Rev. Fr. Jerico Habunal
Monday, November 23, 2026 9:18 am
2,354 total reads
Gospel Reading for November 23, 2026 – Luke 21: 1-4
GENEROSITY is GRATITUDE
When Jesus looked up he saw some wealthy people putting their offerings into the treasury and he noticed a poor widow putting in two small coins. He said, “I tell you truly, this poor widow put in more than all the rest; for those others have all made offerings from their surplus wealth, but she, from her poverty, has offered her whole livelihood.”
————
The amount we drop into the collection box is not what gives it value. The value of what we give depends on how much we needed it for our personal use or what we had to give up in order to give it. Therefore, GENEROSITY does not depend on how much is given but on how much we give up to give it.
The best motivation for GENEROSITY is GRATITUDE. If we make it a habit to count our blessings or notice the good things that come our way in life, it will be easier for us to be generous. Being blessed should inspire us to bless others, too.
Lord Jesus, may we live each day always recognizing all the good things we receive from God, and may these inspire us to share what we receive with others, too. Amen.
Rev. Fr. Nicanor Lalog II
Monday, November 23, 2026 7:21 am
2,707 total reads
Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Thirty-Fourth Week in Ordinary Time, Year II, 23 November 2026
Revelation 14:1-5 <*((((>< + ><))))*> Luke 21:1-4
Photo by author, mountain view from Kalinto Resort, Botolan, Zambales, 13 November 2026.
Thank you,
dear Jesus,
in giving some thoughts
for those two small coins
dropped by a poor widow
into the temple treasury,
an amount even less than
the proverbial "penny for your thoughts."
Nothing truly escapes
your notice, Jesus,
not because you are
exacting but more of being
so appreciative of our efforts,
of what is in our hearts;
the widow in her heart already
had you and her two small coins
simply followed it to the
temple treasury.
Teach me to first empty
my heart so that I may learn to
give it all to you,
O Lord.
Amen.
Photo by author, Kalinto Resort, Botolan, Zambales, 13 November 2026.
Rev. Fr. Anton CT Pascual
Monday, November 23, 2026 7:00 am
25,373 total reads
Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba pang bansa. Oportunidad ito para pag-usapan ang mahahalagang bagay katulad ng ekonomiya at kapayapaan.
Pero nabahiran ito ng karahasan laban sa mga Pilipino mismo.
Hindi baba sa 300 katao ang dinakip sa Metro Manila at karatig na lugar sa pagbubukas ng summit noong Nobyembre 15. Karamihan sa kanila ay nakilahok sa mga kilos-protesta laban sa Pax Silica, isang inisyatibong isinusulong ng Amerika para palakasin ang supply chain o ang network na sisigurong may mga materyales, manggagawa, impormasyon, at iba pa para itaguyod ang artifical intelligence (o AI). Hindi pa malinaw ang magiging proyekto sa Pilipinas sa ilalim ng inisyatibong ito, pero matunog ang pagtatayo ng isang AI hub sa Tarlac na maaaring makaapekto sa supply ng tubig at kuryente, makasira ng kalikasan, at magpalayas sa mga katutubo. Dumalo si US President Donald Trump sa ASEAN Summit, pero walang isinapublikong pag-uusap kaugnay ng Pax Silica.
Bitbit din ng mga raliyista ang mga panawagang wakasan ang kahirapan sa bansa at papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Maliban sa mga nagpoprotesta, mayroon din mga mamamahayag na dinakip ang kapulisan. Makikita sa mga litrato at videos ang pagigiit ng ilang mamahayag na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho. Gayunpaman, sapilitan silang hinuli at idinetine kasama ng mga raliyista. May mga report ng marahas na pagtrato sa mga raliyista at pagbabawal diumano ng awtoridad na makausap nila ang kanilang mga abogado.
Ayon sa PNP, ang lahat ng dinakip ay lumabag sa Public Assembly Act of 1985. Ilan daw sa kanila ay walang permit, nasa labas ng mga lugar kung saan pinapayagan ang mga kilos-protesta, o sadyang nanggulo. Itinanggi rin ng kapulisan na hinarang nila ang abogado ng mga hinuli. Anila, may mga security protocols na dapat sundin, at pinapasok din naman ang mga abogado pagkatapos ng ilang beripikasyon.
Kinundena ng mga human rights groups ang mga pagdakip. Para kay National Union of People’s Lawyers President Ephraim Cortez, ang pagpoprotesta laban sa kahirapan, katiwalian, at mga proyektong maaaring magpahirap sa taumbayan ay hindi krimen. Iginiit niyang ginagarantiya ng Saligang Batas ang malayang pagpapahayag at mapayapang pagtitipon.
Nagsalita rin si Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, kaugnay ng isyu. Bagamat maituturing na magandang balita ang pagpapalaya sa halos dalawandaang inaresto, kasama ang mga menor de edad, kailangan pa rin daw managot ng awtoridad sa mga reklamo kaugnay ng pagtrato nila sa mga raliyista. Hindi rin daw dapat kalimutan ang mga raliyistang nananatiling nakapiit. Nanawagan ang obispo na imbestigahan ang mga ito. Dagdag pa niya, kapag dumadaing ang mahihirap sa kanilang mga suliranin, hindi dapat sila sinasalubong ng karahasan. Sa halip, dapat silang pakinggan, seryosohin, at igalang.
Kinikilala ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang karapatang tumutol. ‘Ika nga ni Santo Tomas Aquinas, “Man is bound to obey… in so far as this is required by the order of justice.”Dapat tayong sumunod basta naayon ito sa katarungan. Kinakailangan din ang ating pakikilahok para “dumaloy ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang ‘di natutuyong batis,” ayon nga sa Amos 5:24. Ang pananahimik ay pagsang-ayon sa mga makasalanang istrukturang taliwas sa kabutihang panlahat.
Mga Kapanalig, hindi krimen ang mapayapang pagpoprotesta at pagpapahayag ng pagtutol sa mga patakaran at desisyon ng pamahalaan na may nakikitang negatibong epekto sa mga komunidad, mga sektor, at maging sa kalikasan. Sa katunayan, ang pagtalikod dito sa gitna ng kawalang-katarungan ay kabiguang gampanan ang isang Kristiyanong tungkulin.
25,374 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba
147,649 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.
198,012 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang
325,070 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal
409,301 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong
452,559 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Tagapagdiwang: Rev. Fr. Jerome Secillano [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/100069518821428/videos/640919728176053] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]
452,504 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Tagapagdiwang: Rev. Fr. Victor Sadaya, CMF [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/307434575241976] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]
452,487 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Tagapagdiwang: Rev. Fr. Joel DL. Rescober, CM [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/358163723302254] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none”
452,478 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Fatima Tagapagdiwang: Rev. Fr. Joel Camaya, SDB [fb_plugin video href=https://www.facebook.com/DZRV846/videos/660940865819605] [give_form id=”72114″ show_title=”true” show_goal=”false” show_content=”none” display_style=”onpage”]