Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, SETYEMBRE 20, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,180 total views

Paggunita kina San Andres Kim Taegon, pari at martir, San Pablo Chong Hasang, at mga kasama, mga martir

1 Timoteo 3, 14-16
Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Lucas 7, 31-35

Memorial of St. Andrew King Taegon, Priet and St. Paul Chong Hasang, and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 3, 14-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, malaki ang pag-asa kong magkikita tayo sa lalong madaling panahon. Gayunma’y sinulat ko rin ang mga tagubiling ito upang hindi man ako makarating agad ay malaman mo rin ang dapat ugaliin sa sambahayan ng buhay na Diyos, sa simbahan na siyang haligi at saligan ng katotohonan. Napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihiyon:
Siya’y nahayag nang maging tao,
at pinatotohanan ng Espiritu,
nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa sanlibutan,
pinaniwalaan ng lahat,
at sa langit ay tinanggap.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

o kaya: Aleluya.

Buong puso siyang pasasalamatan,
aking pupurihin sa gitna ng bayan
kasama ng mga lingkod na hinirang.
Napakadakila ang gawa ng Diyos,
pinananabikan ng lahat ng lingkod.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Lahat niyang gawa’y dakila at wagas,
bukod sa matuwid hindi magwawakas.
Hindi inaalis sa ating gunita,
na siya’y mabuti’t mahabaging lubha.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Sa may pagkatakot pagkai’y sagana;
pangako ng Poon ay hindi nasisira.
Ipinadama n’ya sa mga hinirang,
ang kapangyarihan niyang tinataglay,
nang ibigay niya lupa ng dayuhan.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

ALELUYA
Juan 6, 63k. 68k

Aleluya! Aleluya!
Espiritung bumubuhay
ang Salita mo, Maykapal,
buhay mo ang tinataglay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 31-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad nila? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro:

‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw!
Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!

Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ Naparito naman ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ipinahayag ng mga Propeta ang pagdating ng ating mananakop. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagsisisi sa mga kasalanan, ipinahayag ni Juan Bautista ang kanyang pagdating. Sa diwa ng pagsisisi, manalangin tayo sa tulong ng Diyos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Kaibigan ng mga makasalanan, tipunin mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y patuloy pang umunlad at higit pang humikayat sa mga sumasampalataya sa maluwalhating Hapag ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mayayaman at ang dukha nawa’y hindi umiwas sa hamon ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumugon nang may katapatan sa tawag ng pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Lahat tayo nawa’y tumugon nang may katapatan sa tawag ng pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mabuhay sa tahanan ng Panginoon at magbunyi sa Hapag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, inaanyayahan mo kami upang makapiling ka sa iyong Kaharian. Ngayong nananalangin kami para sa iba, tulungan mo kaming maisama sila sa Hapag na inihanda ng iyong Anak na si Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 53,847 total views

 53,847 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 85,842 total views

 85,842 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 130,634 total views

 130,634 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 153,752 total views

 153,752 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 169,151 total views

 169,151 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 27,725 total views

 27,725 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 27,956 total views

 27,956 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 28,442 total views

 28,442 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 19,737 total views

 19,737 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 19,846 total views

 19,846 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top