naman pwedeng mag-isa lang o lumayo? Kasi maraming dadalaw na kamag-anak, kaibigan, katrabaho, kapitbahay. Makikiramay sila, makikipagkwentuhan. Uulit-ulitin na itatanong, “Ano’ng ikinamatay niya? Bakit?” Ang hirap, di ba? Hindi mo masabing, “Lubayan n’yo nga muna ako. Huwag n’yo muna akong kakausapin. Nagluluksa ako.” Hindi. Minsan nga tulad ng kaugalian sa mga burol, pakakainin mo pa ang mga nakikiramay. Katulad ng ginawa ni Hesus. Kung sinong nagluluksa, siya pa yung nagpahanda ng maipapakain.

Parang alingawngaw ito ng narinig natin sa unang pagbasa: “Halina’t kumain at uminom sa aking handa, wika daw ng Panginoon ayon sa propeta.” Ito ang consistent na mensahe ni Hesus. Ibig niyang iparanas ang kaharian ng Diyos sa pagsasalo, sa paghahati ng tinapay, sa paikipagkwentuhan. Ibang larawan ng Diyos ang pinakikilala niya. Hindi Diyos na hukom o berdugo na dapat katakutan, kundi pastol. Pastol na naghahanap kahit sa mga tupang ligaw. Nagpapakain pa rin kahit sa panahon ng pagluluksa.

Ewan kung bakit ang hilig natin kung minsan na gawing panakot ang Diyos. Ewan kung saan galing ang konsepto ng Diyos, na nanggagalaiti na magparusa sa mga makasalanan at magtatapon sa tao sa impyerno.

Narinig niyo ba ang ating ikalawang pagbasa? Kung paano tinanong ni San Pablo, “Sino’ng makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos?” Para na ring niyang tinanong, “Sino bang magtatapon sa atin sa impiyerno?” Ang haba ng listahan niya ng mga posibleng sagot na hinihindian niya bawat isa. Paghihirap ba, kapighatian, pag-uusig o gutom o tabak? Sabi niya kahit na kamatayan, “…walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos dahil kay Kristo Hesus na ating Panginoon.” Kasi hindi naman misyon ng Diyos ang humatol o magparusa, kundi ang kumalinga, tumubos, magligtas, magpakain.

Pero totoo nga bang wala? Ako palagay ko, meron. Meron. Wala nga lang sa listahan ni San Pablo. Isa lang ang totoong pwedeng maghiwalay sa Diyos sa tao. Sino ‘yun? Ang tao mismo. Tayo mismo. Tayo lang ang pwedeng humiwalay sa pag-ibig ng Diyos— kung kusang-loob tayong lalayo sa kanya. At kung mahulog man tayo, bababa pa rin siya para sagipin tayo, tubusin at hanguin.
Kaya siguro inutusan ni ni Hesus ang mga alagad na pulutin pati ang mga pira-pirasong tira-tira mula sa limang tinapay at dalawang isda na nagpakain ng 5,000. Aanihin mo nga naman ang tinapay kung manatiling buo ito? Aamagin lang, di ba? Kaya nga tayo gumagawa ng tinapay para ito mabiyak, mapiraso, makain, maubos, hanggang wala nang matira kundi mumo. Siguro ‘yun ang dahilan kung bakit pinapulot niya ang mga mumo.

Mahal ng Diyos ang mga taong kumbaga sa tinapay ay hindi takot na mabiyak, mahati, mabahagi, mapakain, at magpabusog hanggang wala nang matira kundi mga tira-tira, piras-pirasong mumo. Mahal ng Diyos kahit ang mga mumo dahil patotoo sila sa kagandahang-loob na mag-alay ng sarili. Kaya pinupulot at iniuuwi. Maaari pa silang pagsaluhan at maging simula ng isang bagong himala sa kanyang kaharian.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi nakatutuwang biro

 1,220 total views

 1,220 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 36,301 total views

 36,301 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 188,356 total views

 188,356 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 213,265 total views

 213,265 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 252,459 total views

 252,459 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

LIVE: HEALING MASS SA VERITAS October 14, 2023 | 6:00 PM

 379,529 total views

 379,529 total views Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Tagapagdiwang: Rev. Fr. Orly Jimeno, OFM [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/1339410410283109] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]

Read More »

LIVE: HEALING MASS SA VERITAS October 14, 2023 | 12:00 NN

 379,509 total views

 379,509 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Tagapagdiwang: Rev. Fr. Jerome Secillano [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/100069518821428/videos/640919728176053] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]

Read More »

LIVE: HEALING MASS SA VERITAS October 14, 2023 | 6:00 AM

 379,453 total views

 379,453 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Tagapagdiwang: Rev. Fr. Victor Sadaya, CMF [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/307434575241976] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]

Read More »

LIVE: HEALING MASS SA VERITAS October 14, 2023 | 12:00 MN

 379,436 total views

 379,436 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Tagapagdiwang: Rev. Fr. Joel DL. Rescober, CM [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/358163723302254] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none”

Read More »

LIVE: HEALING MASS SA VERITAS October 13, 2023 | 6:00 PM

 379,427 total views

 379,427 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Fatima Tagapagdiwang: Rev. Fr. Joel Camaya, SDB [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/660940865819605] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top