Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 285,226 total views

Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman.

Noong ika-8 ng Enero, gumuho ang malaking bahagi ng nasabing landfill na pinangangasiwaan ng Prime Integrated Waste Solutions. Nabaón sa tone-toneladang basura, lupa, at mga gumuhong istruktura ang maraming manggagawa at nangangalakal. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa 28 ang nasawi, 18 ang nasugatan, at walo pa ang hinahanap. 

Naghain na ng cease and desist order ang Department of Environment and Natural Resources (o DENR) laban sa tagapangasiwa ng landfill. Ipinasara na rin ang tambakan habang isinasagawa ang search and rescue at cleanup. Dahil ang Binaliw landfill ang pangunahing waste disposal facility na nagseserbisyo sa mga lungsod ng Cebu, Mandaue, at Lapu-Lapu, at sa bayan ng Consolacion, nagdulot ang pagsasara nito ng krisis sa basura sa mga nasabing lugar. Kumikilos na ang mga lokal na pamahalaan upang humanap ng mga pansamantalang waste disposal facility. Pero ang tanong ng mga tao ngayon: saan dadalhin ang basura nila araw-araw?

Ayon sa paunang pagsusuri ng DENR, posibleng nangyari ang “trash-slide” dahil sa sobrang dami at taas ng tambak ng basura, tuluy-tuloy na pag-ulan, at mga geotechnical limitations ng landfill. Kung matatandaan, tumama sa Cebu ang 6.9-magnitude na lindol noong Setyembre, at nanalasa naman ang Bagyong Tino noong Nobyembre. 

Matagal na ring nasasangkot sa kontrobersya ang Binaliw landfill simula pa noong 2019. Marami na raw itong paglabag sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act. Lumabas sa isang inspeksyon noong 2024 na nagmistulang open dumpsite sa halip na sanitary landfill ang ilang bahagi ng Binaliw landfill. Nagprotesta na rin ang mga residente dahil sa masangsang na amoy, pagdami ng mga langaw, at banta sa kalusugan ng mga tao ng pasilidad. 

Ayon naman sa Movement for a Livable Cebu, sa kabila ng pagsunod ng mga lokal na pamahalaan sa RA 9003 sa pagbalangkas ng 10-year solid waste management plans, nananatiling “blueprints without action” ang mga ito. Ang batas at mga mandatong plano ay hindi mga dokumento lamang. Dapat na maayos na ipinapatupad ang mga ito upang masiguro ang kaligtasan at disenteng pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat ding ipinatutupad ang RA 11898 o ang Extended Producer Responsibility Act upang mapanagot ang mga kumpanyang sangkot sa krisis sa basura. 

Higit pa sa wastong pamamahala ng basura, dapat ding bawasan ang basurang nalilikha sa simula pa lang. Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, ipinaaalala sa atin ng Simbahan na ang krisis sa basura ay konektado sa throwaway culture, kung saan hindi nagtatagal at mabilis na itinatapon bilang basura ang karamihan ng mga bagay na ginagamit at kinokonsumo natin. Nakaugat ito sa modelo ng produksyon at pagkonsumo kung saan nangingibabaw ang kita o profit. Para sa mga negosyante, mas malaki ang kikitain sa paggawa ng mga produktong madaling masira at palitan o disposable. Hindi sila kikita kung nagtatagal, nakukumpuni, at muling nagagamit ang kanilang ibinibenta. Habang sila ay kumikita, binabayaran naman ng mga konsyumer ang mga negative externalities o nakatagong gastos sa produksyon gaya ng polusyon, banta sa kalusugan, at mga trahedyang katulad ng nangyari sa Cebu.

Mga Kapanalig, ipagdasal natin ang mga biktima ng trahedya at kani-kanilang pamilya. Dapat nilang makamit ang katarungan. Dapat mapanagot ang mga maysala sa environmental violations na nagdulot sa pagguho ng Binaliw landfill. Lahat tayo ay may papel sa pangangalaga sa ating common home at sa isa’t isa. Paalala nga sa Genesis 2:15, ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang responsabilidad na pagyamanin at pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran—hindi ang abusuhin at sayangin lamang upang maging basura at tambakan nito. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 35,710 total views

 35,710 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 60,026 total views

 60,026 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 95,816 total views

 95,816 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 136,902 total views

 136,902 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 187,774 total views

 187,774 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Itigil ang pagdanak ng dugo

 35,711 total views

 35,711 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 60,027 total views

 60,027 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 95,817 total views

 95,817 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 136,903 total views

 136,903 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »
Scroll to Top