Pagpapatigil ng coal mining operation sa Semirara island, hiniling ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,521 total views

Nanindigan si Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, sa pamahalaan na huwag nang palawigin o muling ipagkaloob ang coal operating contract sa Semirara Island na magtatapos sa 2027.

Iginiit ni Bishop Alminaza na ang patuloy na pagmimina ng karbon ay nagdulot ng pangmatagalang pinsala sa kabuhayan, kalikasan, at kinabukasan ng mga komunidad sa isla.

Ayon sa obispo, hindi teknikal o neutral ang desisyong kinahaharap ng pamahalaan kundi isang moral na usapin na magpapakita kung sino ang tunay na pinahahalagahan, ang kita ng iilan o ang buhay ng mga mamamayan.

Ibinahagi niya ang sinapit ng mga seaweed farmer na nawalan ng ani at kita matapos maapektuhan ng coal pollution ang mga taniman sa dagat.

“Repeated across the island in many forms, this experience tells us more about coal than any balance sheet ever will,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Tinukoy ni Bishop Alminaza na bagama’t tahanan ng pinakamalaking open-pit coal mine sa bansa, ang Semirara ay isa ring isla na mayamang-mayaman sa likas na yaman—mula bakawan hanggang yamang-dagat—na unti-unting nasira habang inuuna ang interes ng iilan.

Aniya, ang mga desisyon ukol sa isla ay matagal nang ginagawa sa labas ng komunidad, malayo sa mga pamilyang direktang apektado.

Binigyang-diin ni Bishop Alminaza, na matapos ang ilang dekada ng pagmimina at bilyong pisong kita, marami pa ring pamilya sa Semirara ang nananatiling mahirap, lantad sa panganib, at walang katiyakan ang kinabukasan, na maituturing na hindi pag-unlad bagkus, dahan-dahang pagkakait ng kabuhayan ng mga tao.

Dagdag pa ng obispo, hindi rin makatarungan ang ipinagmamalaking papel ng karbon sa energy security ng bansa, dahil nananatiling import-dependent ang coal supply habang patuloy na pasan ng mamamayan ang mataas na singil sa kuryente.

“Energy security that depends on imported coal is neither secure nor just. In truth, what is defended as necessity is convenience for those who do not bear the cost,” giit ni Bishop Alminaza.

Dahil dito, nanawagan ang Caritas Philippines ng agarang coal phaseout at isang makatarungan at malinaw na just transition na magbabalik ng kabuhayan, mangangalaga sa kalikasan, at magtataguyod ng renewable energy na nakatuon sa kapakanan ng mga komunidad.

Nilinaw ni Bishop Alminaza na hindi niya kinokondena ang mga manggagawang umaasa sa pagmimina, kundi ang sistemang nagpapasan ng pinsala sa mahihirap habang kinakamkam ang kita ng iilan.

“The time to end coal in the Philippines is now. To delay is to choose harm. To act is to choose life,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 5,638 total views

 5,638 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 27,643 total views

 27,643 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 51,985 total views

 51,985 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 76,162 total views

 76,162 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 111,620 total views

 111,620 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top