Ika-800 taong anibersaryo ng transitus ni San Francisco de Asis, pormal na binuksan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,582 total reads

Pormal na binuksan ng Inter-Franciscan Ministers Conference in the Philippines (IFMCP) ang ika-800 anibersaryo ng kamatayan o Transitus ni San Francisco de Asis sa isang makabuluhang pagtitipon sa pamamagitan ng musika at malalim na pagninilay.

Ginanap ito sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City noong January 20, 2026, tampok ang pagsasapubliko ng official logo ng ikawalong sentenaryo at ang Frate Sole, kung saan nagtanghal ang kilalang Italian pianist and composer, Maestro Mario Mariani.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, Minister Provincial at chairperson ng IFMCP, na ang sentenaryo ay hindi lamang pagdiriwang kundi isang paanyaya sa mas malalim na pagninilay at pagbabagong-loob ng bawat isa.

“These events are not only celebrations, funfairs, and activities. They are invitations to conversion, to renewal, and to living anew the spirit of St. Francis,” pahayag ni Fr. Redoblado.

Pinasalamatan din ni Fr. Redoblado si Italian Ambassador to the Philippines Davide Giglio sa pagbibigay-daan upang maisakatuparan ang konsiyerto, gayundin si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa naging mahalagang papel sa pag-uugnay ng mga institusyon para sa okasyon, na isinabay sa pagdaraos ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Plenary Assembly.

Inilarawan ni Fr. Redoblado ang pagtatanghal ni Mariani bilang isang tunay na handog sa Franciscan family, kung saan binigyang-buhay ng musika ang espiritu ni San Francisco de Asis.

Ayon sa pari, ang pagtatanghal—na binubuo ng live composition habang isinasagawa ang film viewing—ay hindi lamang malikhaing karanasan kundi isang paanyaya sa mas malalim na pagninilay.

Iginiit ni Fr. Redoblado na nananatiling mahalagang tungkulin ng mga mananampalataya ang tumugon sa mga hamong dulot ng mga suliraning panlipunan at pangkalikasan, lalo na ang panawagan na maging tagapamayapa sa isang mundong nahahati ng karahasan, hidwaan, at maling impormasyon.

“St. Francis teaches us that peace is God’s gift, but also our daily task… To love creation today is to defend life, protect the most vulnerable, and live simply and responsibly,” giit ni Fr. Redoblado.

Hinikayat ng pinuno ng mga Franciscano sa Pilipinas ang lahat na gawing konkretong pamumuhay ang diwa ng pananampalataya, na isinasabuhay sa integridad, pakikiisa sa mga mahihirap, at matatag na paninindigan sa gitna ng katiwalian, ang misyong isinabuhay ni San Francisco de Asis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 31,900 total reads

 31,900 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 67,891 total reads

 67,891 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 121,726 total reads

 121,726 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 183,712 total reads

 183,712 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 251,454 total reads

 251,454 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 49,249 total reads

 49,249 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top