Pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants, tiniyak ni Tulfo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,748 total reads

Nangako si Senator Raffy Tulfo na paigtingin ang pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants.

Ito ang mensahe ng Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers sa kanyang pagbisita sa mga OFW sa Dubai kasabay ng pagdiriwag ng Migrant Workers’ Day.

Partikular ni tinukoy ni Tulfo ang shelter para sa mga Pilipinong nakararanas ng pang-aabuso sa kanilang employers.

“Ang mga kababayan natin na napunta sa shelter ay nakaranas ng matinding krisis tulad ng pagmamalupit at pananakit kaya nararapat lamang na pagdating sa shelter, sila ay maalagaan ng maayos at mabigyan ng komportableng pansamantalang tahanan.” bahagi ng pahayag ni Tulfo.

Pinuri naman ni Tulfo ang Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagsisikap na mapabuti ang paglilingkod sa mga OFW.

Tiniyak ni Tulfo sa OWWA at DMW na tutulungan itong ipaglabang madagdagan ang pondo sa susunod na budget hearing para sa kapakanan ng Filipino migrants.

Kasama ng senador sa Dubai sina DMW Undersecretary Hans Cacdac, OWWA Administrator Arnel Ignacio, Ambassador Ferdinand Ver, at Philippine Consul General Renator Duenas Jr.

Nakadaupang palad din ng senador sina Maria Emma Lizano, Olive Samson, at Melinda Nulla na mga nagtagumpay sa larangan ng pagni-negosyo sa Dubai.

Sa pakikipagpulong ni Tulfo sa Filipino seafarers sa Middle East tiniyak nito ang patuloy na pagsusulong ng Magna Carta of Seafarers na kasalukuyang nasa ikalawang pagbasa pa lamang ng senado.

Apela ng migrants ministry ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pamahalaan ang pagpapaigting sa programa para sa sampung milyong migrante na naghahanapbuhay sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 106,510 total reads

 106,510 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 141,188 total reads

 141,188 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 164,326 total reads

 164,326 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 200,812 total reads

 200,812 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 212,377 total reads

 212,377 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top