Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 286,278 total views

Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang kanilang komunidad laban sa pagmimina?

Agosto noong nakaraang taon nang bigyan ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR ang Woggle Corporation ng exploration permit sa naturang bayan. Mahigit tatlong libong ektarya ng lupain ang sakop ng permit. Agad umaksyon ang mga residente. Nagtayo sila ng mga barikada. Wala raw isinagawang konsultasyon sa kanila kaugnay ng mining exploration. Wala ring written consent na hiningi mula sa mga residente at may-ari ng mga maaapektuhang pribadong lupa. Nababahala rin sila, kasama ng ilang grupo at Simbahan, sa mga bantang dala ng pagmimina sa kalikasan at sa kalusugan at kabuhayan ng mga tao.

Patuloy na tumataas ang tensyon sa Dupax del Norte nitong mga nakaraang linggo matapos mag-isyu ng writ of preliminary injuction ang Bambang Nueva Vizcaya Regional Trial Court Branch 30. Ipinag-utos ng korte na tanggalin ng mga residente ang kanilang barikada sa Keon Road, isang kalye sa Barangay Bitnog na dinadaanan papunta sa mining exploration site.

Para kay Bishop Elmer Mangalinao ng Diyosesis ng Bayombong, lubhang nakalulungkot at nakaaalarma ang naging desisyon ng korte, hindi lamang para sa mga residente ng komunidad, ngunit maging sa lahat ng naninindigan para sa buhay, lupa, at kalikasan sa Nueva Vizcaya. May nabalitaan na rin ang diyosesis na mga insidente ng pang-aabuso at pananakot sa mga residenteng mapayapang lumalaban para sa kanilang mga karapatan.

Dahil rito, umaapela si Bishop Mangalinao sa mga lokal na opisyal ng Nueva Vizcaya na mag-issue ng cease and desist order laban sa exploration activities ng Woggle Corporation. Mabibigyan daw ito ng pagkakataon ang mga awtoridad na imbestigahan ang sinasabing mga pang-aabuso sa karapatang pantao. Panahon din ito para pigilan ang pagsira sa kalikasan ng probinsya. Binigyang-diin ng obispo ang pangunahing tungkulin ng mga lokal na opisyal na protektahan ang kanilang mga nasasakupan.

Samantala, nanawagan naman si Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima sa kapwa niya mga kongresista na magsagawa ng isang congressional investigation kaugnay ng isyu. Bilang bahagi ng oversight function ng Kongreso, mahalaga raw malaman kung sumunod sa batas ang korporasyon sa mga ginagawa nila sa Nueva Vizcaya at kung may mga ahensyang dapat managot sa isyu. Ayon pa sa mambabatas, “walang kita o sinasabing pag-unlad ang makatutumbas sa buhay at ikinabubuhay ng mga apektadong komunidad na nalalagay sa peligro dahil sa… pagmimina.”
Katulad ng sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan, hindi maituturing na tunay ang kaunlaran kung may mga isinasantabi. Iginagalang at itinataguyod ng tunay na kaunlaran ang kabutihan at kaganapan ng bawat nilikha. Kaya naman, anumang proyekto o gawaing yumuyurak sa dignidad ng mga nilikha—tao man o kalikasan—ay bahagi ng huwad na kaunlaran. Walang katumbas na pera ang maaaring pumantay sa dignidad ng tao at sangnilikha.

Ang pagsasantabi sa mga tao at ang pagsira sa kalikasan ay paglapastangan sa “napakabuting” nilikha ng Diyos, ayon nga sa Genesis 1:31. Kung pagmamasdan kaya ng Diyos ang kalagayan ng lahat ng Kanyang nilikha, matutuwa kaya Siya? Kung makikita Niya ang nangyayari sa Nueva Vizcaya—at sa marami pang lugar na itinataboy ang mga tao sa ngalan ng kita—masasabi pa rin kaya Niyang napakabuti ng Kanyang mga nilikha?

Mga Kapanalig, hindi pa huli ang lahat para sa mga kababayan natin sa Duplax del Norte. Patuloy silang tumitindig para sa kanilang mga karapatan at pinoprotektahan ang likas na yaman ng kanilang bayan. Samahan natin sila sa kanilang mga panawagan. Tayong lahat ay may pananagutang isulong ang isang tunay na kaunlaran saan mang bahagi ng Pilipinas.

Sumainyo ang katotohanan.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 37,581 total views

 37,581 total views Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 1,932 total views

 1,932 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 58,157 total views

 58,157 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 121,838 total views

 121,838 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 191,206 total views

 191,206 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 221,460 total views

 221,460 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kanino natututo ang mga bata?

 1,933 total views

 1,933 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 58,158 total views

 58,158 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 121,839 total views

 121,839 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »
Scroll to Top