Public service is a public trust

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 196,861 total reads

Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN ay isang sinumpaang dokumento kung saan nakasaad ang mga ari-arian o assets (katulad ng bahay, negosyo, at sasakyan) at mga utang o liabilities ng mga nasa gobyerno. Ang kabuuang net worth ay makukuha kapag ibabawas ang halaga ng liabilities sa halaga ng assets. Dapat ding nakalahad sa SALN ang mga kamag-anak sa gobyerno, gayundin ang mga interes sa mga pribadong negosyo.

Ayon sa Civil Service Commission, layunin ng pagsusumite ng SALN na itaguyod ang transparency sa civil service. Nagiging panangga ito laban sa iligal na pagkamal ng yaman gamit ang posisyon sa gobyerno. Nagsisilbi itong instrumento para matukoy ang di-maipaliwanag na yaman, biglaang pagdami ng ari-arian, at mga conflict of interest ng isang kawani ng pamahalaan.

Noong 2020, nilimitahan ni dating Ombudsman Samuel Martires ang pagsasapubliko ng SALN. Kailangan daw munang may notarized letter of authority mula sa opisyal bago ilabas ang dokumento. Dahil dito, halos imposibleng makuha ng publiko at ng media ang mga kopya ng SALN. Pero muling nabuhay ang panawagan para sa transparency kasabay ng imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects at ng utos ni Pangulong BBM na magsagawa ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno.

Batay sa mga inilabas na SALN ng mga senador, si Senador Mark Villar ang pinakamayaman na may net worth na 1.2 bilyong piso. Si Senator Chiz Escudero naman ang may pinakamababang net worth na umabot sa 18.8 milyong piso. (Naniniwala ba kayo, mga Kapanalig?) May ilang senador naman na itinago ang pangalan ng mga kumpanyang konektado sa kanila, bagay na nagpapahirap sa pagsususri kung tama o hindi ang isinapublikong yaman ng mga mambabatas.

Kumpleto man o hindi ang mga SALN, ang malinaw, napakalaki ng agwat ng kalagayan sa buhay ng mga pulitiko at ng kanilang mga pinaglilingkuran. Ayon sa Social Weather Stations (o SWS), halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino (o 49%) ang nagsabing “mahirap” sila. Sa isang bansa kung saan maraming hiráp makaraos, iskandalo talagang makita ang mga halal na opisyal na may milyun-milyon o bilyun-bilyong pisong net worth. Malalaman pa nating damay ang ilang senador sa kontrobersya ng flood control projects. Inirekomenda nga noong isang linggo ng Independent Commission for Infrastructure (o ICI) sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong plunder sina Senador Joel Villanueva at Senador Jinggoy Estrada. 

Sa mga nangyayari ngayon, kailangang patunayan ng gobyerno na karapat-dapat itong pagkatiwalaan ng taumbayan. Ayon kay Gabriela Representative Sarah Elago, dapat maging mas proactive ang mga opisyal ng gobyerno, lalo na ang presidente at bise presidente, sa paglalabas ng kanilang SALN. Sinasabi rin nga sa Kawikaan 10:9, “ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.” Dapat itong magsilbing gabay sa mga pinuno na sa kanilang katapatan nakasalalay ang tiwala ng taumbayan. Public service is a public trust, ‘ika nga.

Sinasabi pa sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan na napoproteksyunan ang mga tiwali kapag walang transparency at kapag ang mga ginagawa ng pamahalaan ay hindi tunay na nakabatay sa batas at katarungan. Kaya tayo rin sa Simbahan ay kasama sa panawagang patatagin ang mga mekanismo ng pananagutan sa ating gobyerno, kasama na rito ang pagsasapubliko sa yaman ng mga inihalal natin.

Mga Kapanalig, ang landas tungo sa tunay na transparency sa gobyerno ay hindi dapat matapos sa paglalabas lang ng mga SALN. Kung walang pagsusuri at pagbabantay ng publiko, mananatiling laganap ang katiwalian at kasinungalingan, at tayong mga Pilipino ang talo sa huli.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,819 total reads

 17,819 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,597 total reads

 55,597 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,808 total reads

 73,808 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,136 total reads

 158,136 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,661 total reads

 194,661 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 17,821 total reads

 17,821 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,599 total reads

 55,599 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,810 total reads

 73,810 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,138 total reads

 158,138 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top