Nakakatakot ba ang Pagtanda?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total reads

Kapanalig, marami sa atin nag-alala kung ano ba ang ating kakaharapin sa ating pagtanda. Ang retirement ba ay nangangahulugan ng boredom o pagkabagot? O ito ba ay maaaring isang yugto ng buhay na dapat nating “excited” at masayang harapin?

Ang World Bank ay may isang pag-aaral na ginawa ukol sa pagtanda na may pamagat na Golden Aging: Prospects for Healthy, Active, and Prosperous Aging in Europe and Central Asia. May mga nilalaman ito na maari nating kunan ng leksyon at gawan ng praktikal na aplikasyon sa buhay Filipino.

Ayon sa pagsusuring ito, ang epekto ng pagtanda sa “productivity” ay iba iba at hindi “alarming” gaya ng nakasanayang persepyon.  Ayon dito, “The aging brain experiences a decline in certain cognitive functions but also shows a remarkable ability to compensate by improving performance in other functions, particularly verbal and social skills.” Humihina man ang nakakatatanda sa ibang aspeto ng trabaho, pero mas lumalakas ang pwersa nito sa iba pang aspeto, na maaring mas importante sa maraming mga industriya ngayon. Dagdag pa ng pag-aaral: Ang mga ebidensya ay nagsasabi na may kamangha-manghang abilidad ang katawan, utak at personalidad ang tao na punan ang kanyang kahinaan at palakasin pa ang mga bagong kasanayan.

Nakita rin ng pag-aaral na ito na ang mga elderly ay hindi pinakamahirap na grupo sa Europa at Central Asia, at ang pagtanda ay hindi naman kailangang magdulot ng mas mataas na antas ng kahirapan. Nakakatulong ng malaki ang pensyon, at ang pamumuhay kasama halimbawa ang anak, upang maka-alpas sa kahirapan. Sa aspetong ito, importante ang polisiya ng isang bansa upang maging komprehensibo at sustainable ang sistema ng pension.

Ayon sa Ageing Asia, sa ating bansa, tumataas ang bilang ng mga elderly. Noong 2000, 4.6 million ang mga senior citizens, o 6% ng kabuuan ng populasyon. Matapos ang isang dekada, naging 6.5 million na ito o 6.9% ng populasyon. Inaasahang pagdating ng 2030, aabot na ng 11.5% ng populasyon ang senior citizens.

Ito ay isang scenario na dapat nating paghandaan. Sistema ang dapat ayusin, hindi lamang sa pension, kundi sa health care at lifestyles na rin. Ang pagtanda ay yugto ng buhay na maaring ating maging golden age, kung saan tayo ay mas masaya, masigla, at mayaman, at higit sa lahat mas malapit sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,078 total reads

 20,078 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,390 total reads

 54,390 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,872 total reads

 90,872 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,084 total reads

 109,084 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 192,348 total reads

 192,348 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,079 total reads

 20,079 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,391 total reads

 54,391 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,873 total reads

 90,873 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,085 total reads

 109,085 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top