Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, AGOSTO 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,541 total views

Paggunita kay Papa San Pio X

Mga Hukom 2, 11-19
Salmo 105, 34-35. 35-37. 39-40. 43ab at 44

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Mateo 19, 16-22

Memorial of St. Pius X, Pope (White)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Mga Hukom 2, 11-19

Pagbasa mula sa aklat ng mga Hukom

Noong mga araw na iyon, ang mga Israelita ay gumawa ng masama sa Panginoon. Naglingkod sila sa mga Baal. Tinalikdan nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno at siyang nag-alis sa kanila sa Egipto. Naglingkod sila at sumamba sa mga diyus-diyusan ng mga bayan sa paligid. Kaya, nagalit sa kanila ang Panginoon. Tinalikdan nga nila ang Panginoon at naglingkod sa mga Baal at kay Astarot. Dahil dito, nagalit ang Panginoon sa Israel. Kaya, sila’y pinabayaan niyang malupig ng kaaway at samsaman ng ari-arian. Tuwing sila’y makikipagdigma, ipinalulupig sila ng Panginoon, tulad ng kanyang sumpa. Anupat wala silang kapanatagan.

Ang Israel ay binigyan ng Panginoon ng mga hukom upang magtanggol sa kanila. Ngunit hindi nila pinakinggan ang mga ito. Tinalikdan nila ang Panginoon at naglingkod sa mga diyus-diyusan. Lahat ng hukom na inilagay ng Panginoon ay tinulungan niya upang iligtas sila sa kanilang mga kaaway. Nababagbag ang kanyang kalooban dahil sa kanilang mga daing bunga ng hirap na dinaranas nila. Ngunit pagkamatay ng hukom na inilagay niya, ang mga Israelita’y nagbabalik sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Higit pa sa kasamaan ng kanilang mga ninuno ang kanilang ginagawa Hindi nila maiwan ang kanilang kasamaan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 34-35. 36-37. 39-40. 43ab at 44

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Di nila nilipol yaong mga taong naro’n sa Canaan,
bagaman at ito’y iniutos ng Diyos na dapat gampanan.
Sa halip na sundin ang utos ng Diyos, bagkus nakisama,
at maling gawain ng mga pagano ang sinunod nila.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran,
sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.
Pati anak nilang babai’t lalaki’y inihaing lubos,
sa diyus-diyosan, mga batang ito ay dinalang handog.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Ang sarili nila yaong nadungisan sa gayong ginawa,
sa Panginoong Diyos sila ay nagtaksil at pawang sumama.
Itong Panginoo’y nagpuyos ang galit sa mga hinirang,
siya ay nagdamdam sa ginawa nilang pawang kataksilan.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Hindi na miminsan, marami nang beses iniligtas sila,
naghimagsik pa rin, kaya naman sila’y lalong nagkasala.
Gayunman, hindi rin siya tinitiis pag nananambitan,
dinirinig niya’t sa taglay na hirap kinahahabagan.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

ALELUYA
Mateo 5, 3

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 19, 16-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, may isang lalaking lumapit kay Hesus at nagtanong, “Guro, ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos.” “Alin-alin po?” tanong niya. Sumagot si Hesus, “Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; igalang mo ang iyong ama at ina; at, ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” Sinabi ng binata, “Tinutupad ko na pong lahat iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin?” “Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan. Kapag ginawa mo iyan, magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin,” sagot ni Hesus. Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata, sapagkat siya’y napakayaman.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Hinahamon tayo ni Jesu-Kristo na ipagpalit ang mga materyal na kayamanan ng mundong ito sa kanyang walang hanggang karunungan. Ang ating mga panalangin nawa’y makatulong sa ating pagpasok sa kanyang Kaharian.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ikaw ang pamana sa amin, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y mapalaya ang mga lalaki at babae sa epekto ng materyalismo at kahangalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno nawa’y huwag isakripisyo ang kanilang prinsipyo sa kapangyarihan, tagumpay, at ambisyon, at sa halip isulong nila ang dangal at halaga ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at mga guro nawa’y hamunin ang mga kabataan na mamuhay sa mga bagay na tunay na makahulugan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong labis ang ari-arian at likas na yaman nawa’y matutong magbahagi ng kanilang yaman at talento sa mga dukha at kapuspalad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mapuno ng yaman ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, biyayaan mo kami ng katapangan, kasiyahan, pananalig, at karangalan. Gawin mo kaming matalino sa karunungan ni Jesus, siya na nabubuhay at naghahari, kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 202,069 total views

 202,069 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 223,845 total views

 223,845 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 247,746 total views

 247,746 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 354,451 total views

 354,451 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 378,134 total views

 378,134 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 87,210 total views

 87,210 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 87,441 total views

 87,441 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 88,020 total views

 88,020 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 67,244 total views

 67,244 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 67,353 total views

 67,353 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top